PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes on Breakup with Ricci Rivero

Andrea: "Pinipili ko lang na maging masaya..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 14, 2023
Andrea Brillantes on breakup with Ricci Rivero
Kapamilya actress Andrea Brillantes (right) says she still has yet to feel completely free as there are things she still couldn't let go of after her breakup with basketball player-actress Ricci Rivero (leftmost).
PHOTO/S: Andrea Brillantes Instagram/Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

"Yung puso ko po, tingin ko okay naman siya."

Ito ang madamdaming pahayag ng Kapamilya actress-influencer na si Andrea Brillantes, 20, nang tanungin kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso.

Makalipas ang ilang araw matapos isapubliko ng dati niyang nobyo na si Ricci Rivero, 25, na nagwakas na ang mahigit isang taon nilang relasyon, binasag na rin ni Andrea ang kanyang pananahimik.

Sa panayam ni Andrea sa Magandang Buhay ng Kapamilya Channel ngayong Miyerkules, June 14, 2023, naging bukas siya kung paano niya ito hinaharap.

Ayon sa aktres, mahirap para sa kanyang kalimutan na lang bigla ang pinagsamahan nila Ricci. Kaya kahit na siya ay nakalaya na sa kanilang relasyon, hindi pa rin daw mababago ang katotohanang sa kanyang puso at isipan ay nananatili pa rin siyang nasasaktan.

READ Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

Saad ni Andrea, "Parang hindi pa po ako malaya, fully.

"Kasi may mga bagay na... tingin ko kasi kapag sinabing freedom, mayroon ding part dun na acceptance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ina-accept mo na kailangan mo nang i-let go yung bagay-bagay.

"Ako po kasi, aminado ako na since ang bagu-bago pa lang po ng lahat at naging totoo kasi sa akin lahat, nagmahal ako nang totoo, hindi ko yon male-let go agad-agad.

"So, hindi ko masasabi na malaya ako 100 percent, kasi may mga bagay pang ayoko pang pakawalan.

"Mayroon ding mga bagay na pina-process ko pa."

Read: Andrea Brillantes posts cryptic message about "freedom" after breakup with Ricci Rivero

Gusto rin daw ni Andrea dumaan sa tamang proseso ng pagmu-move on.

Aniya, "Ganun naman talaga, normal lang naman dapat na namnamin ko itong mga feelings na ito para makapag-heal ako nang maayos.

"Ayoko naman maging pretentious at maki-trend lang na 'I'm unbothered' para lang masabi na unbothered queen.

"Aminado ako na nakakaramdam ako, kasi tao pa rin ako."

Sa kabila ng sakit na pinagdaraanan, malaking bagay raw ngayon na mayroon siyang pamilya at mga mahal sa buhay na masasandalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa rito, ang pagpili raw niyang manahimik na lang at ipagkibit-balikat ang mga nangyayari para sa ikagagaan ng kanyang kalooban.

"Pinipili ko lang na maging masaya. Pinipili ko na kahit gusto kong magsalita, pinipili ko na huwag na lang para walang gulo.

"Kahit ang dami kong gustong gawin, pinipili ko po na piliin na lang yung sarili ko, at mag-focus sa kung anong mayroon ako, at sa mga taong nagmamahal sa akin," pahayag ni Andrea.

ANDREA-RICCI BREAKUP

Noong June 9, 2023, mismong si Ricci na ang nagkumpirma sa matagal-tagal nang usapang hiwalayan nila ni Andrea, sa pamamagitan ng pag-post niya ng isang statement sa Twitter.

Bagamat wala siyang binanggit na pangalan o hindi niya direktang tinukoy ang isyu, malinaw na ito ay patungkol sa breakup nila ng aktres.

Dito rin ay sinabi ni Ricci na inaako niya ang pagkakamaling huwag isapubliko ang estado ng kanyang relasyon dahil naramdaman niyang hindi na kailangang dagdagan pa kung ano ang pinagdadaanan nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Nakiusap rin siyang irespeto ang kanilang desisyong manahimik upang ipreserba kung anuman ang natitira sa kanilang "friendship."

Pahayag ni Ricci (published as is), "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through.

"Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.

“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.

"I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain.”

Read: Andrea Brillantes, nakipag-break kay Ricci Rivero dahil sa selos

LEREN BAUTISTA DENIES BEING THIRD PARTY TO RICCI-ANDREA BREAKUP

Third party ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Andrea at Ricci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga tagasuporta ni Andrea, si Bb. Pilipinas Globe 2019 at incumbent Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista ang ipinalit ni Ricci kay Andrea.

Nag-ugat ito sa mga lumabas na video at larawan nang makilalahok sina Leren at Ricci sa isang outreach program na idinaos sa Los Baños noong May 26, 2023.

Mariin naman itong itinanggi ni Leren nang maglabas siya ng pahayag sa Facebook nitong June 12, 2023.

Dito sinabi ng kampo ni Leren na ang mga alegasyon laban sa beauty queen-politician ay "entirely false and have no basis in reality."

Bahagi ng kanyang statement, “We would like to address the disinformation that has been circulating across social media platforms regarding Councilor Leren and her alleged romantic involvement with basketball player Ricci Rivero. We want to make it clear that these claims are entirely false and have no basis in reality.”

Read: Beauty queen-councilor Leren Mae Bautista denies involvement in Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICCI-ANDREA LOVE STORY

Noong March 11, 2022, unang naispatan sina Ricci at Andrea na magkasama.

Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted together; netizens ask: are they an item?

Noong mga panahong iyon ay wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon dahil kagagaling pa lamang ni Andrea sa breakup sa dati niyang ka-love team na si Seth Fedelin.

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

Hanggang noong April 9, 2022, pagkatapos ng UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws sa Mall of Asia Arena, ay tinanong ni Ricci si Andrea kung maaari niya itong maging girlfriend.

“Thank you for coming today. I just want to ask Blythe [Andrea’s nickname] to be my girlfriend?” tanong ni Ricci, habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na "YES" at "No."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na "YES"—kumpirmasyon na tinatanggap niya ang alok ni Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

Pagkatapos nito ay makailang beses nakita ng publiko na magkasama ang dalawa.

Sa vlog ni Andrea na lumabas noong October 4, 2022 ay ibinahagi nila ni Ricci ang kanilang love story.

Dito ay inamin ng aktres na siya ng gumawa ng "first move" sa pamamagitan ng pag-follow at pagmi-message sa social media account ng basketball player.

Inamin ni Andrea na hindi niya inakalang magiging boyfriend niya si Ricci dahil, "Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, nasa kanya. Kasi, di ba, galing ako sa heartbreak, kailangan ko protektahan ang sarili ko.”

Pero sinagot din niya sa huli ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story

Noong March 26, 2023 ay "gumanti" si Andrea nang siya naman ang nag-"promposal" kay Ricci para sa Star Magical Prom.

Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero

Ginawa ito ng aktres sa tulong ng K-pop group na BLACPINK sa concert ng mga ito sa Philippine Arena.

Read: Andrea Brillantes on Ricci Rivero saying 'yes' to her promposal at BLACKPINK concert: "Para akong nanalo sa lotto."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Andrea Brillantes (right) says she still has yet to feel completely free as there are things she still couldn't let go of after her breakup with basketball player-actress Ricci Rivero (leftmost).
PHOTO/S: Andrea Brillantes Instagram/Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results