PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz reacts to Liza Soberano’s revelation

Ogie issues a clarification about his commissions from Liza.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 14, 2023
Ogie Diaz reacts to Liza Soberano’s interview with Boy Abunda
Ogie Diaz (left) apologizes to former talent, actress Liza Soberano (right): “Kung na-offend ka, anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya kundi gusto ko lamang sabihin kung ano naman yung panig ko lalo na nandoon tayo sa point na pareho tayong dyina-judge ng mga tao.”
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz Showbiz Update YouTube/GMA Network YouTube

Nagbigay ng reaksiyon ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz sa interview ng dati niyang talent na si Liza Soberano sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 nitong March 10, 2023.

Sa unang bahagi ng interview sa kanya ng host na si Boy Abunda, binigyang linaw ni Liza ang pinanggagalingan ng vlog niya sa YouTube na lumikha ng matinding kontrobersiya.

Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management

Dito ay inamin ng akres na kulang sa konteksto ang mga binitiwan niyang salita kung kaya’t na-misinterpret ito ng iba, hanggang sa akusahan siyang "ingrata" at "walang utang na loob" sa ABS-CBN, sa dati niyang manager na si Ogie, at mga katrabaho na naging daan para sumikat siya nang husto.

Ipinaliwanag din ni Liza na hindi niya intensiyong balewalain ang mga taong tumulong sa kanya para magkaroon ng magandang buhay.

Pero hindi raw babawiin ng aktres ang mga tinuran niya sa vlog dahil siya ay "nag-enumerate" lamang ng "facts" sa pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me, I was just stating facts. Everything that I broke down, I was breaking down the journey and so people understand what point I am at in my life right now.

"I was literally just saying that I started as a child, so hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-grow into myself as an adult.

"I didn't get to experience things that normal kids get to experience because I started at an early age."

Diin ni Liza: "Hindi po normal iyon."

Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."

OGIE DIAZ REACTS

Sa pamamagitan ng vlog sa YouTube nitong Lunes, March 13, 2023, nagbigay ng reaksiyon si Ogie sa mga sinabi ni Liza.

Kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ate Mrena, muling pinag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng dating alaga ni Ogie.

Bungad sa kanya ni Mama Loi, “Ang daming naghihintay ng sagot mo doon sa interview ni Liza Soberano kay Tito Boy Abunda. Dahil nga hindi nila narinig noong nakaraang episode kaya abang na abang sila kung ano daw yung magiging reaksiyon mo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Ogie, “Alam mo, Loi, hindi na para sabihin ko pa kung ano yung mga gusto kong sabihin dun sa mga sinabi ni Liza.

“Hangga’t maaari, hangga’t kaya kong unawain ang dati kong alaga na hanggang ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano yung kanyang paniniwala, kasi paniniwala yon ni Liza.

“Doon na lang tayo sa cliffhanger, kasi ito ginagawa po ito [vlog], hindi pa lumalabas yung part two ni Kuya Boy. Kasi may cliffhanger dun, e.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang ikalawang bahagi ng interview ni Liza na umere noon ding Lunes, March 13, makalipas lamang ang ilang oras matapos i-post ni Ogie ang kanyang vlog.

Sundot na tanong ni Mama Loi, “Oo, ito yung kung galit nga daw si Liza Soberano kay Ogie Diaz?”

Saad ni Ogie, “Feeling ko, sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin. Pero ako, wala. Galit, tampo? Wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi yung prayers ko na sana ay nasa maayos na lagay si Liza.

“Nasa maayos ang kanyang mindset, state of mind niya. Yun lang, hindi para kontrahin si Liza. Kuwento niya yon, e.”

Hirit pa sa kanya ni Mama Loi, “Ikaw, Nay, ano naman yung kuwento mo?”

Ayon kay Ogie, maging siya ay napapagod na ring magsalita at depensahan ang sarili.

Sagot niya sa tanong ni Mama Loi, “Hindi ako… ewan ko ba, parang nakakapagod na rin naman itong sagut-sagutan, ganyan.

“Kasi nakakalungkot, Loi, sa panahon na mina-manage natin si Liza kasama ang Star Magic at ABS-CBN, hindi naman involved sa internal deals management yung mga tao.

“Hindi rin para i-discuss sa public kung paano namin siya minanage. At the end of the day, naging Liza Soberano siya, yun ang importante.”

Read: Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”

Ayon kay Mama Loi, hiling ni Ogie na huwag nang magsalita si Liza para mahinto na rin ang pamba-bash sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong sinang-ayunan ni Ogie.

Aniya, “Oo, yun lang talaga. Ako yung tatay, e. Nahe-hurt din ako na parang, 'Bakit ginaganito yung bata at nagaganito yung bata? Nadya-judge agad siya.'

“Kahit naman ako nadya-judge din ng mga tao, pero wala akong pakialam kasi ako yung matagal na dito. Mas alam ko yung laro dito sa industriya lalo na sa social media.

“Karamihan diyan, hindi naman kapitbahay lang ang mga marites, lahat ng mga may social media, marites.

“So, as long as mayroong nakalagay na comments section na puwede kang mag-comment, nagko-comment ang mga tao, kahit hindi nila alam ang puno’t dulo ng lahat.”

Ayon pa kay Ogie, maging siya ay nanlulumo sa mga nangyayari. Maniwala man daw ang iba o hindi ay wala siyang ibang hinangad kundi mapabuti ang aktres.

