Nagsimula nang mag-upload ng mga bagong content ang Television and Production Exponents (TAPE), Inc. sa original Eat Bulaga! YouTube account noong Sabado, September 9, 2023.
Ang original YouTube account ng Eat Bulaga! ay ilang buwan ding hindi nagamit ng TAPE Inc.
Mayroon na itong 5.3 million subscribers sa ngayon.
Makikita sa account na naka-upload na rin ang music video ng bagong theme song longest-running noontime show na "Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga!"

Naka-upload na rin dito ang mga video clip ng mga segment ng Eat Bulaga! katulad ng “G sa Gedli,” “Ikaw ang Pinaka,” “May PaKEY Sa’yo,” “Word of the Rings,” at “Pinaka EB Happy.”

Sa ulat ng 24 Oras kinagabihan noong Sabado, kinumpirma ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham Garduque na naibalik na sa kompanya ang full access ng nasabing account.
Nawalan daw sila ng access sa YouTube account nang umalis sa kanila ang isang empleyado na hindi itinurn-over ang email address at password nito.
Dagdag pa ni Garduque, batay sa records ng YouTube, TAPE Inc. ang may-ari ng account base sa mga resibo sa paggawa ng account pati na ang bank account na naka-link dito.
Ibig sabihin nito, mapapanood na rin muli ang Eat Bulaga! sa nasabing YouTube channel sa mga susunod na araw.
Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 6 na naibalik sa TAPE ang access sa YouTube account nito matapos mapansin ng mapanuring mata ng netizens na napalitan na ang cover picture ng Eat Bulaga! YouTube account kung saan nakalagay na rito ang bagong logo ng show na umeere sa GMA-7.
Read: Did TAPE regain control of original ‘Eat Bulaga!’ YouTube channel?
TVJ CAMP CRIES “CYBERCRIME?”
Kahapon, Linggo, September 10, 2023, sa 24 Oras pa rin ng GMA-7, nagbigay ng pahayag ang kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ kaugnay ng pagsasapubliko ng TAPE ng pagkabawi nila ng control sa YouTube account ng Eat Bulaga!.
Nabahala raw sila dahil inamin ng TAPE na dati silang walang access sa YouTube channel ng Eat Bulaga!.
Iginiit din nilang ang may-ari ng account ay ang may-ari ng email na nag-register ng naturang account. Hindi ang TAPE.
Ayon kay Atty. Enrique dela Cruz, abogado ng TVJ Productions ng E.A.T. ng TV5, “We find this news very disturbing. TAPE is announcing to the public that it regained access to the Eat Bulaga! YouTube channel, this means they previously DID NOT HAVE ACCESS.

“The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. That is why they never had access to this account.”

Sa mga naunang lumabas na balita, si Jeny Ferre umano ang may likha ng YouTube account ng Eat Bulaga! at diumano'y napa-copyright pa niya ito.
Si Jeny ang dating Executive Vice-President for Production ng TAPE, na pagmamay-ari nina Romeo Jalosjos Sr. at Tony Tuviera.
Dagdag pa ni Atty. Dela Cruz, “The content of that YouTube account are past episodes of Eat Bulaga!. The copyright of those shows and all derivative works belong to TVJ.”

Pinag-uusapan na raw nila ang nararapat na legal na hakbang na maari nilang gawin laban sa TAPE.
Ayon pa sa abogado, “We are preparing the appropriate legal action against TAPE. This may constitute a cybercrime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube.”

Kinontra naman agad ito ng TAPE lawyer na si Garduque.
Pinabulaanan niyang na-hack ang nasabing YouTube account to their favor.
Pahayag ni Garduque sa pahayag na inilabas ng 24 Oras (published as is), “Tape did not hack the account. Tape will never do such a thing.
“Thus, it is not liable for cybercrime. Being the owner of the account, Tape was able to coordinate with YouTube to change the email and the password and the new contact person in behalf of the company.”

Ipinaliwanag din ni Garduque na ang hindi pinangalanang empleyado na may gawa ng account ay nakakontrata pa noon sa TAPE.
At naipakita raw nila sa YouTube ang mga katibayan na sila ang totoong nagmamay-ari ng account, pati na ang linked bank account sa nasabing channel.
"She" ang ginamit na pagtukoy ni Garduque sa hindi pinangalanang dating empleyado kaya babae nga ang may gawa nito noon.
Saad pa sa pahayag, “The person who made the account was an employee of TAPE when she made the account and she made the YouTube account in behalf of TAPE, Inc.
“Tape Inc. is ready to show the official receipts from YouTube stating that it is the one which spent to create the account.
“The bank account linked to the YouTube account is likewise owned by TAPE, Inc.”

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
