PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto, Gretchen not speaking again?

A netizen noticed that Claudine did not post a greeting on Gretchen's birthday.
by Arniel C. Serato
Published Mar 8, 2023
Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?
Netizens ask Claudine Barretto why she did not post a birthday greeting for sister Gretchen Barretto on the latter's birthday last March 6, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

May alitan ba ulit ang magkapatid na Claudine Barretto at Gretchen Barretto?

Ito ang tinatanong ng mapang-usisang netizens matapos hindi nila masilayan si Claudine sa kasal ng unica hija nina Gretchen at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa asawa nitong si Michael Hearn.

Read: Dominique Cojuangco now married to Michael Hearn

Walang post at hindi nakikita sa mga naglabasang larawan at videos si Claudine sa kasalan nina Dominique at Michael noong March 4, 2023. Maging ang maternal grandmother ng bride na si Inday Barretto ay wala sa mahalagang okasyon.

Hinala tuloy ng ilang netizens, hindi imbitado si Claudine at may alitan sila ni Gretchen.

Read: Netizens ask Claudine Barretto why she was absent at niece Dominique Cojuangco’s wedding

Nitong Martes, March 7, may post sa Instagram si Claudine tungkol sa bago niyang proyekto.

Caption ng aktres sa post: “meeting for a great Movie”

Maraming fans ang natuwa na tila muling gagawa ng pelikula ang kanilang idolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?

Pero may ilang netizens ding curious kung bakit wala si Claudine sa kasal ni Dominique:

Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang iba naman ay napansing walang birthday greeting si Claudine sa ika-53 kaarawan ni Gretchen nitong March 6.

Komento ng isang netizen, “Bakit dimo binati si Grets”

Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?

Sabi naman ng isa pa, “hinde na naman ba sila okay ng ate nya na si gretch barreto”

Na tila sinang-ayunan naman ng isa pang netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anito, “Nakaka curious nga po bakit wala siya sa wedding ni Dominique.”

Dagdag pa niya, “Pati bday ni ate nya kahapon wala sya bday greet”

Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?

2021 and 2022 BIRTHDAY GREETINGS

Noong 2021, magiliw na binati ni Claudine si Gretchen sa mismong araw ng kaarawan ng nakatatandang kapatid sa pamamagitan ng Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Claudine (published as is): “Happiest birthday to my Beautiful,Kind,loving Ate @gretchenbarretto will celebrate without u tonight. But l see u soon i luv u su mats"

Gamit ang kaparehong larawan, binati rin ni Claudine si Gretchen sa ika-52 kaarawan nito noong sumunod na taon, 2022.

Sabi niya sa kanyang Instagram post (published as is): “To my Ate my advisor,friend & Idol, Happy happy birthday, i thank God first of all for you.as a Wife,Mother,Daughter & Friend.may u continue to allow God to use u as an instrument for the many who need & have None.again its a Privilege to b your sister.i luv u so much my Ate. @gretchen_barretto

GRETCHEN’S 53RD BIRTHDAY CELEBRATION

Nitong nakaraang March 6, ipinagdiwang ni Gretchen ang kanyang kaarawan sa Solaire Resort.

Isa sa mga dumalo ay ang isa pang kapatid nina Claudine at Gretchen na si Jay-Jay Barretto.

Mensahe ni Jay-jay para kay Gretchen sa Instagram, “Birthday celebration of my loving sister gretchen-love you sis”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, nagtanong ang ilang netizens kay Jay-Jay kung bakit wala si Claudine sa kasal ng pamangkin at sa birthday ni Gretchen.

Claudine Barretto-Gretchen Barretto rift anew?

Sabi naman ni JJ sa isa pa niyang post kasama si Gretchen: “Hbd sis - love you so much”

Samantala, ngayong araw, March 8, bumiyahe papuntang Japan si Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa post ni JJ, “Sis - is japan bound- JAL LOUNGE”

Noong 2022, maayos pa ang pakikitungo sa isa’t isa ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen, sa kabila ng civil relationship ni Claudine sa isa pa niyang ate na si Marjorie Barretto.

Maraming followers ang Barretto sisters na natuwa nang makita nilang magkasama sina Claudine, Marjorie, at iba pang mga kamag-anak na nagdiwang ng Bagong Taon noong 2022 sa Olongapo.

Sa kabilang banda, hindi pa rin maayos ang ugnayan nina Gretchen at Marjorie.

FAMILY FEUD IN 2019

Muling sumiklab ang alitan ng Barretto sisters nang pumanaw ang ama nilang si Miguel Barretto noong October 2019.

Sa burol noong gabi ng October 16, 2019, naganap ang pagkakaayos ng mag-inang Inday at Gretchen na ilang taon ding may malalim na hidwaan.

Pero noong gabi ring iyon, nangyari ang mainit na kumprontasyon sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie na may hiwalay na hidwaan mula pa noong huling bahagi ng 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?

Nang sumunod na gabi, October 17, 2019, sina Marjorie at Claudine naman ang nagkainitan at nagkasakitan dahil sa away pa rin nina Marjorie at Gretchen.

Read: Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama

Mula noon ay hindi na nakitang magkasama sina Gretchen at Marjorie.

Bukod kina Gretchen, Claudine, Marjorie, at Jay-jay, ang iba pa nilang mga kapatid ay sina Mito, Michelle, at Gia.

Read: A Timeline: The Barretto Family Feud

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens ask Claudine Barretto why she did not post a birthday greeting for sister Gretchen Barretto on the latter's birthday last March 6, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results