PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bugoy Cariño proposes to partner EJ Laure on his 21st birthday

Bugoy to EJ: "Mamahalin kita, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 5, 2023
Bugoy Cariño proposes to EJ Laure on his 21st birthday
Bugoy Cariño on fiancée EJ Laure: "Ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay. Mamahalin kita, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo."

Simula na ang road to forever ng dating child actor na si Bugoy Cariño, 21, at ng volleyball player na si EJ Laure, 26.

Ito'y matapos mag-propose ni Bugoy kay EJ nitong Lunes, September 4, 2023, sa mismong selebrasyon ng ika-21 kaarawan ng aktor.

Sa kuhang video ng ilan sa mga bisita ni Bugoy sa kanyang birthday celebration, makikita kung paano niya isinagawa ang marriage proposal kay EJ.

Read: Bugoy Cariño defends partner EJ Laure against offensive comments from bashers

Bago lumuhod at tuluyang alukin ng kasal, ipinagmalaki muna ni Bugoy sa kanyang mga bisita kung gaano kabuti si EJ bilang partner.

Mensahe niya kay EJ, "Halos pitong taon na tayong magkasama pero hindi mo pinaramdam sa akin na hindi mo ako mahal.

"Araw-araw minamahal mo ako. Araw-araw pinagtitiyagaan mo ako.

"Araw-araw mahaba ang pasensiya mo sa akin.

"Araw-araw ikaw yung inuutusan ko, pero hindi ka nagrereklamo."

Read: Bugoy Carino recalls how he and EJ Laure hid her pregnancy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbubunyag pa ni Bugoy, matagal na niyang ipinagdarasal sa Diyos ang pagkakataong pormal na hingin ang kamay ni EJ para ito'y pakasalan at makasama habambuhay, kasama ang nag-iisa nilang anak na si Scarlet, 5.

Saad niya sa kanyang speech, "Sabi ko nga sa sarili ko, kasi pumupunta kami lagi ng Baclaran, doon kami nagsisimba.

"Three months ago, pinagpe-pray ko kay God na bigyan Niya ako ng sign kung paano ko gagawin ito.

"Sabi ko sa sarili ko, ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay.

"Kayo lang dalawa ni Scarlet ang gusto kong makasama habambuhay, hanggang sa dulo.

"Mamahalin kita, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, at lahat gagawin ko mapasaya lang kayo ni Scarlet."

Read: Bugoy Carino reveals he and EJ Laure almost had an abortion "para lang mabalik yung career ko"

Dagdag pa ni Bugoy, "Gusto ko lang sabihin at pagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napakaimportante niyo sa akin, na itong babaeng ito [EJ], papakasalan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Itong babaeng ito, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta niyo.'

Pagkatapos nito ay tinanong niya si EJ: "Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?"

Sumagot naman agad ng “Yes” si EJ na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa kanilang mga bisita.

BUGOY-EJ RELATIONSHIP

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Bugoy at EJ nang mabuntis ng dating child actor ang volleyball player sa murang edad.

Labinlimang (15) taong gulang pa lang noon si Bugoy, habang si EJ naman ay 20.

Noong una ay itinanggi pa ng dating child star ang balitang may anak na siya, bagamat inamin niyang tuloy pa rin ang relasyon nila ni EJ.

Sa isang mediacon noong November 9, 2019, sabi ni Bugoy: “Bakit ko naman po idi-deny?

“Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media. Yung girlfriend ko po, nilalabas ko po sa social media."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bugoy Cariño, itinangging nakabuntis siya kaya tinanggal sa It's Showtime

Unang bahagi ng 2018, pumutok ang balitang dalawa sa mga miyembro ng grupong Hashtags ang suspendido sa It's Showtime dahil nakabuntis umano ang mga ito.

Bawal kasi ito sa kontrata nila sa palabas at sa network.

Kalaunan, lumabas ang mga pangalan nina Jon Lucas at Bugoy Cariño na suspended indefinitely raw sa noontime show ng ABS-CBN.

Naikuwento ito ni Jameson Blake, kasamahan nina Jon at Bugoy sa Hashtags, sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 13, 2018.

Read: Jameson Blake reveals Bugoy Carino, Jon Lucas on "indefinite suspension" from It's Showtime

Hanggang noong ika-18 kaarawan ni Bugoy, tuluyan na niyang inamin sa publiko na may anak na sila ni EJ.

Read: Bugoy Cariño finally admits he has a daughter with volleyball star EJ Laure

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño on fiancée EJ Laure: "Ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay. Mamahalin kita, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results