PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens Flock to Melissa Gibbs' Last IG Post with Dad Ronaldo Valdez

Melissa Gibbs had a post with father Ronaldo Valdez just two weeks ago
by Bernie V. Franco
Published Dec 19, 2023
Melissa Gibbs and Janno Gibbs with dad Ronaldo Valdez
Melissa Gibbs posts bonding moment with dad Ronaldo Valdez and brother Janno Gibbs on December 3, 2023, less than two weeks before the veteran actor's passing.
PHOTO/S: @melissagibbspabs on Instagram

Ang pagpanaw ng veteran actor na si Ronaldo Valdez ang nag-udyok sa netizens na bumisita sa Instagram account ng kanyang anak na si Melissa Gibbs, dating singer at aktres.

Dito bumaha ng pakikiramay kay Melissa dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.

Pumanaw si Ronaldo nitong December 17, 2023.

Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez

Ang huling post ni Melissa kasama ang ama ay noong December 3, 2023. Kasama rin dito ang nakatatandang kapatid ni Melissa na si Janno Gibbs.

Tila nagkita-kita ang mag-aama para sa isang dinner para sa kanilang family bonding.

Ang caption pa ni Melissa ay tungkol sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o kilala bilang KathNiel.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Caption ni Melissa sa larawan kasama ang ama: “Tinatanong ko si Lolo Sir anuba talaga nangyare kay KATHNIEL”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa ginamit na emojis ni Melissa na nalungkot siya sa breakup at marahil ay hinahangaan ang dating showbiz couple.

Si Ronaldo ay naging malapit sa KathNiel, partikular kay Kathryn, dahil sa ABS-CBN teleseryeng 2 Good 2 Be True. Sa seryeng ito lubos nakilala si Ronaldo sa tawag na "Lolo Sir."

Read: Kathryn Bernardo, Dimples Romana, Gary Valenciano, other celebs mourn death of veteran actor Ronaldo Valdez

Sa comments section, nagpalitan ng happy at heart emojis ang magkapatid na Janno at Melissa, indikasyong espesyal para sa kanila ang makasama ang tatay.

May netizen pang nagtanong kung “Marites” ba si Ronaldo.

“Hindi eh,” sagot ni Melissa.

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

RONALDO AS A LOVING FATHER

Noong October 2017, nag-guest sina Ronaldo at Melissa sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.

Sa episode na ito ay nagkuwento si Melissa kung paano si Ronaldo bilang isang ama.

Ayon kay Melissa, “iyakin” ang kanyang ama at madaling tumulo ang luha kahit sa reading pa lang ng script.

Dagdag niya, "Napakabait, sobrang fun. Sobrang sayang kasama, parang barkada nga. And napaka-loving. Best father in the world.

"Habang lumalaki, family man talaga kasi siya talaga. Inuuna talaga niya kaming mga anak niya."

Melissa Gibbs and father Ronaldo Valdez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginawang halimbawa pa rito ni Ronaldo na hinihikayat siyang bumili ng sasakyan, at ang unang ikinunsidera niya ay kung makakaya bang i-drive ito ni Melissa. Indikasyong ang una niyang isinasaalang-alang ay kapakanan ng anak.

Muling nag-guest sa parehong talk show si Ronaldo noong 2018, kasama naman ang panganay na si Janno.

Ikinuwento rito ni Janno ang di malilimutang natutunan sa ama.

Sabi ni Janno, "After niyang magalit, siya pa ang lalapit at magso-sorry sa akin. Kahit maliit pa ko, ha. Away kami, pinagalitan kami. Iyak kami don. Siya ang papasok sa room at magso-sorry."

Ang ganitong pagpapalaki raw sa kanila ay ginagawa ni Janno sa kanyang mga anak.

Mensahe ni Janno sa ama, "I want to thank you, Papa, for being the best dad that you can be. Kung anuman ako ngayon bilang tao, bilang parent, and bilang artista I owe it to all to you..."

Ronaldo Valdez and son Janno Gibbs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Gibbs posts bonding moment with dad Ronaldo Valdez and brother Janno Gibbs on December 3, 2023, less than two weeks before the veteran actor's passing.
PHOTO/S: @melissagibbspabs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results