PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inconvenient Love Tops Netflix PH

Wala pang Pinoy series na nanguna this year sa Top 10 TV Shows ng Netflix.
by PEP Troika
Published Feb 25, 2023
An inconvenient love starring Donny Pangilinan and Belle Mariano
Nangunguna An Inconvenient Love movie nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
PHOTO/S: Screen grab from An Inconvenient Live

JERRY OLEA

Pumuwesto agad sa number 1 ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix ang DonBelle film na An Inconvenient Love.

Pebrero 23, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang nasabing rom-com nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ngayong taong 2023, ito ang first Pinoy film na nanguna sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today.

Iyong Crying Ladies nina Sharon Cuneta, Angel Aquino, at Hilda Koronel ay nag-peak sa number 2, at isang araw lang sa posisyong iyon.

Ang twinbill nina Jake Cuenca at Ivana Alawi na Sitsit ay four non-consecutive days na pumangalawa.

Ang Inang Yaya ni Maricel Soriano ay nag-peak sa number 3, and held that position for only one day.

Wala pang Pinoy series na nanguna this year sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.

Iyong seryeng Call Me Tita nina Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Joanna Ampil, Lorna Tolentino, at Angelica Panganiban ay four days na nag-number 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, dalawang pelikulang Pinoy ang nasa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix: An Incovenient Love (1) at Crying Ladies (6).

Ang walo pang kasama sa listahang iyon ay Unlocked (2), The Bank Job (3), The Strays (4), Mission: Impossible Fallout (5), Snow White: A Tale of Terror (7), Pitch Perfect 3, Re/Member (9), at Nobody (10).

Isa lang ang Pinoy content sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo o The Promise nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nasa pang-anim na puwesto ito.

Sa listahang iyon ay patuloy ang pamamayagpag ng South Korean dramas. Iyong top 5 ay pawang likhang Koreano: Mr Queen (1), True Beauty (2), Physical 100 (3), Love To Hate You (4), at Crash Course in Romance.

Kasunod ng Pangako Sa ‘Yo/The Promise (6) ang dalawa pang K-drama, ang Summer Strike (7) at My ID Is Gangnam Beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pansiyam ang Mexican series na Triptych, at pansampu ang American series na Outer Banks.

Siyanga pala, mag-i-streaming na ang critically acclaimed film ni Abra na Respeto umpisa Marso 3, Biyernes.

Keri kaya nitong pumasok sa Top 10 Movies list?

Mag-i-streaming naman sa Marso 9 ang part 2 ng Season 4 ng You, samantalang sa Marso 10 matutunghayan ang bagong episodes ng The Glory.

NOEL FERRER

Pansin ko lang, mukhang pinagkakagastusan na rin ang promo ng mga palabas sa Netflix. Nakakatuwa lang na ang mga dating pelikulang Pinoy ay umaabot sa mataas na ranking.

As I pass through EDSA, nakikita ko ang billboard ng An Inconvenient Love pa rin.

At mukhang may social-media post brigade ang Unitel dahil sunud-sunod ang announcement na nakikita natin from I Do Bidoo to Crying Ladies to Inang Yaya, atbp.

Nasa Netflix na ang La Visa Loca ni Senator Robinhood Padilla. Papasok kaya sa Top 10 ang pelikula ng ngayo’y kontrobersiyal at nasa news na senador? Abangan natin!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Kagaya nung ipinalabas ang Inconvenient Love sa mga sinehan noong November last year, malakas ito sa unang araw, pero parang hindi na-maintain.

Tingnan natin ngayon kung kaya ng DonBelle fans na panatilihin ito sa number-one spot nang matagal, kagaya ng pelikula at series ng KathNiel.

Ang isa pala sa sinusubaybayan ko ay ang Physical 100 ng South Korea na hindi rin nalalaglag sa Top 10 trending sa series.

Nung Martes, February 21 pa ipinalabas ang finale episode, pero nasa number 3 pa siya.

Napakaganda ng production ng reality show na ito na sana ay kaya nating gawin.

Kung kaya sana dito ng TV network natin, maganda ring kunin ang franchise nitong Physical 100.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nangunguna An Inconvenient Love movie nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
PHOTO/S: Screen grab from An Inconvenient Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results