PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Samantha Lo admits same-sex relationship with Jannica Rubin

Jannica Rubin to Samantha Lo: "thank you baby pea!”
by Arniel C. Serato
Published Jan 18, 2023
Samantha Lo, Jannica Rubin Instagram official
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo is now Instagram official with partner Jannica Rubin.
PHOTO/S: Courtesy: @samantha_ashley_lo on Instagram

"Love wins" ang sigaw ng netizens na nakakita ng post ni Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo sa kanyang Instagram ngayong Miyerkules, January 18, 2023.

Tila ipinagsigawan ng beauty queen ang pagmamahalan nila ng kanyang partner na si Jannica Rubin.

Makikita sa short Instagram Reel na magkayakap silang nagsasayaw habang kumakanta ang isang singer sa background.

Kita ring paminsan-minsan silang naghahalikan sa labi kung saan yumuyuko pa nang bahagya si Samantha dahil mas matangkad siya kaysa kay Jannica.

Mensahe ni Jannica sa caption: “I know that many of you will have questions after seeing this post so I will answer the question we all want to know: Yes, I am the little spoon [spoon emoji]

“Happy birthday little pea @jaaaanniiii [heart, cake, gift emojis]”

Sumagot naman dito si Jannica: “hahaha thank you baby pea!”

Samantha Lo partner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming netizens ang natuwa at nagpahayag ng suporta sa relasyon nila:

Samantha Lo partner

Kabilang din sa nagpaabot ng mensahe si Bb. Pilipinas Grand International 2021 Samantha Panlilio.

Samantha Lo partner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantha Lo partner

May isa pa silang kaibigan na nagsabi na, finally, Instagram official na ang relasyon nina Samantha at Jannica.

Tugon ni Samantha, "Twitter official" naman next year.

Samantha Lo partner

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi malinaw kung kailan nagsimula ang relasyon nina Samantha at Jannica, pero marami na silang pictures na magkasama sa Instagram mula pa noong November 2020.

View this post on Instagram

A post shared by Jannica Rubin (@janrubin_)

View this post on Instagram

A post shared by Jannica Rubin (@janrubin_)

Naging maingay ang pangalan ni Samantha dahil sa kinasangkutang kontrobersiya sa pagsali niya sa Miss Grand International 2019 sa Venezuela.

Na-deport pabalik ng Pilipinas si Samantha nang madiskubre ng mga awtoridad sa Charles de Gaulle Airport sa Paris, France—para sana sa kanyang connecting flight patungong Caracas, Venezuela—na peke ang Philippine passport na hawak niya.

Natuloy si Samantha sa pagsali niya sa Miss Grand International 2019 sa Venezuela ngunit hindi siya nakapasok sa semifinals.

Noong November 2019, isinuko ni Samantha ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas Grand International 2019.

Read: Samantha Lo "officially signing off" as Bb. Pilipinas Grand International 2019

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo is now Instagram official with partner Jannica Rubin.
PHOTO/S: Courtesy: @samantha_ashley_lo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results