PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Soberano Hurt by Ogie Diaz's Lies

Liza claims former manager Ogie stll gets a commission from her until now.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 13, 2023
Liza Soberano gets hurt over Ogie Diaz statements
Liza Soberano (right) on former manager Ogie Diaz (left): “It actually hurts me that he’s making up those lies about me... Why is he trying to say things to make people turn against me?"
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Hindi napigilang maluha at maging emosyunal ni Liza Soberano sa ikalawang bahagi ng panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 nitong Lunes, March 13, 2023.

Dito mas naging personal na ang mga tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda.

Kabilang na rito ang tungkol sa relasyon niya sa kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz, maging ang usaping pera, na naungkat din matapos batikusin ang aktres sa kanyang controversial vlog.

Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."

Noong March 3, 2023, naging usap-usapan ang vlog sa YouTube ni Ogie kasama sina Mama Loi, Dyosa Poekoh, at Tita Jegs. Dito ay isiniwalat ni Ogie ang komisyong nakukuha niya sa matagal na panahong pagku-co-manage sa career ng aktres.

Nag-ugat ang usaping ito matapos mag-tweet ang isang netizen noong March 1, patungkol sa diumano'y 40 percent na komisyong nakukuha ni Ogie kay Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng isang netizen (published as is): "Ang lala nung 40% commission.

"Ang laki talaga ng nawawala sa kanya. Wala pa diyan yung sa SM.

"Tas yung isang brand na umatras kasi nagpadagdag ng TF si OD kahit ok na kay Liza yung offer.

"Grabe parang ginagawa niyong Diyos ang pera. Disgusting.”

Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management

Mariin itong itinanggi ni Ogie.

Aniya, “how I wish” na ganito nga kataas ang nakukuha niya, pero hindi."

Sabi pa ng vlogger, "No... it's not true at all. I was only getting 20 percent."

Paliwanag naman ni Ogie kay Mama Loi, "At yung sinasabi mo kanina na 30, pag ikaw ang nag-aalaga, nagma-manage ka, dapat, pag-umpisa pa lang ng talent, 30 na.

“Thirty percent. Why?

"Kasi gagastusan mo siya. Para kang nagluwal ng sanggol na padededehin mo, bibihisan mo, tapos tuturuan mong lumangoy, tuturuan mong lumakad, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pang paliwanag ni Ogie, "Sa lahat ng mga pagtuturo, binabayaran mo iyon pero hindi mo naman sinisingil sa talent kasi bahagi iyon ng trabaho ng isang manager.”

Read: Ogie Diaz on alleged 40 percent cut from Liza Soberano's talent fee: “How I wish!”

Ibinunyag din ni Ogie ang naging sitwasyon noon sa kontrata ni Liza.

"Ngayon, yung totoo nung kay Liza, 30 [percent] yun. Pero ako na ang lumabag sa sarili kong kontrata.

“Kasi naaano naman ako, nakikita mo yung totoong sipag nung bata. Makikita mo talaga kay Liza na gusto niyang mag-excel, gusto talaga niyang ma-achieve yung goal niya na mag-artista.”

Dahil umano roon, binawasan ni Ogie ang kinukuhang komisyon sa aktres.

Saad niya, "Hindi ako naawa kundi, 'Ay, deserve ng batang ito. Twenty na lang.'

"Kaya 20 lang. At alam iyan ni Daddy John.”

Ang tinukoy ni Ogie na "John" ay ang ama ni Liza na si John Soberano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglilinaw pa ni Ogie, from "30 percent" ay naging "25" hanggang naging "20" na lang ang kinukuha niya kay Liza.

"So, ako na rin yung lumabag sa kontrata na ako ang gumawa.

“Para lang makapag-ipon yung bata. Yun..." sabi ni Ogie.

LIZA EXPLAINS COMMISSION BREAKDOWN OF HER TALENT FEE

Sa panayam niya kay Boy, sinang-ayunan ni Liza ang pahayag ni Ogie.

Ayon sa aktres, hindi totoong 40 percent ang nakukuhang komisyon ni Ogie sa kanya.

Read: Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”

Saad ni Liza, “Nakita ko rin po yon sa Twitter. I think people are accusing Tito Ogie of taking 40 percent from me.

"I wanna clarify na hindi din po yon totoo.

"I started with him at 12 [years old], and then up until I was... I believe 2015 or 2016, which was I was 17—30 percent po yung commission niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My Tita Jonie was taking 20 percent, and Star Magic was taking 10 percent."

Ang "Tita Jonie" na tinutukoy ni Liza ay ang tumatayo niyang road manager at personal assistant.

Dahil daw sa hiwalay na tax na binabayaran ni Liza bilang U.S. citizen, umaabot na lang sa 30 percent ang nakukuha niya.

"My Tita Jonie started feeling bad for me for that situation, so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang yung commissions nila for me.

"Because they felt, like, I deserved more since I was putting in a lot of work.

"So, eventually, naging 20 percent na lang si Tito Ogie, at si Tita Jonie naging 15 percent...

"And Star Magic was still at 10 percent."

Pero hindi raw kumukuha ng commission ang Star Magic kapag ang project ni Liza ay mula sa ABS-CBN, gaya ng teleserye o pelikula.

Sina Ogie, Jonie, at Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang humahawak noon sa showbiz career ni Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano on people who made her a star: "I wouldn't have the name that I have, if it weren't for them."

Pag-amin din ni Liza, noong una ay napagdesisyunan nila ng kanyang Tita Jonie na bawasan ang komisyong nakukuha ni Ogie dahil hindi naman raw ito sumasama sa mga shooting at endorsement shoot niya.

Kuwento niya, "Before, my original setup when I was taking home 40 percent without my single taxes and everything, I honestly felt that it was a little unfair, kaya napag-usapan yung bringing down the percentage because, yes, they are working for me, marami rin pong ginagawa.

