PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Joy Belmonte on Mon Confiado's acting in Nanahimik ang Gabi

"Mahirap na may mauna sa kanya dahil napakahusay ng kanyang akting."
by Jerry Olea
Published Dec 26, 2022
lino shugo mayor joy mon nanahimik ang gabi
Quezon City Mayor Joy Belmonte (second from right) attended the campus advance screening of MMFF 2022 entry Nanahimik Ang Gabi on December 23, 2022 at the UP Town Center. Also present were producer Lino Cayetano (extreme left), director Shugo Praico (second from left), and actor Mon Confiado (extreme right).
PHOTO/S: Jerry Olea

Dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa campus advance screening ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na Nanahimik Ang Gabi noong Disyembre 23, 2022, Biyernes ng hapon, sa UP Town Center.

Bida sa pelikula sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado. Idinirek iyon ni Shugo Praico para sa Rein Entertainment, kung saan isa sa producers si Direk Lino Cayetano na former mayor ng Taguig City.

Ang Quezon City ang host city ng 48th MMFF.

“Una, natutuwa naman ako, ito ang unang napanood ko at hindi ako nagkamali na ito ang plinano kong panoorin,” sambit ni Mayor Joy.

“At napakagaling ng mga artista! Gusto kong sabihin, itong si Mon Confiado, talagang kakaiba yung kanyang acting.

“Pero kanina, sinabi ni Direk Lino na the film should mean different things to different people.

“So, ako naman, bilang isang kampeon ng kababaihan, ang nagustuhan ko dito… yung akala natin, walang kamalay-malay, inosenteng lead actress na si Heaven Peralejo, siya pala ang naging bida sa ending nung ni-redeem ang pang-aabuso sa kanyang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipinakita natin na kaya ng mga kababaihan na maging mga kampeon at bida sa hulihan. Tuwang-tuwa ako diyan!”

Anu-ano ang susunod niyang panonooring entries ng MMFF 2022?

Napangiti si Mayor Joy, “Well, balak kong panoorin ang Labyu With An Accent dahil gusto ko si Jodi [Sta. Maria] at si Coco [Martin], at saka yung movie ni Nadine [Lustre].

“At saka yung Family Matters. Pero meron naman akong passes para sa lahat. So, kung kakayanin kong panoorin lahat, papanoorin ko lahat.”

May idea ba si Mayor Joy kung ano ang mangyayari sa MMFF Awards Night sa Disyembre 27, Martes, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City?

Tugon ni Mayor Joy, “Well, tingin ko, sa akting pa lang… itong akting ni Mon, mahirap na may mauna sa kanya dahil napakahusay ng kanyang akting.

“And he has shown his talent as a real character actor. I’ve always admired his acting and I was not let down. I was not disappointed by what I saw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MON CONFIADO REACTS TO MAYOR BELMONTE'S PRAISE

Sa Nanahimik Ang Gabi, hinahanap ng karakter ni Mon Confiado ang dalawa niyang anak na ang pangalan ay Joy at Love.

Ano ang masasabi ni Mon sa pagiging vocal ni Mayor Joy na na-impress ito sa akting niya?

“Ay naku, maraming salamat! ‘Joy!’ ‘Mayor Joy!’ Nahihiya ako kanina, parang lingon nang lingon si Mayor Joy habang sumisigaw ako ng ‘Joy’ e!” bulalas ni Mon.

“Baka si Mayor Joy ang nawawala kong anak! Ha! Ha! Ha! Pero thank you, thank you, Mayor.

“Ahh, sobrang appreciated na ang Nanahimik Ang Gabi ang unang pinanood ng butihing mayor ng Quezon City. Ahh, nakakatuwa din na na-appreciate niya yung pelikula.

“At sana, sana… na-appreciate ng marami yung pelikula.”

Totoo na pinanot ni Mon ang sarili sa isang eksena sa Nanahimik Ang Gabi.

“Hindi ako nandadaya ng look, ng physicality. And para makuha ko yung emotions na kailangan ng karakter, ahhh… importante kasi doon sa pelikula yung line na ‘Apatnapung araw at apatnapung gabi na naglakad patungong Norte.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“In short, namundok ako sa Baguio. Four days lang naman sa Baguio, pero ten days sa Pangasinan. Of course, campsite yung pinuntahan ko para safe.

“Hindi naman puwedeng mamundok ka lang. Baka mamaya, may wild animals dun, may ahas dun. “

Ano pa rin, andun ako, in-isolate ko ang sarili ko. Talagang walang cellphone. Dun ako nag-memorize ng lines. Dun ako nag-internalize. So, nakatulong.”

Read: Mon Confiado, namundok ng apat na araw para sa role niya sa Nanahimik Ang Gabi

Gaano katagal bago bumalik yung napanot niyang buhok?

Napakunot-noo si Mon, “Naku! Actually, yun ang pinakamahirap din sa isang artista or doon sa method acting kung paano kang mag-de-role o kumalas doon sa karakter.

“Halos isang buwan ko din siyang dinadala. May mga gabi talaga na naaalala ko yung… para nga akong may dalawang anak talaga na si Joy at si Love, e.

“So, para ko silang hinahanap ng mga isang buwan sa isip ko at iyung tanong doon, talagang nag-suffer. Akala, nag-aadik ako dahil yung itsura ko, di ba?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nagpapayat ako, pinanot ko ang sarili ko. Bago ko siya naibalik sa dati, medyo halos inabot nang isang buwan.”

POWERFUL MOVIE

College students mula sa iba’t ibang pamantasan ang karamihan sa naimbitahang manood ng Nanahimik Ang Gabi sa campus advance screening sa UP Town Center.

Sabi ni Direk Lino, “Ito yung tipong pelikula na puwede nating pag-usapan ng tatlong araw, di ba?

“Pero puwede rin tayong umuwi at kunyari, wala tayong nakita, wala tayong narinig. Sabi nga ni Ian Veneracion, ipipikit na lang natin yung mata natin at magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan.

“This movie can mean a lot of things to a lot of us. It can be about society, it can be about government, it can be about us, relationships, love.

“If you liked the movie, please tell your friends, please tell your family. Cinema is at its best when it entertains and also engages us.

“So, narinig ko yung mga hiyaw niyo, mukhang na-entertain tayo. Kung mamaya, naglalakad kayo palabas, mapaisip din kayo, ibig sabihin nun, naging successful yung obra ni Direk Shugo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So in behalf of the audience, kasama ako, it’s as powerful as it was the first time I saw it.”

R-13 ang MTRCB rating ng Nanahimik Ang Gabi.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Mayor Joy Belmonte (second from right) attended the campus advance screening of MMFF 2022 entry Nanahimik Ang Gabi on December 23, 2022 at the UP Town Center. Also present were producer Lino Cayetano (extreme left), director Shugo Praico (second from left), and actor Mon Confiado (extreme right).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results