PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Producer Baby Go eyes Jillian Ward, Carmina Villarroel for next movie

"...gusto ko ngayon yung sa Abot Kamay na bata.”
by Rommel Gonzales
Published Jan 27, 2024
Producer Baby Go wishes to produce a project for Carmina Villarroel and Jillian Ward
Producer Baby Go (L) wishes to produce a movie project for Carmina Villarroel and Jillian Ward, who are both the current lead stars of the GMA-7 dramaserye Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Rommel Gonzales; PR

Labis na ikinatutuwa ng movie producer na si Baby Go, may-ari ng BG Productions International, ang muling pagdagsa ng mga tao sa mga sinehan.

Lahad niya, “Siyempre very happy kasi nabuhay ulit ang movie industry.”

Sa dami na ng mga artista na naipag-produce na niya ng pelikula, sino pa ang nais niyang igawa ng proyekto at bakit?

Pag-amin niya, "Marami akong gustong artista sa ngayon, e. Kaya lang siyempre aabangan mo na lang kung sino yung pinakamadaling kausap.

"Sa ngayon kasi, yung mga dating artista ko, parang nandiyan lang sa paligid. Pero gusto ko ngayon yung sa Abot Kamay na bata.”

Si Jillian Ward, na pinagbibidahan ngayon ang top-rating GMA-7 series na Abot Kamay Na Pangarap bilang si Analyn Santos, ang tinutukoy ni Baby.

Read: Jillian Ward nagregalo ng car sa handler; happy na until 2024 ang Abot-Kamay na Pangarap

Dagdag pa ni Baby, “Tsaka si Carmina.”

Ina naman ni Jillian sa naturang serye si Carmina Villarroel bilang si Lyneth Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carmina Villarroel to son Mavy Legaspi: “Tatay and I are just happy that you're back.”

Ayon pa kay Baby, may nakaplano na sila ni Dennis Evangelista na gawing pelikula tampok sina Carmina at Allen Dizon, na nasa cast rin ng Abot Kamay Na Pangarap bilang si Carlos Benitez.

Read: Allen Dizon, niregaluhan ng kotse ang sarili mula sa TF sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Si Dennis ay isang line producer at manager din ni Allen.

BABY GO AS A BUSINESSWOMAN

Samantala, bukod sa pagiging producer, na nagsimula sa film production noong 2013, isa ring businesswoman si Baby.

“May mga housing project po kami,” pakli ni Baby.

"Nagsimula po ako sa real estate bago ako pumasok sa showbiz. Nag-produce ako sa sarili kong pera, wala akong naging partner, at iyong aking pagpo-produce, galing po sa pinaghirapan ko sa real estate, buy and sell, pagbu-broker.

“Marami pa akong kuwento, siguro abangan na lang sa life story ko na gagawin naming pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BABY GO'S LIFE STORY

Sino ang aktres na gaganap bilang Baby Go sa autobiographical film na ipo-produce niya?

Sabi niya, “Dati may pangarap ako, e, si Rio Locsin, dati-dati. Tapos siyempre, wala lang, may nakita kang iba, meron din, hindi ko pa po masasabi.”

Matagal pa naman daw kasi bago niya gawin ang pelikula tungkol sa buhay niya.

“Kapag wala na akong proyekto, saka ko siya gagawin. Marami pa akong proyekto na naka-line up.”

Interesting daw ang mga pinagdaan niya sa buhay.

“Galing ako sa probinsiya, sa Dumaguete, pumunta ako dito [sa Maynila], nag-asawa nang maaga,” pahapyaw na kuwento niya.

Biyuda na si Baby. Pumanaw ang mister niyang Chinese noong December 2020 dahil sa kumplikasyon sa kidney. May apat silang anak at anim na apo.

Wala na siyang balak na muling mag-asawa.

“Wala akong pangarap kasi busy ako sa trabaho, e,” pakli ni Baby.

"Pero hindi ako magsasalita nang tapos, kung merong makakapuso sa akin at mabait at kaya akong buhayin, bakit hindi?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kung siya pa raw ang bubuhay sa lalaki ay huwag na lang raw. Mas nanaisin pa niya na tumutok sa kanyang charity works.

Aniya, “Mas maganda yung tumulong ako sa mga taong nangangailangan.”

May Peace Care (PC) Good Heart Foundation si Baby na may mga medical missions.

Ang mga pelikulang una niyang sabak sa showbiz bilang producer ay ang Laureana nina Bangs Garcia at Allen Dizon, at ang Lihis nina Lovi Poe, Jake Cuenca, at Joem Bascon.

BABY GO BACK TO PRODUCING FILMS

Nagbabalik sa pagpo-produce ng pelikula si Baby.

Read: Indie film producer Baby Go na-inspire mag-produce muli dahil sa MMFF 2023

Pansamantala siyang huminto sa film production simula noong 2021.

Ito ay matapos niyang i-produce ang mga pelikulang Latay nina Lovi Poe, Allen, at Snooky Serna, at ang AbeNida nina Allen at Katrina Halili.

Read: WEDDING ALBUM: Lovi Poe and Monty Blencowe

Ani Baby sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, malapit na raw ipalabas ang AbeNida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Itong month na ito, naghahanap lang ng playdate si Dennis, yung line producer ko."

At sa muling pagiging aktibo ni Baby sa pelikula ay may gagawin na naman daw siyang isang proyekto.

“May collaboration po kami ni Atty. Topacio,” pagtukoy naman niya sa abogadong si Ferdinand Topacio ng Borracho Films.

Tinanong namin si Baby kung ano ang kaibahan niya sa ibang producers.

Lahad ni Baby, "Sa akin naman, para sa akin wala akong pagkakaiba sa ibang producer. Ang kaibahan lang sa akin, minsan nag-i-stop ako sometimes."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Producer Baby Go (L) wishes to produce a movie project for Carmina Villarroel and Jillian Ward, who are both the current lead stars of the GMA-7 dramaserye Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Rommel Gonzales; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results