PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes on Solo ABS-CBN Ball 2023

"It's my first-ever na solo lang. Ako lang. On cam, off cam ako lang, solo na."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 28, 2023
Andrea Brillantes on going solo at ABS-CBN Ball 2023
Andrea Brillantes on attending the ABS-CBN Ball 2023 without a date: "This is my first walk as a solo artist and not only a solo artist but as a single woman. It's my first-ever na solo lang. Ako lang. On cam, off cam ako lang, solo na."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN News YouTube

Masaya at nakangiting inanunsiyo ni Andrea Brillantes na sa kauna-unang pagkakataon ay mag-isa o solo siyang maglalakad sa red carpet ng ABS-CBN Ball.

Ang ABS-CBN Ball o Star Magic Ball ay ang annual formal gathering event para sa Kapamilya stars na gaganapin sa Shangri-La Makati sa Sabado, September 30, 2023.

Sa panayam ni Andrea sa ABS-CBN News nitong September 27, sinabi niyang kumpara noong mga nagdaang taon, ngayon ay mas excited siyang rumampa sa red carpet na mag-isa at walang kasamang ka-love team o kasintahan.

Aniya, "This is my first walk as a solo artist and not only a solo artist but as a single woman.

"It's my first-ever na solo lang. Ako lang. On cam, off cam ako lang, solo na."

Taong 2019 nang unang dumalo si Andrea sa ABS-CBN Ball. Kasama niya noon ang former real-and reel life boyfriend na si Seth Fedelin.

Read: Seth Fedelin reacts to Andrea Brillantes's breakup with Ricci Rivero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong March 2023 naman ay dumalo siya sa Star Magic Prom kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

Read: Andrea Brillantes on ex-boyfriend Ricci Rivero: “Okay akong magkita kami.”

Ngayong mag-isa lang siyang rarampa, nakatitiyak daw si Andrea na mag-e-enjoy siya.

Aniya, "I’m really excited about the Ball because the last time, parang 16 years old pa lang ako nun.

"Ayun yung first Ball ko, and parang it was really super great experience for me because I was super young.

"And nadala lang ako sa pressure, hindi pa ako sanay. That was my first red carpet. Hindi ko pa gamay yung mga ganun.

"So, nadala lang talaga ako sa pressure and I didn’t have fun nun, kasi bagets lang talaga ako nun.

"Now naman, parang mas prepared na ako. Mas alam ko na yung mga galawan sa mga ganyan, makapag-ilang gown naman na ako.

"So, ngayon, I’m really excited kasi feeling ko mas kaya ko nang mag-enjoy ngayon and mas mature na ako. So, hindi na pressure yung nagpapaandar sa utak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes opens up to American singer Sabrina Carpenter about guy who "kind of ruined my reputation"

Pinili raw ni Andrea na maglakad mag-isa dahil gusto niyang ipakita kung gaano siya katatag bilang babae sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan.

"Ito yung time ko, e. Ito yung first time kong maglalakad as solo artist.

"Gusto ko magka-moment ako na ayoko nang i-share sa mga lalaki, ayoko na," diin niya.

Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

Malaking bagay rin daw ang mga pinagdaanan niyang kasawian sa love life para siya'y maging mas matapang at matatag.

"I'm pretty sure na napakalaking impact sa akin yung mga past relationships ko na talagang na-realize ko na, 'Oh my God, ayokong sayangin yung oras ko at yung efforts ko na dapat binibigay ko lang lahat sa sarili ko.'

"Kasi hindi lahat worth it, e."

ANDREA CLARIFIES REAL SCORE WITH KYLE ECHARRI

Sa nasabing panayam, nabanggit din ni Andrea ang tungkol sa kanila ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa young actress, hindi lang sila malapit na magkaibigan kundi super-close.

Read: Andrea Brillantes, Kyle Echarri FIBA kiss cam moment brings kilig vibes

Nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto (2018), kung saan ang ka-love team noon ni Kyle ay si Francine Diaz at si Andrea naman ay ipinareha kay Seth.

Paglilinaw ni Andrea, magkatrabaho lang sila ni Kyle at hindi sila magka-love team ngayon.

Aniya, "We really established that we're not a love team.

“We’re trying to establish that, kasi hanggang ngayon, a lot of people are still pairing us together."

Read: Francine Diaz on possibility of real-life romance with Seth Fedelin: "Kung kami talaga, e, di kami."

Ito rin daw ang isang dahilan kung bakit hindi sila magkasama sa ABS-CBN Ball dahil ayaw nilang mabahiran ng kahit anuman ang kanilang pagkakaibigan.

Ani Andrea, “Sa show namin [Senior High] that’s okay kasi kailangan ng love interest bawat show, lalo na kung yung show is heavy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, hindi po talaga. We're not really a love team.

"We're just really close and we enjoy each other's company, pero hindi kami love team.

“So, ayaw naming maglakad din together kasi baka mas isipin pa ng tao na love team kami.

“Baka umasa pa yung fans namin, kasi ayaw din namin silang masaktan. Kasi wala rin namang kasiguraduhan if after Senior High kami pa rin yung magkasama."

Dagdag pa ni Andrea, “Ayaw lang din naming magpaasa ng ibang tao.

“Solo artist si Kyle, solo artist ako.”

Read: Andrea Brillantes clarifies she and Kyle Echarri are not a love team

Sa huli, nilinaw rin ni Andrea, na masaya ang puso niya kahit single siya ngayon.

"Honestly, wala naman [nanliligaw]. I'm very much single and happy."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes on attending the ABS-CBN Ball 2023 without a date: "This is my first walk as a solo artist and not only a solo artist but as a single woman. It's my first-ever na solo lang. Ako lang. On cam, off cam ako lang, solo na."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN News YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results