Hindi napigilang maging emosyunal ni Cherry Pie Picache nang hingan ng reaksiyon sa biglaang pagpanaw ng multi-awarded veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Sa grand mediacon ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2023 entry na Firefly noong Martes, December 19, 2023, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Cherry Pie.
Dito, naging emosyunal siya nang mabanggit ang pangalan ni Ronaldo, na ayon sa kanya ay isa sa pinakamabait na artistang nakilala niya.
Read: QCPD: Ronaldo Valdez found with gunshot wound
Nabigla raw si Cherry Pie sa nangyari sa aktor.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwalang wala na ang isa sa beteranong aktor na malapit sa puso niya.
"Actually, hindi pa ako nagpu-post.
"If there are any senior actors na medyo, you know, I can say that, you know, I got kind of close with, isa si Tito Ron don.
"Hindi pa nga ako nagpu-post kasi [ayoko pang i-entertain], tsaka anong sasabihin ko?" saad ni Cherry Pie habang pinipigilang pumatak ang kanyang luha.
Read: John Estrada, Jake Cuenca, Sherilyn Reyes fondly remember Ronaldo Valdez
Sina Cherry Pie at Ronaldo ay nagkasama sa ilang teleserye sa ABS-CBN katulad ng Ina, Kapatid, Anak (2012) at Ikaw Lamang (2014).
Read: Yayo Aguila recalls last conversation with Ronaldo Valdez
Sabi pa ni Cherry Pie, ang pagkamatay ni Ronaldo ay malaking dagok sa showbiz industry dahil nabawasan na naman ang mga artistang pagpipilian upang gampanan ang mga karakter na sila lamang ang makapagbibigay-buhay.
Saad ng aktres, "Pinag-uusapan namin madalas, di ba, sa mga co-actors, ngayon, lalo na kapag senior actors, ang hirap-hirap na.
"Parang wala ka nang mahanap na sino papalit?
"Napag-usapan namin yun, recently lang. Parang, sabi namin, katulad with the likes of Tito Ron, sino? Di ba?
"Ang konti na lang nila. Kaya sobrang nakakalungkot."
Read: Ronaldo Valdez's talent manager cries foul over unauthorized release of late actor's sensitive video
Tanging hiling daw ni Cherry Pie ay ang kapayapaan ng kaluluwa ni Ronaldo kung saan man ito naroroon ngayon.
Aniya, "Let's just pray for him. He will be missed, definitely. "
Pumanaw si Ronaldo sa edad na 77 noong Linggo, December 17.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Hanggang ngayon ay hindi pa naisasapubliko ang sanhi ng pagpanaw ng beteranong aktor.
Read: PNP dismisses 2 QCPD personnel for allegedly leaking Ronaldo Valdez crime scene footage
