Sa isang pambihirang pagkakataon ay magsasama ang box-office star na si Kathryn Bernardo at ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon sa isang pelikula.
Ito ang inanunsyo ni Kathryn sa ABS-CBN Star Cinema YouTube ngayong Lunes, March 27, 2023.
Read: Dolly de Leon "so proud to be the first Filipina" nominated for Best Supporting Actress at BAFTA
Sa direksiyon ni Petersen Vargas, pagbibidahan nina Kathryn at Dolly ang dark-comedy film na A Very Good Girl sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema.
"My first project with Star Cinema this will be happening this year.
"We will be start filming this 2023 very, very soon... the final title for my movie this 2023 is A Very Good Girl under Star Cinema.
"It's such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon," masayang pahayag ni Kathryn.
Ayon kay Kathryn, nagkasama na sila noon ni Dolly sa isang proyekto ngunit matagal na itong panahon kaya naman ngayon ay mas excited siyang makita at muli itong makatrabaho.
Aniya, "For sure, marami akong matututunan sa kanya.
"I can't wait to meet her again. Kasi sabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa.
"But that was very short lang."
Dagdag pa ni Kathryn, "Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya.
"What a great honor na gumawa at mabigyan niya ako ng oras."
Read: Dolly de Leon, tinalo ni Angela Bassett sa Golden Globes 2023
Bukod kay Dolly, first time din daw makakatrabaho ni Kathryn si Direk Petersen na personal niyang piniling maging direktor ng susunod niyang proyekto.
Saad niya, "I personally picked him because I see so much potential in him.
"I've seen so many of his projects and I just feel like noong sinabi ko na siya yung napili ko na final when I called our producer, parang feeling ko it felt right.
"I feel he's the perfect director to guide me in this movie.
"I'm really excited na makatrabaho siya for the first time."
Ang pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na An Inconvenient Love ang latest project na idinirek ni Direk Petersen.
Read: An Inconvenient Love #1 sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix
Malaki rin ang pasasalamat ng direktor kay Kathryn dahil ipinagkatiwala raw ng aktres sa kanya ang comeback movie nito.
Ang blockbuster na Hello, Love, Goodbye (2019) ang huling pelikulang ginawa ni Kathryn sa ilalim ng Star Magic.
Read: Liza Soberano reveals Hello, Love, Goodbye was first offered to LizQuen; Kathryn Bernardo fans react
Inilarawan din ni Direk Petersen ang A Very Good Girl bilang pelikulang "dark comedy but with a lot of class and sass."
Sabi niya, "We want to serve lang this fantasy of representing [a] frustrated and powerless generation through Kathryn's character, so maraming aabangan.”
ELENA 1944
Maliban sa A Very Good Girl, may dalawang proyekto pang inanunsiyo si Kathryn na dapat abangan ng kanyang fans.
Isa na rito ang Elena 1944 sa ilalim ng Black Sheep.
Ani Kathryn, "It's with my great pride and honor that this movie will be directed by 'Inang' Olivia M. Lamasan."
Magsisilbi itong reunion project nina Kathryn at Direk Olive matapos ang Barcelona: A Love Untold noong 2016.
Read: Barcelona: A Love Untold grosses P130 million in five days, according to Star Cinema
Pagbabahagi ni Kathryn, noong 2019 pa ini-offer sa kanya ang proyektong ito na base sa Palanca award-winning screenplay ni Patrick Valencia.
Saad ni Direk Olive, "Napapayag ako kasi Kathryn Bernardo siya.
"Now I am making a comeback as a director after retiring from the corporate world, at si Kathryn ulit ang aking magiging artista.
"That's such a blessing and something that I'm really, really very excited about."
Ayon pa sa direktor, challenging ang magiging role dito ni Kathryn na ibang-iba sa mga ginampanan nitong karakter noon.
"It's a historical drama, Japanese period. It's also an action-drama for Kathryn."
Mensahe pa ni Direk Olive kay Kathryn: "It's a very challenging role for you and very daring.
"Gusto ko lang sabihin sa iyo, Kath, I am very grateful na tinanggap mo."
Malaki rin ang pasasalamat ni Kathryn kay Direk Olive.
Sabi niya, "Inang, I'm grateful. I wouldn't say yes if hindi ikaw yung magdi-direct.
"Hindi rin ako papayagan. I trust you with all my heart. So, hawak-kamay tayo sa panibagong [project].
"Siguro, like what Inang mentioned kanina, more daring, yun ang medyo bago sa kanila. And it's something about nire-represent ko yung pagkababae ko and I love to do something like that, project like that, representing women, women empowerment."
KATHNIEL PROJECT
Good news din ang hatid ng Kapamilya actress sa Kathniel fans dahil sa anunsiyo niyang tuloy ang bagong proyekto nila ng real-life boyfriend niyang si Daniel Padilla.
Ito'y mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
Saad ni Kathryn, "Ang importante, kami ni DJ [Daniel] off-cam, kami, nagsusuportahan kami sa isa't isa.
"Sa mga gagawin ni DJ in the future, 100 percent susuportahan ko siya. Kasi alam ko naman na masaya rin siya sa ginagawa niya.
"Meron kaming ginagawa individually but mayroon pa ring under Direk Cathy."