PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is Joey de Leon alluding to in his “KAPALMUKS” post?

Joey de Leon: "Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!"
by Arniel C. Serato
Published Jul 29, 2023
Joey de Leon chides unnamed "kapalmuks"
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon also known as TVJ in their performance at 'E.A.T.' during their "National Dabarkads Celebration" earlier today, July 29. 2023.
PHOTO/S: Courtesy: TVJ on Facebook

Sino kaya ang pinatatamaan ni Joey de Leon sa kanyang “kapalmuks” post sa Twitter at Instagram?

Ngayong Sabado ng hapon, July 29, 2023, nag-post si Joey tungkol sa mga network nicknames.

Sabi niya, “As of today, nadagdagan na naman ang mga network nicknames—-Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS! [winking with tongue out emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Kaninang tanghali ay sabay na nag-celebrate ang TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey kasama ang legit Dabrkads sa E.A.T. ng "National Dabarkads Day."

Gayundin ang revamped Eat Bulaga! na pinangungunahan nina Paolo Contis, former Manila Mayor Isko Moreno, at iba pang kasamahan ng nagdiwang din ng ika-44 taong anibersaryo ng longest-running noontime show sa bansa.

Read: 'E.A.T.' AT 'EAT BULAGA!' SABAY NA NAGDIWANG NG ANIBERSARYO

Sa E.A.T., sinabi ni Joey na, “Saan ka mang panig ng mundo, kasama ka sa National Dabarkads Day celebration.”

Dagdag pa ni Vic, “Saan man kami dalhin ng tadhana, ipagdiriwang namin ang araw na naging mag-Dabarkads tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil higit sa programa, selebrasyon ng ating pagkakaibigan na pinatibay ng mga pagsubok, pinasarap ng panahon, at pinalalim ng pagmamahalan.”

FAKE BULAGA?

Naglabas naman ng hinanakit si Paolo kapag nakabasa siyang sila ay “Fake Bulaga.”

Kaya naman sinagot na niya ito.

Pahayag ng actor/TV host, “Mahabang panahon, kasama na natin ang Eat Bulaga!. Opo.

“Bago po kami, naintindihan po namin yun. Pero kami mismo, naging bahagi po kami ng Eat Bulaga!, dahil kahit nung bata pa ako, naging parte ako ng Eat Bulaga!. Nanonood ako ng Eat Bulaga!, lahat tayo."

Sumingit si Isko, “Naggi-guest tayo!"

"Totoo! Nagi-guest tayo sa Eat Bulaga!," susog ni Paolo.

Dagdag niyang pahayag, “Ngayon, ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga!? Ang tanong, sino ang may-ari? Ang sagot, lahat po tayo.

"Kasi sa 44 years, lahat po tayo ay naging bahagi nito.

“Hindi po maiiwasan na may mga nagsasabi na wala naman po kaming ambag, dahil bago lang naman po kami dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang mahalaga ay lahat po ay ginagawa namin, para ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at tulong sa inyo.

"Hindi na po kami mahalaga. Maari pong dumating ang araw, hindi na rin kami ang nandito, pero basta ang mahalaga ay ipagpatuloy namin ang matagal nang hangarin ng Eat Bulaga!—ang magbigay ng tulong at saya.

"Yun lang naman po ang gusto namin. Hindi po yun mababago. Mahalaga rin po sa akin na sabihin na ang ginagawa po namin ay totoo.

"Marami pong nagsasabi na kami ay fake. Marami ang nagsasabing kami ay Fake Bulaga!

"Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff.

"Walang peke sa pagmamahal ko sa crew. Wala peke sa pagmamahal ko sa trabahong to. Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag nyo kaming Fake Bulaga, dahil wala pong fake sa gingawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: ISKO MORENO: "SINO BA ANG NAGMAMAY-ARI NG 'EAT BULAGA!?' ANG SAGOT, LAHAT PO TAYO."

May bago na ring themesong ang revamped Eat Bulaga! na may pamagat na "Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga!" at inawit ng mga hosts.

Read: BAGONG THEME SONG AT LARONG A LA PINOY HENYO TAMPOK SA 'EAT BULAGA!' ANNIVERSARY SHOW

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon also known as TVJ in their performance at 'E.A.T.' during their "National Dabarkads Celebration" earlier today, July 29. 2023.
PHOTO/S: Courtesy: TVJ on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results