Maituturing na phenomenal ang ratings at online views ng Abot Kamay na Pangarap.
Tinanong namin ang isa sa mga bida ng naturang GMA teleserye na si Carmina Villarroel kung ano sa palagay niya ang “magic” ng kanilang programa at matagumpay ito.
Mahabang tugon ng aktres, “Actually, sa totoo lang, hindi talaga namin alam. Kahit kami nagtatanungan kami, ‘Ano ba? Bakit?’ Alam mo yun?
“We are just very thankful and kasi, una pa lang talaga, hindi naman talaga... wala naman kaming expectations, e. Talagang ginagawa lang naman namin yung trabaho namin.
“Siguro… ang ganda lang kasi talaga ng proyekto, ang ganda lang talaga nung istorya.
“Siguro nakikita lang talaga ng mga tao yung pagmamahal, yung pagmamahal ng isang ina sa anak, yung pagmamahal ng anak sa ina, lahat ng klaseng pagmamahal.
“Pagmamahal sa trabaho, pagmamahal ng isang manliligaw sa, you know, sa isang kasintahan, lahat ng kalseng pagmamahal nandun sa show, e.
“Makikita mo yung sinseridad, makikita mo yung, napaka-natural. Tsaka siguro relatable kasi yung istorya namin kaya siguro naa-affect yung mga viewers namin.
“Kasi nga nakaka-relate sila sa role ko, nakaka-relate sila sa role ni… kung sinuman, kung kaninuman doon sa mga characters.
“Pero kung ipi-pinpoint talaga namin, hindi talaga namin alam.
“Kaya talagang nagpapasalamat lang kami talaga sa mga loyal viewers, kasi talagang hindi namin alam. Talagang ang ano lang talaga namin ay salamat.
“Maraming maraming salamat talaga kasi we keep on extending kasi nga yun ay dahil sa kanila, dahil yun sa suporta nila. Kami, like I said, kami ay ginagawa lang namin yung best namin, ginagawa lang talaga namin yung trabaho namin.
“At tsaka siguro kasi nakikita nila yung saya namin, yung joy namin.
“May inner joy kasi kaming nararamdaman tuwing pumupunta kami sa set, e.
"Mahirap kung sa mahirap ang trabaho namin, napapagod kami, napupuyat kami, oo, wala namang madaling trabaho.
“Pero because we have that certain joy inside our hearts, siguro baka nakikita nila.
"We love what we do and siguro kasi we inspire a lot of people kaya siguro ganito, maganda yung rating namin kaya maraming salamat, dear God, sa ratings na ibinibigay sa amin.
“Of course to GMA, thank you for this show kasi kung hindi naman dahil sa kanila, kung hindi naman dahil sa creative team, sa writers, kay Direk LA, kay Direk April at sa staff, kila Ms. Anne, kila Ms. Joy wala naman kami dito, e.
“So talagang forever thankful at grateful talaga kami.”
Ang direktor ng Abot Kamay Na Pangarap ay si LA Madridejos, si April Vicencio naman ang 2nd unit director, si Anne Villegas ang acting coach, at si Joy Lumboy-Pili naman ang executive producer ng show.
EXTENDED SHOWING
At totoo pala ang sinabi ni Carmina na extended ang show; hanggang kailan?
“Nasabi ko ba,” at tumawa si Carmina. “Nasabi ko na e, ano? Oo… siyempre kailangan proud ako, di ba, kailangan proud kami na may extension.
“Kung hanggang kailan, parang 2028 yata kami, hanggang 2028… hindi, hindi,” at muling tumawa ang aktres.
“Actually, hindi ko alam pero hindi talaga namin… ayokong sabihin kung anong month kasi malay mo baka ma-extend ulit, di ba?
“Pero talagang may extension kami ulit, hanggang doon na lang muna, may extension.
“Ang dami talaga, ang dami talagang mangyayari. Akala nga namin yung mga mapapanood niyo akala niyo parang palaging pa-ending na, pero hindi, ang dami pala talagang puwede pang mangyari.
“Na kahit mismo kaming cast tuwing nakukuha namin yung script nagugulat kami.
“'Tapos, kapag nakuha na namin, bitin pa kami, nagtatanong pa kami, ‘Direk anong mangyayari? Ms. Joy anong mangyayari, sinong ganito sinong ganyan?’
“Kasi… ay grabe, unbelievable talaga yung creative team namin, yung mga writers namin hindi ko alam kung anong klaseng utak meron sila.
“Hindi ko alam, ang galing, they’re really brilliant, we have brilliant writers talaga.
“Iyon, iyon na, hanggang 2028,” at muling tumawa si Carmina.
WILL ZOREN LEGASPI GUEST IN THE SERIES?
Nakapag-guest na sa Abot Kamay Na Pangarap ang kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi. Dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show?
“Ay, why not?!? Malay mo naman, di ba? Since hanggang 2028 kami, di ba,” at muling tumawa si Carmina. “May pag-asa namang mag-guest.
“Alam mo actually gusto talaga niya. Gusto niya talagang mag-guest pero kasi may Urduja pa.”
Mainstay si Zoren sa umeere rin ngayon sa GMA na Mga Lihim Ni Urduja.
Pahabol pa ni Carmina, “E, malay mo naman pag natapos na yung Urduja puwede naming gumanun si Zoren.
"Why not, why not, di ba? Gusto niya, gusto niyang mag-guest.
“Puwede naman kung may maganda namang istorya na puwede siyang ipasok pero wala naman ako sa posisyon para magsabing, ‘Ah kailangan i-guest natin siya!’
“Di ba? Wala naman ako sa ganung posisyon.”
Pabirong nagkomento si Dominic Ochoa na kasali sa Zoom mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap (nitong March 29, Miyerkules) na kapag nangyari raw iyon ay uwian na, tapos na raw ang career niya.
Sa serye ay dating karelasyon ni Michael Lobrin na karakter ni Dominic si Lyneth Santos na karakter naman ni Carmina sa show.
Mabilis na reaksyon ni Carmina sa pagbibiro ni Dominic, “Uy, hindi naman.
“Hindi naman, malay mo naman, puwedeng i-partner kay Ms. D,” pagtukoy ni Carmina sa isa pang cast member na si Dina Bonnevie na gumaganap sa serye bilang si Giselle Tanyag.
“Hindi naman necessarily puwedeng iano sa akin, pero gusto talaga niya, gusto niyang mag-guest talaga. So kung anumang role e hindi natin alam.”
Bida rin sa Abot Kamay Na Pangarap si Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos, at kasama rin sa serye sina Richard Yap bilang RJ Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at marami pang iba.
