Nagbigay-pugay si Jake Ejercito sa batikang aktres na si Jaclyn Jose, na pumanaw dahil sa heart attack nitong March 2, 2024.
Si Jaclyn ay 60.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
Read: Andi Eigenmann reveals cause of death of mom Jaclyn Jose
Ipinost ni Jake sa lahat ng kanyang social media platforms ang throwback picture ni Jaclyn na kasama ang toddler pa noong si Ellie.
Kalakip ng photo ay brokenheart emoji, indikasyon ng pagluluksa ni Jake.
Si Ellie, 12, ay anak ni Jake sa dating girlfriend na si Andi Eigenmann, anak ni Jaclyn.

Jake Ejercito posts throwback photo of the seasoned actress and her granddaughter Ellie.
Nabanggit din sa report sa tabloid na Bandera ngayong Lunes, March 4, na isa si Jake sa mga unang nagpunta sa burol ni Jaclyn sa isang memorial chapel sa Quezon City.
Maging si Ellie, nag-post ng throwback photos kasama ang kanyang lolang si Jaclyn.
Isa na rito ang larawan nilang maglola na tumatawa. May hawak na tasa si Jaclyn at nakabungisngis ang toddler na si Ellie.
Ipinost din niya ang kissing photo nilang maglola.


Ellie posts sweet photos of her and grandmother Jaclyn
May ilang videos ding ipinost si Ellie mula sa ibang tao na nagpahayag ng kalungkutan hinggil sa pagpanaw ni Jaclyn.
Sina Jake at Andi ay naghiwalay noong 2014 matapos ang apat na taong on-and-off relationship.
Read:
- Jake Ejercito responds to netizen's comment on his breakup with Andi Eigenman
- Jake Ejercito says Andi Eigenmann has been a "great co-parent"
Si Andi ay masaya na sa piling ng karelasyong si Philmar Alipayo at nakabase sa Siargao.
Sa kabila nito, patuloy ang co-parenting nina Jake at Andi para sa kapakanan ni Ellie.
Sinabi ni Jake sa recent interview ni Ogie Diaz na si Ellie ang nagdedesisyon kung kailan niya gustong pumunta ng Maynila para makasama ang ama, at kung kailan niya gustong magpunta ng Siargao para makasama ang ina at mga kapatid.
Sinabi rin ni Jake na bagamat hindi sila best of friends ni Andi, bukas ang kanilang komunikasyon kapag kapakanan ni Ellie ang usapan.
