Umamin ang beauty queen-actres na si Kylie Verzosa na in a “private relationship” siya ngayon.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Kylie, sinabi niyang non-showbiz ang nasabing lalaki at hindi rin ito Pilipino.
Saad ng Miss International 2016, “I'm so happy, I'm so happy.
“Honestly, I want to keep it private this time, so it's a private relationship and it's so much more peaceful.
“It's really, really peaceful.”
Kailan naman kaya niya ito ipakikilala sa publiko?
Tugon ni Kylie, “I don't know.
“Siguro ano, when I would want to show it. But right now, I'm so happy.”
Ang huling nakarelasyon ni Kylie ay ang aktor na si Jake Cuenca.
Umabot ang kanilang relasyon ng three years bago sila maghiwalay noong April 2022.
Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa
Sabi noon ni Kylie sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, akala niya ay si Jake na ang kanyang makakatuluyan.
Aniya, “Akala ko siya na. Alam mo yung ganun? Hindi masyado.
“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other.
“Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya.”
Read: Kylie Verzosa finally opens up about breakup with Jake Cuenca: "Akala ko siya na."
Si Jake ay nauugnay ngayon kay Chie Filomeno.
Read: Jake Cuenca counts Chie Filomeno as "the one that got away"
