Nang maghiwalay sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz noong October 2021, nagkaroon ng espekulasyon kung may kinalaman sa breakup sina Paulo Avelino at Julie Anne San Jose.
Si Paulo ay nakatambal ni Janine sa seryeng Marry Me, Marry You ng ABS-CBN, samantalang si Julie Anne ay co-host ni Rayver sa reality talent show na The Clash ng GMA-7.
Sa ulat ng PEP Troika, sinabing si Janine ang nag-initiate ng breakup nila ni Rayver.
Pareho namang nilinaw nina Janine at Rayver na walang third party sa breakup nila.
Read: Janine Gutierrez answers "ipinagpalit ka ba" question after recent breakup: "Wala namang ganern."
Ngayong 2022, balita pa ring may namumuong espesyal na relasyon sa pagitan nina Janine at Paulo, na namataan pang nagbakasyon sa Palawan.
Maugong din ang usap-usapan ngayong tila nagkakamabutihan na rin sina Rayver at Julie Anne.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa Film Ambassadors' Night na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ginanap ito sa Metropolitan Theater sa Manila, Linggo ng gabi, February 27.
Dito ay hiningan ng reaksiyon si Janine sa nababalitang magandang unawaan nina Rayver at Julie Anne.
"Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga. I'm always gonna care about him," tukoy ni Janine kay Rayver.
Hindi na muling nagkikita sina Rayver at Janine, pero siniguro ng aktres na maayos ang samahan nila ng ex-boyfriend.
Sabi ng Kapamilya actress, "Di kami nagkikita uli, pero okay naman kami. I always wish him the best and I'm always rooting for him talaga."
Nang tanungin si Janine sa balitang in-unfollow niya si Julie Anne sa Instagram, natatawang bulalas ni Janine, "Ay!"
Natawa na lang ang aktres, at hindi sinagot ang tanong. Sakto ring sa puntong iyon ng interbyu ay tinawag na ito para makihalubilo sa ibang guests.
Read: Did Janine Gutierrez unfollow Julie Anne San Jose on Instagram?
JANINE ON SPENDING TIME WITH PAULO
Pero sa bandang umpisa ng interbyu ay natanong din si Janine sa real score sa pagitan nila ni Paulo.
Marami ang kinikilig sa closeness nila sa taping ng Marry Me, Marry You.
Kinumusta namin ang pagiging malapit nila sa isa't isa, at hindi naman ikinaila ni Janine na masaya siya kapag magkasama sila ni Paulo.
"Well, I'm happy that we are close. We have always been close naman.
"Mas naging close lang kami after ng teleserye and after working together sa ABS," nakangiting sabi ni Janine.
Nagkatrabaho na sila sa pelikulang Ngayong Kaya, pero hindi pa ito ipinalalabas sa sinehan.
Minsan na ring inamin ni Paulo na may dating history sila ni Janine, pero hindi lang ito umusbong sa unawaan noon.
Nanliligaw na ba si Paulo kay Janine ngayon? May pag-asa ba itong maging nobyo niya?
Napahagalpak ng tawa si Janine na hindi na raw sanay mainterbyu ng press.
Pero makikita sa kakaibang ngiti ni Janine na tila hindi malayong maging sila ni Paulo.
Aniya: "We super get along with each other. We'll see what will happen.
"Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him."
Inamin din ni Janine na patuloy ang komunikasyon nila ng Kapamilya actor, pero pati rin ibang nakasama nila sa serye na sina Adrian Lindayag, Cherry Pie Picache, at Edu Manzano.
"Actually, lahat kami nagkikita, sila Adrian, Ms. Pie, Tito Edu, so ayun. Everybody stays in touch."
Maging ang co-star nila sa Marry Me, Marry You na si Jake Ejercito ay alaga ring tuksuhin si Janine kay Paulo.
Sang-ayon ni Janine, "Oo, lalo na si Jake, matukso siya na friend.
"Pero actually, yung huli naming napag-usapan ni Jake, campaign season.
"Hopefully, makasama ko siya sa mga ganung klaseng ganap."
Ang tinutukoy ni Janine ay ang campaign para sa 2022 elections. Bukas sina Janine at Jake sa pagsuporta kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
Read: Cherry Pie Picache, Janine Gutierrez, Agot Isidro, other stars pledge their support for Leni Robredo
RECOGNITION FOR JANINE'S MOVIE ROLE
Isa sa binigyang parangal sa Film Ambassadors' Night 2022 si Janine para sa pelikulang Dito At Doon kung saan katambal niya si JC Santos. Ito rin ang nagpanalo kay Janine ng Rising Star Award trophy mula sa New York Film Festival.
Proud at masayang-masaya ang Kapamilya actress sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.
Aniya, "Super happy, I'm so thankful to the FDCP for making me a part of this and for supporting Filipino films especially to the ones competing abroad.
"Pangarap ko talaga ito na maging parte ng pelikula na nakakaikot sa ibang bansa."
Pagkatapos ng tagumpay ng Marry Me, Marry You, may mga trabaho nang nakalinyang gawin sa ngayon si Janine.
"Actually, yes, we just wrapped filming yung Sleep With Me with Lovi Poe.
"iWant series siya, katatapos lang namin.
"Mayroon din akong teleserye, but I don't think I can share it yet, so abangan na lang nila."
