Alden Richards is a certified heartthrob, kaya hindi nakapagtatakang maraming nali-link sa kanyang ladies who are all attractive and talented.
Gayunpaman, hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend na mula sa showbiz, ayon na mismo kay Alden.
In fact, he stated sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 that he’s not dating anyone at the moment.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lists some of the rumored romances surrounding Alden at ang real score and story behind the issues.
Alden Richards Rumored Romances Through the years
Louise Delos Reyes
Noong June 2012 nakasa ang premiere ng One True Love, ang prime-time soap opera nina Alden at Louise. Nakilala ang kanilang love team bilang DenLou.
Aside from this series, naging magkatrabaho pa sila as a love team sa Tween Hearts (2010), Alakdana (2011), The Road (2011), My Beloved (2012), at Ang Mundo Ko'y Ikaw (2013).
During the time, away-bati ang relationship nila, but they remained friends.
In one of her narrations for PEP.ph after ng mga away nila, “Parang sweet na ulit kami and very best friend talaga iyong turingan.”

Sam Pinto
Noong October 2015 naman ay na-link si Alden kay Sam.
Kasagsagan noon ng AlDub, ang love team nina Alden at Maine Mendoza, kaya as much as possible ay ayaw ni Sam ma-accuse siyang sumasakay lang sa kasikatan ng binata.
Bukod sa takot siyang ma-bash ng mga AlDub fans, Sam found Alden young. May two-year age difference ang dalawa. At press time, 33 si Sam, habang 31 naman si Alden.
Nakausap ng PEP.ph noon si Sam sa presscon ng Maria Labo (2015) noong same month din na iyon.
Saad pa ni Sam, “Ang bagets pa [noon] ni Alden, ha!
"Para akong nagiging cougar! I don't like."
Dagdag pa niya, "Nag-ano kami, nag-cruise, pero hanggang dun na lang yun.
"I mean, he's too young for me."

Bea Binene
October 2015 din nang pumutok ang issue ng possible romance between Alden and Bea.
Nagsimula ang issue dahil sa debut party ni Bea. Inimbitahan ng dalaga si Alden na maging first dance niya, just in case hindi makarating ang ama ni Bea sa party.
Sa Pilipinas, ang first dance is usually considered a big deal, kaya naman nagtaasan ang kilay ng netizens at agad na napatanong kung bakit si Alden, of all people.
Sa kanyang panayam with PEP.ph, nilambing pa ng dalaga ang AlDub Nation, ang fan club nina Alden at Maine, sa pagkakataong ito.
“Debut ko naman, di ba?”
"Kaya birthday gift na rin ng mga fans ng AlDub ang mapayagan si Alden to be my first dance.
“Tutal, matagal na kaming magkaibigan ni Alden at maiintindihan naman iyon ng mga fans nila ni Yaya Dub,” pakiusap ni Bea that time.
“Hindi ko aagawin si Alden kay Yaya Dub, promise!” paninigurado pa niya.
Maaalalang naging magkatrabaho sina Bea at Alden sa past projects, like Indio (2013), kung saan si Alden ang naging first on-screen kiss ni Bea.

Andrea Torres
October 2018 naman nang magkaroon ng speculation ang mga tao about a possible romance between Andrea and Alden.
Maaalalang madalas silang maging magka-eksena sa GMA fantaserye na Victor Magtanggol (2018). Dahil sa madalas nilang interaction at pareho naman silang single at the time, tila nabigyan ng kulay ang kanilang pagsasama.
Nakausap ng PEP.ph si Andrea during the taping of Victor Magtanggol (2018) noong October 17, 2018.
Ang masasabi ni Andrea when asked kung hindi pa siya naa-attract kay Alden, “Friends kaming talaga, e.”
Dagdag pa ng Kapuso actress, “At saka kaming dalawa yung magkasama noong commercial pa lang, isang telecom commercial.
"Dati pa, nag-i-start pa lang kaming dalawa, palagi naming napag-uusapan yun.
“Nakakatuwa kasi yung mga kasama namin sa commercial na yun, mga artista na rin.”

