PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former and current Dabarkads pay homage to 'Eat Bulaga!', TVJ

Toni Gonzaga expresses support for Eat Bulaga! main hosts Tito, Vic, and Joey.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 1, 2023
Eat Bulaga!
"Eat Bulaga!” co-hosts Ryan Agoncillo, Alden Richards, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna-Sotto are among the Dabarkads who paid tribute to Eat Bulaga! and pioneer hosts Tito, Vic & Joey.
PHOTO/S: Ryza Mae Dizon Instagram

Kasunod ng pagkalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—sa TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, naghayag ng kanilang saloobin at pagpupugay ang former at current co-hosts sa longest-running noontime show at sa tatlong pioneer hosts.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Magkahalong lungkot at pasasalamat ang naramdaman nina Ryan Agoncillo, Alden Richards, Maine Mendoza, Pauleen Luna-Sotto, Miles Ocampo, Ryzza Mae Dizon, Ruru Madrid, at Bianca Umali.

Iisa ang kanilang mensahe: ang pasalamatan ang noontime show at ang mga haligi nitong sina Tito, Vic, at Joey na nagbigay sa kanila ng trabaho ng ilang taon.

Sa Instagram account ni Ryan, ipinost niya ang behind-the-scenes photo ng TVJ na kuha nang ianunsiyo nila ang kanilang pagkalas nila sa TAPE Inc. kahapon, May 31, 2023.

"Thank you @eatbulaga1979," simpleng caption ni Ryan.

Naging bahagi si Ryan ng Eat Bulaga! mula noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Alden ay nag-post naman ng litrato niya na ang background ay ang malaking logo ng Eat Bulaga!.

Kalakip nito ang caption na "Always and forever…@eatbulaga1979."

Opisyal na naging co-host ng Eat Bulaga! noong 2015, ang taon kung saan nabuo rin ang phenomenal love team nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Maine naman ay nag-post ng ilang larawang kuha sa loob ng sudio ng APT Studios na may bakas ng Eat Bulaga!.

Simpleng caption niya, "hanggang sa muli dabarkads. maraming salamat, @eatbulaga1979."

Naging Dabarkads si Maine mula noong 2015.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging sentimental naman si Pauleen, misis ni Vic, nang alalahanin kung gaano kaespesyal sa puso niya ang Eat Bulaga!.

Sa Eat Bulaga! nagsimula ang pag-iibigan nilang dalawa.

Kalakip ng kanyang post ang litrato niya kasama si Vic at anak nilang si Tali.

Mensahe niya, "Eat Bulaga meant so much to me. Forever grateful. #dabarkadsforever."

Taong 2004 nang maging bahagi ng Eat Bulaga! si Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman pinalampas ni Ryzza Mae ang pagkakataong magpasalamat sa programang "tumupad sa kanyang mga pangarap."

Kalakip ng kanyang post ang mga throwback picture niya noong siya ay anim na taon gulang pa lamang.

Madamdaming caption ni Ryzza, "Maraming salamat po, @eatbulaga1979 TVJ sa pag-tupad ng mga pangarap ko. Hanggang sa muli."

Si Ryzza ay nagsimula sa Eat Bulaga! matapos siyang hiranging Little Miss Philippines noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Ruru at Bianca, na makailang beses na naging guest co-host ng Eat Bulaga!, simula noong 2022, ay nagpaabot din ng pasasalamat.

Ani Bianca, hindi lamang siya ang napasaya ng noontime show, kundi maging ang kanyang lola at ang mga Pilipino mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Caption ni Bianca sa kanyang post, "Tuloy ang isang libo't isang tuwa."

"Maraming salamat, @eatbulaga1979 ♥? sa walang hanggang pagpapasaya sa Lola ko, sa akin, sa mga Pinoy mula Batanes hanggang Jolo at sa buong mundo.

"143, Dabarkads! Hanggang sa muli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Ruru, "Hanggang sa muli, Dabarkads! Walang hanggang pasasalamat sa inyo."

Maging ang baguhang co-host nilang si Miles ay labis-labis din ang pasasalamat sa noontime show.

"Maraming maraming salamat po.143, @eatbulaga1979," ani Miles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

former DABARKADS PAY TRIBUTE TO the show

Naghayag din ng kanilang mensahe ang mga dating co-host ng Eat Bulaga! katulad nina Toni Gonzaga, Isabelle Daza, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, at Gladys Guevarra.

Sa Instagram Story ni Toni nitong Huwebes, June 1, 2023, ipinost ng TV host-actress ang litrato niya kasama sina Tito, Vic, at Joey.

Sa ibaba ng kanilang larawan nakasulat ang "Noontime Kings. Forever @eatbulaga1979."

Si Toni ay nagsimula sa bakuran ng GMA-7 at naging regular co-host sa Eat Bulaga! noong 2002.

January 2005 nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram Stories din din inalala ni Isabelle ang masasayang alaala niya nang maging co-host siya ng Eat Bulaga! mula noong 2011 hanggang 2014.

Pagbabahagi ni Isabelle, higit pa sa katrabaho ang turing niya sa mga Dabarkads.

Eat Bulaga!

Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eat Bulaga!

Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang black-and-white photo na kuha sa isang out-of-the-country trip ng hosts at staff ng Eat Bulaga! ang ibinahagi ni Pia.

Caption niya rito, "Thank you for the memories @eatbulaga1979 while looking forward to what lies ahead. You can catch TVJ in their own shows on @net25tv"

Naging Eat Bulaga! co-host si Pia mula 2003 hanggang 2021.

Nagbigay-pugay rin si Ruby kina Tito, Vic, at Joey na itinuturing niyang "mentors at idols."

Saad niya, "TVJ???? my Mentors, Idols, and most of all Friends. I love you with all my heart. @helenstito @angpoetnyo Bossing!!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simpleng "#mayforever my forever" ang caption ni Julia sa kanyang Instagream post.

Ikinalungkot naman ni Gladys na hindi nakapagpaalam nang maayos sina Tito, Vic, at Joey, at iba pang hosts sa programa.

Nagpasalamat din sa Dabarkads si Gladys, na naging bahagi ng Eat Bulaga! mula 1999 hanggang 2007.

gladys guevarra post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Judy Ann Santos, Regine Velasquez, other celebs heartbroken by TVJ farewell; Maine Mendoza bids goodbye to 'Eat Bulaga!'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Eat Bulaga!” co-hosts Ryan Agoncillo, Alden Richards, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna-Sotto are among the Dabarkads who paid tribute to Eat Bulaga! and pioneer hosts Tito, Vic & Joey.
PHOTO/S: Ryza Mae Dizon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results