Ikinagulat ng lahat ng Pinoy pageant fans ang hindi pagkasali kay Celeste Cortesi sa Top 16 ng Miss Universe 2022 pageant.
Ito ang kauna-unahang beses sa loob ng labindalawang taon na hindi nakapasok sa semi-finals ng Miss Universe ang Pilipinas.
Malaking palaisipan sa Pinoy pageant fans ito lalo't isa si Celeste sa mga kandidatang maituturing na malakas ang laban.
Maging ang ilang celebrities ay ikinagulat ito at ibinahagi ang kanilang mga reaksyon sa kanilang social media accounts.
Tweet ng It's Showtime host na si Vice Ganda, "Ha?!"
Biro na lang nito, "Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!"
Ikinalungkot naman ni Miss Universe 2012 1st runner-up na si Janine Tugonon ang nangyari.
Ang nasabi lang nito, "Oh no!! [broken heart emoji]"
Face with peeking eye at broken heart emoji naman ang nai-tweet ni Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida.
Napa-"Hala" with sad face emoji naman ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.
Ito rin ang reaksyon ng Eat Bulaga! host na si Maja Salvador.
Hindi rin makapaniwala ang ng co-host ni Maja na si Allan K.
Sabi pa nito, "Mapapatanong ka na lang talaga- bakeeeet???"
Tila napasigaw naman si Kim Chiu nang i-announce ang huling kandidata sa top 16 ng Miss Universe 2022.
Tweet nito, "UNIVERSE BAKIT?!!!!!!!!! Wala kakain!!!! Wala!!!!!!!!????????????????????"
Mensahe naman ni Kim kay Celeste, "Congrats celeste!!!!! Ang ganda ng nilaban mo for Philippines!???????? Laos neighbor ilaban mo nalang kami and ACHI Canada ilaban mo kami bilang malapit na ang Chinese new year."
Kabilang sa finals section committee ang Filipino businesswoman na si Olivia Quido-Co, ang tinaguriang "Bounce Queen of New Orleans" na si Big Freedia, ang sports journalist na si Emily Austin, Vice President of Growth Marketing and Merchandising ng Roku na si Swena Patel, American television and radio host Myrka Dellanos, ang model/public relations executive na si Mara Martin, Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, at Miss Universe 1999 Wendy Fitzwilliam.
Backstage host naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang American TV personality na si Zuri Hall.
Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation ng 71st edition ng Miss Universe sa New Orleans Morial Convention Center sa Louisiana, United States.
READ MORE:
- Stunning national costumes of Miss Universe 2021 candidates
- Miss Universe 2022 judge Olivia Quido-Co to "look beyond the sash" in choosing the next titleholder
- Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew
- Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022