Winwyn Marquez
Na-issue sina Alden at Winwyn noong April 2019 during the blessing ng McDonalds Binan, Laguna Highway branch na pag-aari ng aktor.
During the event, mapapansing attendee rin si Winwyn. The published photos showed na madalas silang magkatabi sa mga kuhang pictures.
This made the netizens speculate na baka may romance brewing between the two, lalo pa't nabanggit noon ni Alden na may nagugustuhan siyang dalaga.
To add to this rumor, netizens also noticed na madalas mag-like sina Alden at Winwyn sa social media posts ng isa't isa.
Nakausap ng PEP.ph si Winwyn sa grand presscon ng Dahil sa Pag-Ibig (2019) noong May 15, 2019.
Sabi naman ni Winwyn regarding this, “Hindi lang naman ako yung nila-like ni Alden.”
Alden mentioned Winwyn as one of the women na almost naging girlfriend niya ngunit naunsiyami “because of work, busy siya, busy rin ako.”

Kathryn Bernardo
Nagsimulang ma-link si Kathryn kay Alden dahil sa kanilang box-office hit movie na Hello, Love, Goodbye (2019).
This was an issue na pumutok noong August 2019 in time sa press release ng kanilang movie.
One of the possible reasons for the rumor was their intimate scenes sa nasabing pelikula, na masasabing indication ng good on-cam chemistry.
During his interview with PEP.ph, inalala ni Alden ang bedroom scene na kinunan during the first day of the shoot.
"Yun yung first day ko sa pelikula tapos yun nga pong scene na yun and siyempre po, kabado kasi what if kapag napanood na... ganyan.
"But we were able to deliver well naman po doon sa scene na yun and nakakatawa naman po siya.”
Before shooting the scene, nag-text pa si Alden sa boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla para magpaalam.
“Well, actually, hindi naman na po lingid sa kaalaman na I really texted him personally before we started and asked and thanked him for letting Kath do a movie with me,” sabi pa ni Alden.

Catriona Gray
Hindi rin nakalampas sa matatalas na mata ng netizens ang madalas na pagla-like ni Alden ng posts ni Catriona sa Instagram.
September 2019 nang ma-point out ito, and the possibility of another rumored romance was brewing.
Nakapanayam si Alden ng PEP.ph noong September 2019 pagkatapos ng kanyang mediacon para sa contract renewal niya sa GMA.
When asked kung type niya si Catriona, Alden said, “What's not to like? And siyempre, Miss Universe yun.
“And I've heard na she's a very good person. I'm looking forward to meet her.”

Sanya Lopez
In relation sa kanyang maging series na First Yaya (2021) ay natanong si Sanya noong October 2020 kung kaninong aktor niya gusto maging yaya, if ever.
Ang naging sagot niya is si Alden.
When asked why, sinabi ni Sanya sa panayam with PEP.ph, “...iba yung pakiramdam na talagang yung respeto niya sa iyo bilang isang tao… kahit sino ka man, rerespetuhin kita… yun naman yung mahalaga.”
Nakatrabaho na niya si Alden dati sa ibang shows, like Encantadia (2016).

