Nagsalita ang actress-beauty queen na si Winwyn Marquez tungkol sa pag-amin ni Alden Richards ukol sa muntikan nang relasyon nila noong 2019.
Sa panayam ni Winwyn sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, April 12, 2023, naging bukas siyang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila ng aktor.
Sa January 25, 2023, inamin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden sa parehong Kapuso show na trabaho ang dahilan kaya naudlot ang sana'y pagkakamabutihan nila ng itinanghal na Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn.
Read: Alden Richards-Winwyn Marquez rumored romance noong 2019, napatunayang totoo pala
Diretsahang tanong kay Winwyn ng host na si Boy Abunda: "Noong dumalaw sa amin dito si Alden, na-mention niya na muntik na [kayong maging magkarelasyon]... What's the story?"
Sagot ni Winwyn: "Alam mo, Tito Boy, kasi I saw the clip, ang dami kasing nag-tag sa akin and all.
"Tama naman yung sinabi ni Alden na dahil sa work.
"Pero there's really not much to talk about outside that I consider him as a really good friend."
Sundot na tanong sa kanya ni Boy, "So, yung muntik, tama yon?"
Sa puntong ito, ipinaliwanag ng aktres na hindi siya sigurado sa kanyang isasagot dahil hindi rin naman niya alam ang tunay motibo sa kanya ni Alden noon.
"Yung muntik... hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya.
"Kasi si Alden... I don't know if may misunderstanding or anything, kasi he's really kind, malambing siya, mabait siya.
"I feel like he is like that to everyone, sobrang bait kasi niya."
Hindi rin daw nasagi sa usapan nila noon na may plano palang manligaw sa kanya ang Kapuso actor.
Saad ni Winwyn, "We can talk about anything under the sun.
"So, I just felt that he was really good friend."
Wala rin daw direktang pag-amin sa kanya si Alden na gusto siya nito.
Tanong ni Boy, "Wala talaga yung deliberate na, halimbawa, bulaklak o dumalaw sa bahay?"
Nakangiting sagot ni Winwyn, "Wala naman pong ganon. Wala, wala po talaga."
Ayon pa sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, nang mapanood niya ang naging pahayag ni Alden tungkol sa kanilang nakaraan ay wala naman siyang masamang naging reaksiyon.
Read: Winwyn Marquez posts cryptic message after Alden Richards’s confession about their aborted romance
Sa katunayan, proud na proud daw siya kay Alden sa lahat ng success at achievement na nakamit nito.
Aniya, "Wala naman po... kasi tapos na, e.
"I don't want to go back and dwell in the past because kahit anong sabihin natin, I'm so proud of him.
"I'm so proud of his success.
"Seeing a friend na ginawa niya talaga yung gusto niyang gawin, I would support him all the day."
Dagdag pa niya, "We remain good friends."
WINWYN-ALDEN RUMORED ROMANCE
Noong April 26, 2019, inulat ng Cabinet Files dito sa PEP.ph ang tungkol sa kapansin-pansing closeness nina Alden at Winwyn.
Ito'y matapos makunan ng litrato ang dalawa na magkasama sa blessing ng McDonald’s branch sa Biñan City na pag-aari ng aktor.
Noong panahong iyon, hindi pa raw handa si Winwyn na pumasok sa bagong relasyon dahil kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.
Read: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras
Ito ay ayon sa isang saksi na nagparating sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa special friendship nina Winwyn at Alden.
Pinagtawanan lamang ni Winwyn ang report ng PEP.ph noong April 2019 na nagkakamabutihan sila ni Alden.
Ayon pa sa kanya, baka binigyan lamang ng ibang kulay ang madalas na pagtatabi nila nang magbukas ang negosyo ng aktor sa Biñan City.
Read: Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards
Sa panayam ng PEP.ph kay Winwyn noong May 16, 2019, diretsahang sinabi ng former beauty queen na magkaibigan lang sila ni Alden.
Read: Alden Richards reveals 2023 showbiz plans: “I’ll be having a new hosting show.”
