PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

""President Marcos pays tribute to Mike Enriquez""

President Marcos Jr.: "He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 31, 2023
Senator Risa Hontiveros on late veteran broadcaster Mike Enriquez: "Para sa maraming henerasyon ng Pilipino, ang boses ni sir Mike ang maasahang boses ng balita at komentaryo. Walang makakalimot sa kanyang nakakaenganyong tinig at paraan ng paghahatid ng balita, na naging bahagi na ng ating pang-araw araw na buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal

Patuloy ang pagdagsa ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.

Pumanaw si Mike noong Martes, August 29, 2023. Siya ay 71.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

Bukod sa kanyang mga katrabaho at kapwa celebrities, nagpaabot din ng pakikiramay ang ilang mga politiko, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read: '24 Oras' pays tribute to Mike Enriquez's 54-year broadcasting career

Sa post ni Pangulong Marcos Jr. sa X (dating Twitter) nitong Miyerkules, August 30, ikinalungkot daw niya ang biglaang pagpanaw ni Mike, na tinagurian niya bilang isa sa mga haligi ng broadcasting industry.

"We are saddened by news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry.

"He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people.

"Our heartfelt thoughts are with his family and loved ones during this time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SENATOR RISA HONTIVEROS

Nagpahayag din ng pakikiramay si Senator Risa Hontiveros.

Sa pamamagitan ng mahabang Facebook post, nagbigay-pugay ang senadora sa kontribusyon ni Mike sa broadcasting at news media sa Pilipinas.

Read: Mike Enriquez's memorable TV moments

Mababasa sa kanyang post (published as is), "Kasama ang buong bansa, taos-puso akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa industriya ni sir Mike Enriquez sa kanyang pagpanaw ngayong araw.

"Siya ay naging magiliw, marunong, at dignified na senior anchor sa newsroom noong co-anchor ako sa GMA Network News noong 1990s.

"Hindi matatawaran ang mga kontribusyon ni Mike Enriquez sa industriya ng broadcasting at news media sa Pilipinas.

"He was a true trailblazer and an innovator who helped shape how Filipinos receive and perceive the daily news."

Read: 'TV Patrol' anchors mourn passing of '24 Oras' anchor Mike Enriquez

Bukod sa nakakaengganyong boses sa pagbabalita ni Mike—ang dignidad, katapangan, malasakit, at pagmamahal daw nito sa bayan ay mananatiling buhay sa puso't isipan ng sambayang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Hontiveros, "Para sa maraming henerasyon ng Pilipino, ang boses ni sir Mike ang maasahang boses ng balita at komentaryo.

"Walang makakalimot sa kanyang nakakaenganyong tinig at paraan ng paghahatid ng balita, na naging bahagi na ng ating pang-araw araw na buhay.

"Sa pamamagitan ng kanyang mga programa, pinahiram ni sir Mike ang kanyang boses sa hinaing ng mga kababayan nating hindi naririnig o nakikita.

"Naging kakampi siya ng mahihirap na tinulungan niyang ilapit sa katotohanan at hustisya na kanilang hinahanap.

"Naging katunggali siya ng mga kurap, magnanakaw at mapang-abuso, na kanyang inimbestigahan at hindi tinantanan.

"Gaya ng marami, mamimiss ko ang pagkawala ng boses ni Mike Enriquez sa ating mga radyo at telebisyon.

"Sa kabila nito, mananatiling buhay ang kanyang legasiya, at ang kanyang mga kwento, biro at aral sa ating puso."

Dagdag pa niya, "Umaasa ako na darami pa ang mga broadcaster at media workers na susunod sa yapak ni sir Mike at maghahatid ng serbisyong totoo sa buong bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Paalam Mike Enriquez. Maraming salamat sa iyong paninilbihan sa inang bayan at sa industriya ng pamamahayag."

SENATOR MIGZ ZUBIRI

Isa raw si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa libu-libong Pilipinong makaka-miss sa boses ni Mike sa pagbabalita.

Read: Mel Tiangco at Vicky Morales, di napigilan ang emosyon sa pagpanaw ni Mike Enriquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa kanyang Facebook post, "Napakalaki ng legasiyang iiwan ni Manong Mike Enriquez, bilang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang mga boses sa mundo ng pagbabalita.

"Mami-miss natin gabi-gabi ang kanyang boses na nagsasabing, “walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”

"My prayers go out to his family in this difficult time. I hope that they know that he will never be replaced, and will never be forgotten.

"Paalam po, Mike Enriquez."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SENATOR JOEL VILLANUEVA

Taus-pusong pakikiramay rin ang mensahe ni Senator Senator Majority Leader Joel Villanueva sa mga mahal sa buhay na naulila ni Mike.

Read: Mike Enriquez takes medical leave from GMA TV and radio shows

Saad niya sa kanyang Facebook post, "The country’s media community has lost one of its pillars today, Sir Mike Enriquez.

"Throughout his career in broadcasting and radio, Mike Enriquez served as the voice of truth, reason and courage.

"Panalangin at pakikiramay po sa pamilya at mga kasama sa media.

"Maraming maraming salamat po, mahal ka namin Tito Mike.

"Rest in peace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SENATOR LITO LAPID

Itinuturing naman ni Senator Lito Lapid na malaking kawalan sa news and media industry ang pagpanaw ni Mike.

Read: Mike Enriquez takes medical leave from 24 Oras, GMA News duties

Aniya sa kanyang post, nawala man si Mike ay mananating buhay ang kanyang mga alaala.

"Taus-pusong pakikiramay sa mga naulila ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.

"Si Mike ay naging haligi na ng broadcast industry sa kaniyang lampas limang dekadang paglilingkod sa pamamagitan ng kaniyang mga programa sa radyo at telebisyon.

"Ang kaniyang pagpanaw ay isang napakalaking kawalan sa ating news and media industry. Mami-miss po natin ang kaniyang tinig at positibong disposisyon sa paghahatid ng balita.

"Tiyak po ang kaniyang puwang sa kasaysayan ng free press sa ating bansa.

"Paalam, Mike! Rest in Peace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SENATOR NANCY BINAY

Nagpaabot din ng pakikiramay si Senator Nancy Binay sa pamilyang naulila ni Mike.

Read: Mike Enriquez admits asking himself, "Is it time to turn off the microphone?"

Aniya sa kanyang Facebook post, "Kaisa po tayo ng buong bansa na nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ni sir Mike Enriquez.

"Isa sya sa mga haligi ng broadcast media at hindi matatawaran ang kanyang kontribusyon sa industriya ng pamamahayag.

"Paalam sir Mike at maraming salamat sa iyong serbisyong totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Risa Hontiveros on late veteran broadcaster Mike Enriquez: "Para sa maraming henerasyon ng Pilipino, ang boses ni sir Mike ang maasahang boses ng balita at komentaryo. Walang makakalimot sa kanyang nakakaenganyong tinig at paraan ng paghahatid ng balita, na naging bahagi na ng ating pang-araw araw na buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results