Maine Mendoza
Maine's connection with Alden started during their AlDub pair-up sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga! in 2015.
What started out as an accidental pairing eventually became a full-blast super love team na pumatok sa masa.
It also paved way for the Aldub Nation, ang fan club dedicated sa dalawa.
Noong November 2022, nagkaroon ng chance si Alden to explain ang side niya noong kasagsagan ng issue with Maine. This was during a press conference sa Cebu.
“Everything is self-explanatory,” sabi ni Alden when asked to explain sa Fast Talk with Boy Abunda about sa rumors sa kanila ni Maine.
The rumors stated na kasal na sina Maine at Alden at may tinatagong anak.
Alden categorically said na hindi totoong kasal sila at may anak. He also stated that they are good friends kahit ngayon.
In line with the promotion of Five Breakups and a Romance during Tonight With Boy Abunda's October 9, 2023 episode, nagtanong si Boy tungkol sa career ni Alden. Specifically about AlDub.
The question with context was, "Sabi kasi nila, 'yung pinakamalaki mong romance is sometimes your biggest breakup. Sa karera mo, do you consider AlDub as your biggest romance and is it also your biggest breakup?"
"Romance, yes. Ang daming opportunities na dumating po sa buhay ko because of it. I'm very grateful to Maine and very grateful to Eat Bulaga, by all means sincerely. Kasi doon ko po naramdaman... when you work hard for something, si Lord 'pag may hinihingi ka, hindi Niya 'yun ibibigay sa panahong gusto mong makuha. He always has this magic of giving it at the right timing. But breakup, tito Boy, yes."
Tanong ng host, "AlDub is also a breakup?"
"A breakup. But let's remove the negative context of breakup in this conversation with AlDub because it doesn't necessarily mean that when you're going through a breakup, laging masama, laging masakit, laging malungkot. It was a breakup because both of us, Maine and I, we needed growth. We needed to venture into our individual lives to learn more and move forward," was what Alden has to say about this "breakup."
Direkta ang naging follow up question ni Boy Abunda nang sinabi niyang, "Tanong: Did you fall for Maine Mendoza?"
"Yes, tito Boy. Hypocrite po ako kung hindi. And ayoko pong sabihing alam niya pero I did confess," pagpapaliwanag ni Alden.

Julie Anne San Jose
Si Julie Anne ang pangalawa sa nabanggit ni Alden na almost naging girlfriend niya pero hindi natuloy because “it was my fault.“
This was his confession during his interview on January 25, 2023 sa Fast Talk with Boy Abunda.
Dagdag pa ni Alden, “Hiningi ko po yun ng sorry sa kanya… naiwan ko po siya.”
After their almost-relationship phase, they went about with no communication na umabot ng almost seven years.
He also relayed that they eventually reconciled noong humingi siya ng tawad during one of their shoots sa Sunday PinaSaya (2015).
Now, they’re good friends.

Mikee Quintos
Unrequited love naman ang nangyari between Mikee and Alden. Sa panayam ni Boy Abunda kay Alden noong October 9, 2023 naungkat ito.
"Mikee Quintos was our guest here [Tonight with Boy Abunda]. She was brave enough to say 'Oo, nagkagusto ako [kay Alden], umasa ako.' Ano'ng ginawa mo nu'n?"
"Ngayon ko lang po siya narinig. Actually, nagulat po ako. But Mikee and I were very close during the tapings po ng [Five Breakups and a Romance]," sambit ng aktor.
"At sabi niya you're friends now?" tanong naman ni tito Boy.
"Yes, we are. But siguro po... I don't know. Ako po kasi ang understanding ko is at the context of friendship," was Alden's elaboration on the matter.

Pia Wurtzbach
Sa October 9, 2023 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, Boy directly asked Alden, "Ito alam ko, matagal na ito, but I've always wanted to ask you this: Nagkagusto ka kay Pia Wurtzbach?"
"Opo," nakangiting sagot ni Alden.
"Pero naipaalam mo sa kanya?" sundot pa ni Boy.
"Hindi po... from afar. Kasi tito Boy, since sa Eat Bulaga po bestfriends sila ni Pauleen Luna eh. Every now and then, Pia would go there just to say hi, hello to Pauleen tapos mag-uusap sila. Tapos as in nakikita ko po siyang hindi naka-glam. So very... wala ring pakialam. 'Yung puso mabuti. And then after she won, and then saw her na... parang grabe. And I can attest that she has remained the same," paglilinaw ng aktor.