“Sumasagot lang naman ako o sinasagot ko lang kung ano yung para sa akin [ay nangyari], ito naman yung totoo para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya kung may tampo man si Liza sa akin, dahil kilala ko yung bata, mayroon siyang anggulo na parang malungkot [siya], sorry, anak, kung any way na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita.

“[Pero] wala akong matandaan na kinontra kita, kundi sinasabi ko lang kung ano yung sa alam ko yung totoo.”

Salungat ito sa naging pahayag ni Liza sa ikalawang bahagi ng interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Dito ay diretsahang inamin ng aktres na nagtatampo siya kay Ogie dahil pakiramdam niya ay kinakalaban siya nito at unti-unting sinisira ang kanyang pangalan.

Sabi ni Liza sa panayam: “Nagtatampo po ako sa kanya kasi, even a few weeks before ko ni-release po yung vlog ko...

"Actually, nung blinackout ko yung social media ko, nag-message pa po siya… kasi akala niya na-hack ako.

"Sabi niya, 'Nak, may tumutulong na ba sa o to get your social media back?' Kasi akala niya na-hack ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, we were okay. So, I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing about him."

Read: Liza Soberano back on Instagram after alleged hacking

Hirit na tanong ni Boy: "Why do you say he is fighting you or try ruin you?"

Mabilis na sagot ni Liza, "Because he's saying so many things that are untrue.

"Like, for the past two years hindi siya kumukuha ng commission. That just makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano yung nangyayari sa loob.

"He's calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS-CBN, na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them. I was supporting them."

Read: Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay isa raw siya sa mga artistang nagpahayag ng saloobin dahil ayaw niyang matanggalan ng trabaho ang mga empleyado ng network.

Dagdag pa ni Liza, "Siya rin po ang may sabi na masunurin at mabait akong bata, so why is he trying to say things to make people turn against me?

"'Anak' pa man din yung tawag niya sa akin. Gagawin niya ba yun sa mga anak niya? Would he have done that to his daughters? He has five daughters."

Read: Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”

OGIE DIAZ CLARIFIES COMMISSION FROM LIZA

Natanong din ni Mama Loi kay Ogie ang tungkol sa komisyong natatanggap niya galing kay Liza.

Ani Mama Loi, “Pero ano sa tingin mo, Nay, doon sa cliffhanger dun e, na sabi, 'Totoo ba na two years ka nang hindi kumukolekta ng komisyon kay Liza Soberano bago matapos yung kontrata niyo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na sagot ni Ogie, “Hindi totoo yon. Ang totoo, Loi, nakakakolekta pa rin naman tayo kahit tapos na yung kontrata.

"Kasi, kumbaga, nagka-overlap yung expiration date ng aming kontrata doon sa mga napirmahan pa namin na mga a month or two before the contract expired.

“Nandoon pa yung aking pirma. So, kumukolekta pa rin naman pero hindi na iyong maraming project na ipu-push mo kay Liza, hindi, kasi sinabi rin naman ni Liza na siya ay magpapaalam na, e.

“Yung mga inquiry pa sa akin, ibinabato ko naman doon sa bagong management niya. Mayroon kaming group chat. Kung may dumarating sa akin na isang brand for endorsement ni Liza, ibinabato na ng RM namin doon sa kanila at sila na ang magtuos.

“Pero iyong mga existing na bago mag-expire, e, nakapirma ako, ayon yung tinatrabaho namin kay Liza kahit expired na.

“Pero sa ngayon, wala na. Malinis na kami ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ogie Diaz on alleged 40 percent cut from Liza Soberano's talent fee: “How I wish!”

“MAS NALULUNGKOT AKO KESA NAO-OFFEND AKO.”

Sa lahat ng nangyari, wala raw ibang nararamdaman si Ogie kundi ang malungkot sa sinapit ng masaya at maayos nilang pagsasama noon ni Liza.

Hirit na tanong pa ni Mama Loi bago matapos ang kanilang vlog, “E, Nay, in the past few days sa mga statements niya [Liza] maraming na-offend para sa yo at para sa ABS-CBN, doon sa mga nasabi niya. Sa tingin mo kaya mag a-apologize si Liza?”

Saad ni Ogie, “Si Liza mag-a-apologize sa akin dahil na-offend niya ako? Hindi niya kailangang mag-sorry.

"Kasi nasa ano yan, e, kung ano yung nararamdaman ng puso, e, di yon ang sabihin niya.

“Kung hindi naman niya nararamdaman, hindi rin naman para obligahin siyang mag-sorry.

“Basta ako, anak [Liza], hindi ako na-offend. Mas nalulungkot ako kesa nao-offend ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nalulungkot ako sa nangyayari kung bakit kailangang mangyari ito. Kung bakit kailangang ihayag mo yung damdamin mo at kailangan ko rin namang ihayag yung damdamin ko sa isyu, kasi napaparatangan din ako.”

Video: Khryzztine Baylon (video), Rommel Llanes (edit).

Sa huli, may mensahe si Ogie kay Liza.

Aniya, “Kung na-offend ka anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya kundi gusto ko lamang sabihin kung ano naman yung panig ko lalo na nandoon tayo sa point na pareho tayong dyina-judge ng mga tao.”

Read: Ogie Diaz, may mga mungkahi sa kapwa talent managers sa gitna ng isyu nila ni Liza Soberano

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) apologizes to former talent, actress Liza Soberano (right): “Kung na-offend ka, anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya kundi gusto ko lamang sabihin kung ano naman yung panig ko lalo na nandoon tayo sa point na pareho tayong dyina-judge ng mga tao.”
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz Showbiz Update YouTube/GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results