#EatBulagaWar
Hindi naiwasang magbalik-tanaw ang tatlong main hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kung paano nila sinimulan ang longest-running noontime show sa Pilipinas.
Sa pilot episode ng public-service program ni Tito sa Net25 na Reality Check noong Sabado, March 4, 2023, unang panauhin ng dating senador ang kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga.
Sabi ni Tito, “Kung ang Eat Bulaga! ay 43 years, at magpo-fourty-four na, vice president ako ng production ng Vicor [Music], at si Pareng Joey ay madalas nakaistambay sa akin dun. At tayong tatlo ay magkakasama po kami sa Student Canteen at nagkaron po kami ng pagkakataon na isama ni Pareng Joey at ni Bobby Ledesma dun sa Discorama.”
Ang Student Canteen ang tinaguriang pinakaunang noontime show ng Philippine television noon. Ang Discorama ay isa ring TV show na kinatampukan din ng TVJ.
Dagdag pa ni Tito, “So, pagdating ng Discorama, medyo isang taon din mahigit din tayo.
“Dumating ngayon si Mr. [Tony] Tuviera na nakasama namin sa Channel 13 sa Okay Lang, siya ang head ng production nun, e.
“At doon iniisip niya na i-offer sa amin ang isang noontime program katapat ng Student Canteen.
“So ngayon, nag-usap kami ni Pareng Tony, may dala-dala nang kontrata, pinag-usapan na ang ang talent fee. Kaming dalawa lang ni Joey ang nasa opisina nun, wala ka [Vic].”
Sabat ni Joey, “Totoo yung offer pero wala tayong tinatanggap dahil loyal tayo sa Student Canteen.”
Sabi pa ni Tito, “So, pinuntahan kami ni Tony, dala yung kontrata. Saka dun na natin pinapirma si Vic.”
Biro ni Vic, “Dumating ako, e, nakapirma na kayo, e, so anong magagawa ko?”
Sabi naman ni Tito, “Sa parking lot ng Intercon, dun pumirma si Vic, sa ibabaw ng kotse.”
Kuwento naman ni Joey, “In short, natanggap namin si Tuviera, nagkaroon na ng show, may Eat Bulaga! na.
"Isang taon ata mahigit, ang rating ng Student Canteen, 25, kunyari, tayo .5. Hindi namin matalo. Hindi kami sumusuweldo, alam ni Mr. Tuviera yan.”
Saad ulit ni Tito, “Ang kasabihan, malayo na rin ang narating nating tatlo.”
Read: TOTOO BA: Tito, Vic, and Joey initially turned down offer to host Eat Bulaga!?
Nakatutok ngayon ang publiko sa kung ano na ang magiging anunsiyo ng TAPE Inc., ng Eat Bulaga!, at maging ng GMA dahil sa internal problem umano sa namamahala ng noontime show.
Unang lumabas bilang blind item sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkakaroon ng rebranding ng isang longr-unning show dahil sa pag-alis ng isang well-loved personality.
Read: Long-running show, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-alis ng isang well-loved personality
Pagkatapos nito ay lumabas sa mga balita na ite-takeover na ng mga anak ni dating Congressman Romeo Jalosjos ang pamamahala sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga.
Mas malaki ang share ni Jalosjos sa kumpanya kaysa kay Tuviera.
May mga nagsabi namang kapag tuluyang mapaalis si Tuviera sa TAPE ay sasama sa kanya ang mga kaibigang sina Tito, Vic, at Joey, at ilan pang hosts ng Eat Bulaga!
- Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
- Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
- Tito Sotto and Joey de Leon declare brains behind Eat Bulaga! amid internal war
- Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
