PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bugoy Cariño Responds to EJ Laure's Allegations

Bugoy: "Pag napatunayan nyo pong palamunin ako, bigyan po kita pang palamon."
by Arniel C. Serato
Published Sep 22, 2023
Bugoy Cariño denies being “palamunin” of EJ Laure's parents
Actor-dancer Bugoy Cariño uploads on TikTok a short video with fiancée EJ Laure taken at an events place in Tagaytay.
PHOTO/S: Courtesy: TikTok

Ipinagtanggol ni Bugoy Cariño ang sarili laban sa isang basher na tinawag siyang “palamunin.”

Sa TikTok nitong nakaraang Miyerkules, September 20, 2023, nagbahagi si Bugoy ng short video nila ng fiancée na si EJ Laure.

Kuha ang nasabing video sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay. Tila naghahanap na ng wedding venue ang dalawa na nakatakdang ikasal sa 2024.

Caption ni Bugoy sa kanyang post, “Mrs. Cariño kana next next year [smiling face, ring, heart emojis]”

@iambugoycarino

Mrs. Cariño kana next next year ??????????

? original sound - ?????????2000s&2010s throwbacks?

Maraming komento mula sa netizens ang post na ito ng actor-dancer.

May isang sinagot si Bugoy.

Ayon sa netizen, makapal daw ang mukha ni Bugoy dahil "palamunin" ito ng mga magulang ni EJ na sina Eddie at Jovie Laure.

Buong komento ng netizen, “Walangya naman Bugoy. Yan b muka mo ay kasing kapal n ng simento! Ma awa k ky Kuya Edie Palamon k ng pamilya”

Hamon naman ni Bugoy, patunayan ng netizen na palamunin siya. Bibigyan pa raw niya ito ng pampalamon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong sagot niya, “Pag napatunayan nyo pong palamunin ako, bigyan po kita pang palamon [laughing emoji]”

Bugoy Cariño defends self against basher

May mga iba pang hindi kaaya-ayang komento ang netizens tungkol kina Bugoy at EJ, pero wala na siyang sinagot dito.

Bugoy Cariño defends self against basher

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nagtanggol din sa kanila ni EJ.

Bugoy Cariño defends self against basher

Nitong nakaraang September 4, 2023, sa ika-21 kaarawan ni Bugoy ay nag-propose na siya kay EJ.

Mensahe niya sa partner, "Halos pitong taon na tayong magkasama pero hindi mo pinaramdam sa akin na hindi mo ako mahal.

"Araw-araw minamahal mo ako. Araw-araw pinagtitiyagaan mo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Araw-araw mahaba ang pasensiya mo sa akin.

"Araw-araw ikaw yung inuutusan ko, pero hindi ka nagrereklamo.

"Gusto ko lang sabihin at pagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napakaimportante niyo sa akin, na itong babaeng ito [EJ], papakasalan ko.

"Itong babaeng ito, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta niyo."

Pagkatapos nito ay tinanong niya si EJ: "Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?"

Sumagot naman agad ng “Yes” si EJ na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa kanilang mga bisita.

Read: Bugoy Cariño proposes to partner EJ Laure on his 21st birthday

Mayroon nang isang anak na babae sina Bugoy at EJ, si Scarlet Cariño.

Read more:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-dancer Bugoy Cariño uploads on TikTok a short video with fiancée EJ Laure taken at an events place in Tagaytay.
PHOTO/S: Courtesy: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results