Isa ang Megastar na si Sharon Cuneta sa special guests sa bagong noontime show ng iconic TV hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kasama ang “legit Dabarkads”—sa TV5 bukas, July 1, 2023.
Read: Sharon Cuneta, lalabas sa pilot episode ng TVJ noontime show sa TV5
Sa Instagram nitong nakaraang June 29, sinabi ni Sharon na malaki ang naging tulong ng Eat Bulaga! sa kanyang karera sa loob ng 44 years nito sa ere.
Binanggit din ni Sharon ang naging partisipasyon nina Tito at Joey sa kanyang showbiz career.
Si Sharon ay pamangkin ni Helen Gamboa-Sotto, asawa ni Tito at kapatid ng yumaong ina ng Megastar na si Elaine Cuneta.
Ayon sa singer-actress, “See you on July 1!!! [heart emojis] Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN”
Sabi pa ni Sharon, regular siyang napapanood sa Eat Bulaga! mula pa noong ito ay nasa RPN-9, ang unang tahanan ng longest-running noontime show sa Pilipinas.
Nirerespeto naman daw ng kanyang home network na ABS-CBN ang kanyang desisyong lumabas paminsan-minsan sa Eat Bulaga! kahit nasa ibang istasyon ito.
Aniya (published as is), “I have a 44-year history with eat-bulaga -- I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup!
“As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family.
“My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988.
“Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila!”
At ngayong magbabalik sa noontime show ang TVJ, sa bago nitong tahanang TV5, hindi raw mapapalampas ni Sharon ang pagkakataong maging panauhin sa kanilang pilot episode.
Sabi ni Sharon, “And I will be there for them whenever they call me. It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards eat-bulaga!
"No one can ever put a beloved institution down. @helenstito @vicosotto @angpoetnyo @ryan_agoncillo”
View this post on Instagram
Mapapanood ang unang sultada ng bagong TVJ show sa TV5, na hanggang ngayon ay pahulaan pa rin ang titulo, bukas, July 1, 2023, 11:30 a.m.
Read: Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang
Kasabay nito ang paglipat naman ng It’s Showtime sa Good Television o GTV ng GMA-7 mula sa TV5.
Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV
