Ngayong plantsado na ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5, nagsilabasan na rin ang “legit Dabarkads” para magkuwento ng kanilang saloobin tungkol sa pagkalas nila sa TAPE, ang producer ng Eat Bulaga!.
Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit
Isa na rito si Wally Bayola, na naging bahagi ng Eat Bulaga! mula pa noong 2000.
Hindi raw siya nagdalawang-isip sumama sa grupo ng TVJ at ng lahat ng Dabarkads na umalis ng TAPE at lumipat sa ibang network.
Tila kinumpirma rin ni Wally ang mga usap-usapang inalok sila nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros o JoWaPao na manatili at maging kapalit ng TVJ.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Pahayag ni Wally sa panayam ng TV5 entertainment reporter MJ Marfori ngayong Miyekules, June 7, 2023, “Hindi lang nakikisampatiya kasi meron siyempre, I go for the group, e.
“Hindi talaga ako... kahit pa sabihin na meron pa na yung lumabas nga na pinipili kami to stay, but alam mo yun, ‘Ah, okay,’ ma-overwhelm ka, pero hindi, e. Hindi talaga.
“Kung saan yung TVJ, dun ako.”
Ayon kay Wally, nakaramdam siya ng kalungkutan nitong mga huling linggo ng Eat Bulaga! sa GMA-7 dahil hindi na nila nakakapiling sa studio si Mr. Antonio Tuviera, o kilala din sa tawag na Mr. T.
Si Tuviera ang may-ari ng APT Entertainment at kasosyo sa TAPE Inc. ni Romeo Jalosjos Sr., ang major stakeholder sa TAPE.
Nag-retire na si Mr. T bilang CEO at President pero nananatiling consultant ng TAPE.
Sabi niya, “Tapos at the same time, nararamdaman ko na rin yung changes.
"Na, unang-una nalulungkot ako, yung sarili ko ba, personal, nalulungkot ako.
"Parang hindi ko na nakikita nang personal si Mr. T dun sa studio, na halos for almost 23 years na talagang naging tatay naming lahat.
“Na hindi na namin nakikita si Mr. T. Wala na kami makasabay na boss na halos kumakain, na sabay-sabay namin.
“Yung kahit nonsense mga pinag-uusapan namin, parang biru-biruan lang, kamustahan ng buhay-buhay, alam mo yung pamilya talaga kami. Yung napi-feel talaga namin na alaga ka ng boss mo.
“Parang nawala na si Mr. T, nalulungkot ako. Ito yung akin lang, aside from the other kung ano pang ano.
“Nalulungkot ako, tapos, 'Oo nga, wala na si Mr. T.’ Tapos nararamdaman ko na yung changes nung programa, sa production.”
Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas ng TV5 ngayong gabi, may posibilidad na sa unang linggo ng Hulyo o baka mas mapaaga pa ang pagsultada ng TVJ at “legit Dabarkads” sa Kapatid network.
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
