Mariing pinabulaanan ng Careless Music representative ang haka-hakang umalis na sa kanilang poder ang aktres na si Liza Soberano.
Ang Careless Music, isang record label at talent management company, ang namamahala ngayon sa career ni Liza.
Ang actor-singer na si James Reid ang isa sa mga may-ari nito, kasosyo ang Careless Music CEO na si Jeffrey Oh.
Nagsimulang umugong ang haka-hakang kumalas na si Liza sa Careless Music nang mapag-usapan sa Marites University sa YouTube, noong October 18, 2023, ang tungkol sa Hollywood movie ng aktres na Lisa Frankenstein na nakatakdang ipalabas sa February 2024.
Read: Liza Soberano tells how she landed role in Hollywood movie "Lisa Frankenstein"
Dito rin nabanggit ng isa sa mga host na si DJ JhaiHo na may nakausap siyang source na nagsasabing ang tiyahin na ni Liza ang nagma-manage ngayon sa showbiz career ng aktres.
Ang tiyahin na sinasabi ni DJ JhaiHo ay ang "Tita Jonie" ni Liza. Ito ang tumayong road manager at personal assistant ni Liza nang mahabang panahon.
Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management
“Ayon po sa aking very reliable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza under the management of Careless and also even kay James, wala na raw,” ani DJ JhaiHo.
Dagdag pa niya, “Parang ang sabi, 'Sa Careless, hindi na siya mina-manage, kung hindi Tita niya na ulit ang nagma-manage sa kaniya.'”
Read: Liza Soberano says sorry and thank you to ABS-CBN, Enrique, Ogie, Tita Joni, fans
Pinabulaanan naman ito ng Careless Music.
Sa ipinadala nilang maikling pahayag sa ABS-CBN News, nitong October 25, sinabi nilang hindi totoong wala na si Liza sa kanilag poder.
“Liza Soberano is still with Careless Music. No statement on the rumor. Thank you for clarifying," anila.
Pumirma ng kontrata si Liza sa Careless noong June 2022 matapos niyang hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager niyang si Ogie Diaz.
Read: The times Liza Soberano's quotes made headlines
READ MORE:
- Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."
- Ogie Diaz reacts to Liza Soberano’s revelation that he still gets commission from her
- Liza Soberano’s Tita Joni reacts to commission issue: “Basta ako po ay hindi mukhang pera.”
- Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”
- Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
