“Mabait, friendly, passionate, at isang tunay na kaibigan.”
Ganito ilarawan ng Sparkle Teens members na sina Anthony Vinzon, Bryce Eusebio, James Graham, Zyren dela Cruz, Ashley Sarmiento, Waynona Collings, Aya Domingo, at Gaea Mischa ang namayapa nilang kaibigan na si Andrei Sison.
Kasama sanang ilu-launch si Andrei kahapon, Martes, April 18, 2023, bilang bagong artist ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network, ngunit sa kasamaang palad ay nasangkot siya sa aksidenteng kumitil sa kanyang buhay.
Binawian ng buhay si Andrei dahil sa car accident na nangyari sa Commonwealth, Quezon City, noong March 24, 2023.
Siya ay 17.
Read: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident
Sa araw ng launching ng Sparkle Teens, sumalang ang inilunsad na 19 teen stars sa mediacon kung saan personal nilang nakilala at nakausap ang ilang miyembro ng press.

Read: 19 members ng Sparkle Teens, isasalang na sa Kapuso projects
Dito natanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang ilang miyembro ng Sparkle Teens kung paano sila nag-adjust at nagku-cope sa pagkawala ng isa sa kanilang kasamahan.
Sabi ni James Graham: "Hindi pa po kami nakaka-adjust, but we are trying our best for Andrei po.
"Kasi para po sa amin, hindi siya matutuwa kung magmo-mourn pa rin kami.
"Sa tingin po namin, mas matutuwa siya kung ginagawa namin yung best namin na maging positive pa rin after what all happened."
Read: Marco Sison mourns passing of grandson Andrei Sison
Saad naman ni Xyren dela Cruz: "Hindi pa po kami nakakapag-adjust, but we try our best for Andrei.
"Yung reaksiyon namin, totoo naman pong malungkot.
"Pero imbes na magmukmok, or maging sad po, ginagawa po namin siyang inspiration at siguradong hindi po siya mawawala sa amin."
Read: Pagkamatay ni Andrei Sison, may premonition at paramdam?
Sinang-ayunan din ito nina Aya Domingo at Ashley Sarmiento.
Ani Aya, "Yes po, totoong ginagawa namin siyang inspiration, kasi totoo naman pong sobrang bait ni Andrei."
Dagdag pa ni Ashley, "Lahat po ng ginagawa namin ay para kay Andrei."
WHO IS ANDREI SISON AS A FRIEND?
Para sa Sparkle Teens, isang mabuting tao at kaibigan si Andrei.
Sa saglit na panahong nakasama raw nila si Andrei ay wala silang masabing masama sa kung paano ito makitungo.
Sabi ni Gaea Mischa, "Made-describe ko po si Andrei as sweet and friendly."
Saad naman ni Bryce Eusebio, "Para sa akin, si Andrei as a friend, wala siyang pakialam sa happiness niya, basta happy ka. Ganun po siya klaseng kaibigan."
Read: Showbiz connection of late Sparkle artist Andrei Sison
Para naman kay Waynona Collings, walang katumbas na salita kung paano niya ilalarawan si Andrei bilang kaibigan.
Aniya, "No words can describe how good a friend Andrei is.
"I mean, he's not only a friend but he became a family sa amin."
Dagdag pa ni Antonio Vinzon, "Yung nakikita ko naman kay Andrei is chill lang siya.
"Marunong siyang gumawa ng kaibigan and super humble. Kapag nakikita mo siya, parang alam mo na e — na masayang kaibigan to si Andrei."
Read: Pagkamatay ni Andrei Sison, may premonition at paramdam?
Bukod sa pagiging mabait at palakaibigan, nakitaan din daw ni John Clifford si Andrei ng dedikasyon sa mga ninanais nitong gawin.
Saad niya, "One of the biggest things na nakita ko kay Andrei is yung killer instinct niya.
"Every time I see him, parang nakikita ko talaga yung fire sa mata niya, na gagawin niya ang lahat."
BEST MEMORIES WITH ANDREI
Masakit man daw isipin at tanggaping wala na si Andrei, ang mga iniwan daw nitong alaala ay mananatiling buhay sa puso't isipan ng kanyang co-teen stars.
Nang tanungin ng PEP.ph kung anu-ano ang best memories nila kasama si Andrei, ito ang naging sagot nila...
Gaea: "It was after po ng last rehearsal namin for our launch sa All-Out Sundays.
"We were sitting down in a circle, kumakain po kami [and] katabi ko po si Andrei nun.
"Tapos yung donut po kasi, nabusog ako bigla sa kinain namin, so binibigay ko na lang po sa kanya. Pero busog na rin daw po siya, pero kinain pa rin po niya.
"So, parang nagtawanan na lang po kami that time."
John Clifford: "For me naman po, the day we taped TiktoClock.
"That was the first time na nakita namin ni Andrei yung papers sa mga doors na nakasabit sa mga studio rooms ng Sparkle Teens.
"So, parang yun yung moment na we both realized na, 'Ito na yon, malapit na tayo i-launch.'"
Read: Yumaong Sparkle artist na si Andrei Sison, napanood pa sa All-Out Sundays
Bryce: "Actually may kuwentong ganyan din ako kay Andrei, and nakakatawa kasi —si Gaea yata yon — may nabuksan kaming room na nagbibihis yung mga girls.
"Kasi tuwang-tuwa kami ni Andrei, kasi apat na standby area, Sparkle Teens yung nakalagay.
"So, sobrang proud lang namin na mayroon kaming pangalan dun, kaya binuksan namin isa-isa."
Antonio: "Ang memorable po kay Andrei is nung pumunta kaming Trinoma tapos binilhan niya kami ng T-shirt, kami ni Josh.
"Yun po yung hindi ko makakalimutan sa kanya, wala siyang pakialam sa pera basta nagbibigay lang siya sa tao."
Read: Josh Ford, lone survivor sa car accident na kumitil sa buhay ni Andrei Sison
Bukod kina Zyren, Antonio, John Clifford, Waynona, Aya, Gaea, Bryce, Ashley, at James, kasama rin ini-launch bilang Sparkle Teens sina Josh Ford, Charlie Fleming, Princess Aliyah, Keisha Serna, Liana Mae, Naomi Park, Selina Griffin, Marco Masa, Lee Victor, at Aidan Veneracion.
Read: Aksidenteng ikinasawi ng aspiring actor na si Andrei Sison, patuloy na iniimbestigahan
