Nagsalita na ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings hinggil sa isyung nasasapawan umano nila ni Maris Racal ang mga bidang sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa ABS-CBN primetime series na Can't Buy Me Love.
Bukod sa tambalan nina Donny (Bingo) at Belle (Caroline), tinatangkilik at sinusubaybayan din ang nabuong love team nina Anthony (Snoop) at Maris (Irene) o mas kilala sa tawag na SnoRene.
Read: Binge-watch DonBelle series and movies online
Ngunit sa likod ng tagumpay ng serye, may fans at netizens na pinagsasabong ang SnoRene at ang tambalang DonBelle sa social media.
May ilang fans kasi ang nagrereklamo na tila dumadami ang mga eksena nina Anthony at Maris, at nasasapawan na umano nila sina Donny at Belle.
Sa ginanap na intimate mediacon noong February 7, 2024, natanong si Anthony ng PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) at iba pang piling miyembro ng press tungkol sa isyung ito.
Read: DonBelle's Can't Buy Me Love main cast and their roles
Ayon sa aktor, nababasa niya sa social media ang hinaing ng ilang fans ng DonBelle, ngunit imbes na damdamin ay ipinagwawalang-bahala na lang daw niya ito.
Alam daw kasi niya sa kanyang sarili na wala siyang ibang hangad kundi mapaganda ang kanilang teleserye.
Saad ni Anthony, "Hindi ko naman binabasa lahat [ng comments]. Para sa akin kasi, focus ka sa craft at ginagawa mo.
"May mga naririnig ako at nagsabi sa akin ng ganun nga, [pero] para sa akin, sinasabi ko rin kina [Donny at Belle] na, 'Huwag niyong pansinin yun. Magkakaibigan lang tayo dito.' At wala namang sapawan sa amin.
"Yung casuals, sila ang nagsasabi nun. Pero kami, mahal namin ang isa’t isa.
"Wala kaming ganun na mabigat ang pakiramdam sa isa't isa. Wala kaming ganun na mabigat na feelings."
Read: Maris Racal, aliw ang character sa Can't Buy Me Love
Hindi rin naman daw minamasama nina Donny at Belle ang paglayag ng tambalan nina Anthony at Maris sa Can't Buy Me Love.
Paliwanag ni Anthony, "Ganun naman dapat talaga, e, kailangan magtulungan kayo doon, e.
"Alam mo, sa isang project, hindi puwedeng isa lang ang gumagawa, kailangan nagtutulungan kayo. Paano mo mabubuo ang istorya kung kayo lang? Kailangan may mga connections.
"Ganun naman talaga, e, hindi mo naman talaga ma-please ang maraming tao."
UNEXPECTED CHEMISTRY WITH MARIS
Aminado si Anthony na noong una ay na-intimidate siyang makatambal si Maris.
Alam daw kasi niyang magaling itong aktres, at noon pa man ay napapanood at hinahangaan na niya ito.
Lahad ni Anthony, "Una kaming nagkita, presscon.
"Pero noong una kaming nagkaeksena, doon kami nagkaroon ng interaction talaga.
"Ayun yung eksena na nahulog siya at sinalo ko siya, ayun yung unang eksena ko sa kanya kaya kabado ako.
"Siyempre si Maris yon, e. Kilala ko siya, napapanood ko na si Maris. Kaya napapatanong ako sa sarili ko na, 'Paano ko gagawin to?'
"E, si Direk Cathy [Garcia-Sampana] naman yung nagdirek nun, sabi niya, 'Sige, ako bahala, saluhin mo lang tapos ibalibag mo.'
"Siyempre nagpaalam naman ako kay Maris bago gawin yon. That time, nakita ko naman na magaan kausap si Maris, feeling ko magwu-work naman kaming dalawa.
"After nun, sabi ko sa kanya, 'Magkakaroon pa raw tayo ng eksena sabi ni Direk.'
"Excited ako, siya rin naman excited din. Natuwa rin naman siya sa outcome nung unang eksena namin.
"Nakakatuwa lang kasi si Maris magaling siya, charming, sobrang saya at sarap niyang kaeksena. Magaling siyang kabatuhan ng lines.
"Nape-pressure nga ako minsan, e, kasi sabi ko, 'Hindi nagba-buckle to.'"
Dagdag pa ni Anthony, "Sobrang nagpapasalamat lang din ako na siya ang naka-partner ko dito sa Can't Buy Me Love. Ang galing, e, nag-work."
Read: Gladys Reyes praises Maris Racal's work ethic
Sa huli, ibinahagi rin ng Kapamilya actor angsikreto sa unexpected chemistry nila ni Maris kaya tinatangkilik sila ng mga manonood.
Aniya, "Sa amin kasi, nagpi-fit kasi yung character namin sa amin, sa personality naming dalawa.
"Siguro mas nag-work yung totoo ka, yung hindi ka nagpapakita ng wall.
"Parang ang saya sa amin, may freedom kami kung ano gagawin namin and nagwo-work siya, e, hindi mabigat sa amin."
Read: Anthony Jennings on biggest regret in life: "Hindi ako nag-aral. Hindi ako marunong magsulat."
