Parehong pinabulaanan nina Rabiya Mateo at Celeste Cortesi na may namagitang sigalot sa kanilang dalawa.
Si Rabiya ang hinirang na Miss Universe Philippines 2020 samantalang si Celeste naman ay nanalo bilang Miss Universe Philippines 2022.
Sa Instagram account ni Rabiya Martes ng gabi, May 23, 2023, nagbahagi siya ng dalawang selfie photos nila ni Celeste.
Caption niya, “Nothing but love [heart emoji] @celeste_cortesi”
Komento naman ni Celeste, “Love you always!! [hearts emojis]”

Sa Twitter naman ni Celeste, nagbahagi rin siya ng kaparehong selfie.
Caption niya, “Para sa mga maritess. Wala po kaming issue. Haha. Nothing but love for this amazing woman.”

Isa ring short video ang ibinahagi ni Celeste sa Twitter.
Sabi niya, “Hi guys, I’m here with my unfollower. No issue between us. We love each other. There’s no drama.”
Caption niya, “Rumors are now cleared! Still besties for life.”
Nagkasama ang dalawa bilang judge sa Miss Kaogma 2023 sa Camarines Sur.
Nag-ugat ang diumano’y isyu sa dalawa nang sisihin ng isang basher si Rabiya sa sinapit ni Celeste sa Miss Universe 2022.
Hindi pinalad si Celeste na makapasok sa Top 16 sa international pageant na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA noong January 14, 2023.
Read: Celeste Cortesi fails to land Miss Universe 2022 Top 16 spot
Si Rabiya ay nakaabot sa Top 21 ng Miss Universe 2020.
Read: Rabiya Mateo makes it to Miss Universe 2020 Top 21 semifinalists
Ayon pa sa basher, na-jinx umano si Celeste dahil sa post ni Rabiya ng message of support sa pambato ng Pilipinas bago pa ang grand finals ng pageant.
Read: Rabiya Mateo says Celeste Cortesi will win fifth Miss Universe crown for the Philippines
Komento ng kritiko kay Rabiya (published as is): “Gaga ka kc lakas mo mka jinxed ! ! ! ! wla tuloy tayong placement for the first time since 2010.
“Dinamay mo pa sa kamalasan mo si Celeste. Kaloka.”
Ang reply ni Rabiya ay hindi pagsagot sa basher kundi paghingi ng tulong sa ibang netizens na matunton ang basher.
Nais niyang alamin ang identity ng basher at isumbong ito sa pinagtatrabahuhan nito.
Comment ni Rabiya: “Can someone help me locate this person so I can message the company she/he is working from and tell them how their employee react on social media? Name, address and full details.”
