Watch Now

Paolo Contis, Yen Santos spotted holding hands at Makati mall

by Rachelle Siazon
Mar 28, 2022
Paolo Contis Yen Santos
Paolo Contis and rumored girlfriend Yen Santos are seen holding hands while walking inside Rockwell mall in Makati City. On Sunday, March 27, 2022, Paolo quips about bringing Yen to his mom's province in Bicol.
PHOTO/S: SuperDad / Paolo Contis (inset text) Facebook

Tila tuloy pa rin ang pagkakamabutihan nina Paolo Contis at Yen Santos.

Base ito sa kumalat na video kunsaan namataang holding hands while walking ang dalawa sa isang posh mall sa Makati City.

May kasamang di kilalang babae ang rumored couple.

Ibinahagi iyon ng Facebook user na si SuperDad noong March 10, 2022 at ini-repost ng ilang netizens kamakailan.

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng PEP Troika noong March 16, 2022, tinanong si Paolo tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ni Yen.

Hindi ito sinagot ni Paolo, na hindi pa rin opisyal na umaamin kung ano ang relasyon nila ni Yen.

Sabi lang ni Paolo, "Hay! Lahat na lang pinag-uusapan magka-content lang! Kaloka!" sabi ni Paolo.

Read: Paolo Contis, nag-react sa hirit na bisitahin niya sana si Summer sa New York

PAOLO SAYS OK TO BRINGING YEN TO HIS PROVINCE

Nito namang Linggo, March 27, 2022, lantarang inihayag ni Paolo sa susunod ay dadalhin niya na si Yen Santos sa Bicol. Ang hometown ng ina ni Paolo sa Virac, Catanduanes ay bahagi ng Bicol Region.

Dumalo kasi si Paolo sa isang campaign rally sa Legazpi City sa Albay para sa sinusuportahan niyang Ako Bicol party-list, at ibinahagi niya ang ilang litrato niya mula sa event.

Read: Paolo Contis, sinagot ang netizen na nagsabing isama ng aktor si Yen Santos sa Bicol "as a friend"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang Facebook, hiniritan siya ng netizens tungkol sa ugnayan nila ni Yen.

"Dapat sinamahan ka ni yen S. as a friend gaya nong nag baguio kayo," panunukso ng isang commenter.

Game na sagot ni Paolo, "sige next time."

Paolo Contis, Yen Santos

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong naman ng isa, "Taga Bicol ba si Yen S.?"

Sagot ni Paolo, siya ang taga-Bicol at hindi si Yen.

Paolo Contis, Yen Santos

"Kuya Paolo Balita ko namamansin kadaw Sabi ni ate yen Santos?" pangungulit pa ng isang commenter.

Sumang-ayon ulit si Paolo.

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na ang ang nais tumbukin ng netizens ay ang balitang may pagsinta sa isa't isa sina Paolo at Yen.

Bagamat hindi pa kinukumpirma ni Paolo na nobya niya si Yen, pasimpleng nilantad ng dalawa ang romantic dinner date nila nang magdiwang ng kaarawan ang aktres noong November 2021.

Read: Paolo Contis confirms birthday date with Yen Santos; are they now more than friends?

Kinumpirma rin ni Paolo sa PEP Troika na magkasama nga sila ni Yen noon.

Read: Paolo Contis, nairita sa tsismis na si Yen Santos ang nagbayad ng dinner date nila

PAOLO ON BEING TAGGED AS "MANLOLOKO, BABAERO"

Sa comments section ng Facebook ni Paolo, nito pa ring March 27, hindi niya inurungan ang mga batikos na siya ay "manloloko" at "babaero."

Nagpatutsada ang isang netizen na "kala ko babaero partylist" ang nirerepresenta ni Paolo.

Sagot ni Paolo, "wala eh."

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag din si Paolo na "number 1 na manloloko" ng isang netizen.

Sabay may pa-disclaimer ang netizen na "wla lang personalan."

Tila di apektadong sabi lang ni Paolo, "parang yung comment mo ang personalan eh.. ingat ka."

Paolo Contis, Yen Santos

Kahit ang iba pang patama sa kanya ng netizens ay game na sinagot ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paolo Contis, Yen Santos

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na hindi pa rin nakalimutan ng ibang commenters ang pahayag ni Paolo na "as a friend" lang ang pagyaya niya kay Yen na pumuntang Baguio noong huling bahagi ng 2021.

August 19, 2021 naisapubliko ang hiwalayan ni Paolo at live-in partner for six years na si LJ Reyes.

September 1, 2021 lumabas ang kumpirmasyon ni LJ na break na sila ni Paolo, at ipinahiwatig niyang money issue at third party ang ilan sa mga naging mitsa ng breakup.

Pero may iba rin namang netizens na suportado pa rin si Paolo sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nito.

Pinasalamatan ni Paolo ang mga ito.

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paolo Contis

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis and rumored girlfriend Yen Santos are seen holding hands while walking inside Rockwell mall in Makati City. On Sunday, March 27, 2022, Paolo quips about bringing Yen to his mom's province in Bicol.
PHOTO/S: SuperDad / Paolo Contis (inset text) Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results