"Si Tita Jonie, she serves as my RM/PA at that time. Siya po talaga yung nag-a-assist sa akin sa taping, sa lahat ng schedule ko, kasama ko siya.

"Noong una, ang gusto niyang mabawasan si Tito Ogie, because hindi po siya pumupunta sa taping, hindi po siya pumupunta sa endorsement shoots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He would book the job for me. He was negotiating. So she [Jonie] felt it was fair for him to lessen his commission.

"But then, they ultimately agreed na pareho na lang sila."

Sa kaso ng bago niyang management na Careless Music and Management, ang bawas daw sa talent fee ay kapareho lang ng kinukuha sa kanya ni Ogie noon. Eighty percent na ang napupunta sa kanya, at 20 percent naman sa Careless.

Read: Ogie Diaz on claim that Liza Soberano was offered to audition for Spider-Man: “You might want to release the receipt…”

LIZA ON OGIE’S CLAIM HE was not COLLECTING COMMISSIONs in THE PAST TWO YEARS

Naungkat din ni Boy ang naging pahayag ni Ogie na hindi na kumukuha ito ng komisyon kay Liza nitong nakalipas na dalawang taon.

Tanong ng Kapuso host, “Nabasa ko rin na in the last two years, correct me if I’m wrong, na hindi na kumukolekta ng komisyon si Tito Ogie mo. Is that right? Is that wrong?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umiling si Liza at mahinang sinabi, “It’s not right. That’s incorrect.”

Read: Careless CEO claims Liza Soberano offered to audition for Zendaya's role in Spider-Man

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Liza ang pagtulo ng kanyang luha.

Daing niya, “It actually hurts me that he’s making up those lies about me...

“I feel like he’s trying to make it seem like I wasn’t profitable in the past two years that we were working together when he knows the truth.

“He knows my pains. He knows the things that I felt were... the things that were mishandled and stuff like that.

“It’s kinda unfair... I feel like he’s trying to tarnish my name. And he knows.”

Hindi rin daw alam ni Liza kung saan nanggagaling ang pahayag na ito ni Ogie lalo na’t hanggang ngayon ay tumatanggap pa raw ito ng komisyon galing sa kanya.

Ani Liza, "I don't wanna bring this up, but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that still fell under the time that I was under the contract with him, even though he has no more obligations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We told him that he has no more obligations towards me in those endorsements.

"Literally last month we gave him a paycheck for the endorsement that was renewed before our contract ended.

“Kahit na wala na po siyang ginagawa for that, we gave him commission. Because that was right. I wouldn't breach my contract."

Sundot na tanong ni Boy, "So, that was the last time you paid commission to your Tito Ogie?"

Malumanay na sagot ni Liza, "He's going to get another one this week."

"PARANG HINDI NIYA AKO ANAK"

Aminado si Liza na may tampo siya ngayon kay Ogie.

Kuwento niya, maayos naman siyang nagpaalam dito na aalis na siya sa poder nito bilang talent manager limang buwan bago matapos ang kanilang kontrata.

Nagpahayag pa raw noon ng suporta si Ogie sa kanyang personal na mga desisyon, kaya ngayon ay hindi naiintindihan ni Liza kung bakit nagbibitiw ito ng masasakit na salita tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Liza, “Nagtatampo po ako sa kanya kasi, even a few weeks before ko ni-release po yung vlog ko...

"Actually, nung blinackout ko yung social media ko, nag-message pa po siya… kasi akala niya na-hack ako.

"Sabi niya, 'Nak, may tumutulong na ba sa iyo to get your social media back?' Kasi akala niya na-hack ako.

“So, we were okay. So, I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me, or trying to ruin me, when I never said a single bad thing about him."

Hirit na tanong ni Boy, "Why do you say he is fighting you or trying to ruin you?"

Mabilis na sagot ni Liza, "Because, he's saying so many things that are untrue.

"Like, for the past two years hindi siya kumukuha ng commission. That just makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano yung nangyayari sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He's calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS-CBN, na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them. I was supporting them."

Nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay isa raw siya sa mga artista na nagpahayag ng saloobin dahil ayaw niyang matanggalan ng trabaho ang mga empleyado ng network.

Dagdag pa ni Liza, "Siya rin po ang may sabi na masunurin at mabait akong bata, so why is he trying to say things to make people turn against me?"

Read: Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”

Malaki raw ang tiwala at respeto ni Liza sa dati niyang manager kaya hindi niya matanggap na ngayon ay kinakalaban siya nito.

"'Anak' pa man din yung tawag niya sa akin. Gagawin niya ba yun sa mga anak niya? Would he have done that to his daughters? He has five daughters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pinanggalingan daw ng sama ng loob ni Liza ay ang tila pagbalewala ni Ogie sa kanilang matagal na pinagsamahan.

Labis din daw siyang nasaktan dahil imbes na kausapin muna siya ni Ogie sa personal, pinili nitong magsalita agad sa publiko at itampok siya sa vlog nito.

Saad ni Liza, “Sana kinausap man lang niya ako, you know. Before naman, whenever we would have problems, we would talk it out.

"Dito, kung na-hurt siya sa mga sinabi ko, sana sinabi niya muna sa akin personally instead of treating me like everyone else in the industry that he talks about on his channels."

Himutok pa niya, "Para namang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi niya ako anak kahit anak ang tawag niya sa akin."

Read: Liza Soberano reveals Hello, Love, Goodbye was first offered to LizQuen; Kathryn Bernardo fans react

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano (right) on former manager Ogie Diaz (left): “It actually hurts me that he’s making up those lies about me... Why is he trying to say things to make people turn against me?"
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results