Halos hindi makapaniwala ang singer-songwriter na si Zack Tabudlo na mapapansin at magugustuhan ng BTS member na si Jungkook ang isa sa kanyang mga kanta.
Simula pa kagabi, March 14, 2023, nasa trending topic list na sa Philippine Twitter ang pangalan ni Zack matapos patugtugin ni Jungkook ang kanta niyang "Give Me Your Forever" nang mag-live ang K-pop superstar sa Weverse app.
Nakarating ito kay Zack ngayong umaga ng Huwebes, March 15, 2023, at agad niyang inihayag ang pasasalamat at tuwa.
Post ni Zack sa kanyang Twitter account (published as is): "So i jwu [just woke up] and apparently i was blowing up on social media because…. THE JUNGKOOK. THE GOLDEN MAKNAE. JUST LISTENED TO GIVE ME YOUR FOREVER."
Kalakip ng kanyang post ang recorded video ni Jungkook habang pinapakinggan ang kanta niya matapos itong i-request ng isang Pinoy fan.
Dagdag pa rito, sinabi rin ng South Korean singer na nagustuhan niya ang kanta ni Zack at idadagdag niya ito sa kaniyang Spotify playlist.
Hindi makapaniwalang reaksyon ni Zack: "I can now die in peace holy sht [cry and heart emoji]. He even said he added my song to his playlist,”
Nagpasalamat din si Zack sa Pinoy fan ng BTS na nag-suggest ng kanta niya kay Jungkook.
Saad niya, “Big [shoutout] to @koobviously for requesting gmyf [Give Me Your Forever] [YOU’RE] A LEGEND. thank u thank u thank u."
Si Zack ang singer sa likod ng OPM hit songs na "Binibini," “Nangangamba,” “Habang Buhay,” at “Pano.”
Nagsimula ang kanyang karera sa pag-awit nang maging contestant siya sa unang season ng ABS-CBN singing competition na The Voice Kids noong 2014 kung saan naging bahagi siya ng team ni Bamboo Mañalac.
Samantala, maliban sa pagpapatugtog ng kanta ni Zack, nagawa ring pakiligin ni Jungkook ang kanilang Pinoy fans o ARMYs nang batiin niya ang mga ito ng Filipino phrase na "Mahal ko kayo!"
READ MORE:
- Ogie Diaz reacts to Liza Soberano’s interview with Boy Abunda: “Sorry anak if in anyway na-offend kita...”
- Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”
- Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
- Jane de Leon opens up about secret relationships with three actors
- Kim Atienza asked about liking netizens' criticisms about Vice Ganda
- Wilbert Tolentino: Hindi si Herlene Budol ang naputukan ng breast implants kaya nahinto ang Magandang Dilag
- Vhong Navarro on Supreme Court dismissing his rape case: "Naniniwala ulit ako na may justice system sa Pilipinas."
