Kilig ang hatid ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang fans.
Ito’y matapos nilang maobligang maghalikan on camera habang nanonod ng AsianBasket International Tournament sa Malaysia nitong Martes, April 18, 2023.
Sa video na ipinost ng Hoopjunkie at Filbasket sa Instagram, makikita na magkatabing nanonood ang dalawa nang biglang ipokus sila sa “Kiss Cam.”
Read: Gerald Anderson says Julia Barretto will be his last: “Siya talaga.”
Halatang nabigla pa si Julia nang ituro sa kanya ni Gerald na sila ang ipinapakita sa screen.
Walang kaabog-abog, biglang inilapit ng Kapamilya actor ang kanyang mukha sa nobya at sila’y naghalikan.
Matapos ang kanilang sweet kiss, kita ang hiya sa mukha ng dalawa ngunit idinaan na lang nila ito sa tawa.

Ayon sa Hoopjunkie at Filbasket, lumipad pa-Malaysia si Julia para suportahan ang nobyong si Gerald na isa sa awardees ng All-AsianBasket Tournament.
Mababasa sa kanilang caption (published as is), “@juliabarretto and @andersongeraldjr are in Malaysia watching the AsiaBasket International Tournament!
“Gerald Anderson will be one of the awardees (All-AsiaBasket Tournament 2nd Team) in the Awarding ceremonies later tonight.”
Read: Julia Barreto posts kissing photo with Gerald Anderson in Singapore
NETIZENS REACT
Sa comments section ng post ng Hoopjunkie at Filbasket, maraming netizens ang kinilig at napa-"sana all."
Komento ng isang netizen, “Gusto ko lang naman ma-update sa basketball e, tapos bilang may ganito [crying emoji].”
Saad pa ng isa, “Hanggang sana all na lang talaga tayo.”
May iba ding nakarelate sa reaksiyon ng mga katabi ni Gerald at Julia.

Hirit ng isa, “Parang ako yung naka cap [sa tabi nila Gerald at Julia] tamang nuod lang ng basketball tapos yung katabi mo bebetime.”
Ani pa ng isa, "Kinikilig pa yung dalawa sa likod [laugh emoji] awit sa inyo lods."
READ MORE:
- ASTRO'S Moonbin dies at 25
- ASTRO member Moonbin to be given a private funeral by Erwin Santiago
- Sparkle Teens recall fondest memories with the late Andrei Sison
- Female acrobat, nasawi matapos malaglag during aerial performance
- Yumaong Sparkle artist na si Andrei Sison, napanood pa sa All-Out Sundays
