PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto on Julia and Bea's interaction at Mr. M party

Claudine Barretto: "Knowing Bea also, alam ko wala na iyon sa kanya."
by Arniel C. Serato
Published Mar 21, 2024
Claudine Barretto reacts on Julia-Bea interaction
Claudine Barretto on niece Julia Barretto's interaction with Bea Alonzo: "That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang. Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya. Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, 'Hindi, sama siya sa akin.'"
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook / TikTok

Masaya raw si Claudine Barretto na tila nagkaayos na ang pamangkin niyang si Julia Barretto at si Bea Alonzo.

Nakunan ng video ang pagbebeso at pagyayakapan nina Bea at Julia sa tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, o mas kilalang si Mr. M, sa Marriott Hotel noong Sabado, March 16, 2024.

Kabilang din si Claudine sa tinatayang 100 artista na dumalo sa naturang okasyon.

Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party

Iyon ang unang pagkakataong nakita sina Bea at Julia na nagkaroon ng interaksiyon mula nang masangkot sila sa kontrobersiya noong 2019.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Claudine na lumabas ngayong Huwebes, March 21, kinunan siya ng pahayag tungkol sa pagkikita nina Bea at Julia sa party para kay Mr. M.

"Sobrang na-happy ako doon," sambit niya.

“That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya.

"Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, hindi, sama siya sa akin."

Sa palagay rin ni Claudine ay matagal nang naka-move on si Bea sa isyu nilang dalawa ni Julia.

“Pero knowing Bea also, alam ko wala na iyon sa kanya,” saad pa ng aktres.

JULIA BARRETTO-BEA ALONZO RIFT

Nasangkot sa matinding intriga sina Bea at Julia dahil sa kanilang ugnayan sa aktor na si Gerald Anderson.

Dating magkasintahan sina Bea at Gerald na nauwi sa hiwalayan noong 2019.

Read: PEP.ph Yearender 2019: Bea-Gerald-Julia, Barretto sisters, other top celebrity newsmakers

July 21, 2019, nang mag-post si Bea sa Instagram ng isang cryptic statement.

Sabi niya, "You can't make the same mistake twice, the second time you make it, it's not a mistake anymore, it's a choice. ENOUGH."

Read: Bea Alonzo posts cryptic message on Instagram; fuels rumors of breakup with Gerald Anderson

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nung mga panahong iyon ay may bulung-bulungang nagkakamabutihan si Gerald at ang leading lady niya sa pelikulang Between Maybes na si Julia.

Noong July 26, 2019, naglabas ng saloobin si Bea sa media at kinumpirma niyang wala na nga sila ng aktor. Pero hindi raw malinaw ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

"Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me," himutok ni Bea.

Read: Bea Alonzo on being ghosted: It is the most painful, most empowering, most beautiful thing that could happen to a woman

Sa pagtatapos ng relasyon nina Gerald at Bea ay agad nabaling ang atensiyon ng publiko kay Julia.

Itinuro siyang third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Ang pagiging close ni Julia kay Gerald ang siyang itinuturo ring dahilan kung bakit nauwi sa breakup ang relasyon ng aktres kay Joshua Garcia.

Sa isang Instagram post noong August 2019 ay itinanggi ni Julia na may kinalaman siya sa pagtatapos ng relasyon nina Bea at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang pahayag: "I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup.

"I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald.

"Their issues are entirely their own."

Read: Julia Barretto trends on Twitter after posting statement about Bea-Gerald breakup

Matapang ding pinangalanan ni Julia si Bea at sinita ang aktres dahil sa diumano'y mga patama nito sa kanyang social media post.

Bukod sa cryptic posts ni Bea ay napansin ng netizens na nagla-like si Bea sa mga post o balita online na nagsasabing may affair sina Julia at Gerald.

Sabi ni Julia, "Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.

"You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying

Dalawang taon matapos nito ay kinumpirma ni Gerald sa interview kay Boy Abunda na girlfriend nga niya si Julia.

Buong-pagmamalaking sinabi ni Gerald na "very happy" siya sa piling ni Julia.

Read: Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto: “It’s a yes.”

Matapos iyon ay naging bukas na sa publiko ang relasyon nina Gerald at Julia.

Samantalang si Bea naman ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa piling ng aktor na si Dominic Roque.

Read: Bea Alonzo finally confirms relationship with Dominic Roque

Pero naghiwalay rin ang engaged couple nitong unang bahagi ng 2024.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on niece Julia Barretto's interaction with Bea Alonzo: "That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang. Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya. Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, 'Hindi, sama siya sa akin.'"
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results