PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina hits back at critic for Jerald Napoles insult.

Kim Molina: "Ano ba problema niyo sa pagiging “kargador”..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 23, 2024
Kim Molina slams basher of Jerald Napoles
Kim Molina (right) responds to basher saying her boyfriend Jerald Napoles (left) is "mukhang karador": "Ano ba problema niyo sa pagiging “kargador” eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw araw. Hindi ito dapat ikahiya."
PHOTO/S: Kim Molina Facebook

Hindi na nakapagtimpi ang singer-actress na si Kim Molina na palagan ang isang basher na tinawag na "mukhang kargador" ang boyfriend niyang si Jerald Napoles.

Sa Facebook ni Kim noong March 20, 2024, ipinost niya ang screenshot ng panlalait ng basher kay Jerald, maging ang pagbuwelta ng aktres sa aniya'y pambabastos hindi lamang sa kanyang nobyo kundi maging sa lahat ng taong hanapbuhay ito.

Mababasang comment ng basher, "Na 6* na po ba kayo ng jowa mong mukhang kargador?"

Buwelta ni Kim (published as is), "Una sa lahat, BASTOS KA.

"Alam kong fake account ‘yan na malamang ginagamit mo lang para mambash at makapagcomment dahil hindi mo kayang gawin gamit ang totoong pangalan mo. Takot ka rin kasi kaya nagtatago ka dyan. What a sad life you have.

"Pangalawa, trivia para sayo...Alam mo bang totoong naging kargador si Jerald Napoles noon?"

Read: Jerald Napoles, naglabas ng saloobin sa pagkakaroon ng hiwalay na mga magulang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa pa ni Kim, hindi niya alam kung bakit sa iba ay ginagawang katatawanan ang pagiging isang kargador, gayong marangal na trabaho naman daw ito.

Hindi rin daw niya ikinakahiyang sabihin na ganito ang trabaho ni Jerald noon bago pa man nito marating kung ano man ang mayroon siya ngayon.

Ani Kim, "YES. Isa yun sa mga trabahong pinasok niya nung hindi pa siya nag-aartista, bago pa mag teatro.

"Nag-extra sa pagiging kargador ng mga ela sa Divisoria. Isang marangal na trabaho pandagdag kita sa araw-araw. Proud ako sa lahat ng pinagdaanan ni Je kaya hindi ko gets bakit parang may halong mali ang term na ‘yan sa iba

"Nothing's even wrong with it so. Don't even try to be defensive and say "huh? wala naman akong sinabing mali," cause I'm not stupid to read between the lines."

Read: Jerald Napoles at Kim Molina, nakalipat na sa naipundar na bahay ng aktor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Someone needed to speak out, and so I did."

Sa caption ng nasabing Facebook post, sinabi ni Kim na hindi dapat pinapalampas ang mga ganitong komento dahil tulad ng ibang propesyon ay may malaking gampanin din daw ang mga kargador sa pang-araw-araw nating buhay at pangangailangan.

Mensahe niya, "People who casually comment things like this. At sa mga magsasabing “wag mo kasi pansinin”, MY POINT IS WAY BEYOND THAT.

"Ano ba problema niyo sa pagiging “kargador” eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw araw.

"Hindi ito dapat ikahiya. Kung wala sila, sige, ikaw magbuhat ng sarili mong box na sandamakmak, ikaw maghalo ng sarili mong semento, ikaw magtapon ng sarili mong truck ng basura, ikaw mag pukpok ng sarili mong kabinet at ikaw bumuo ng sarili mong bahay o building gamit ang sarili mong kamay.

"DO NOT UNDERESTIMATE THE IMPORTANCE OF THOSE PEOPLE WORKING FOR US."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kim Molina claps back at basher over malicious comment: "Pakabastos mo eh."

Pinipilit daw ni Kim na huwag nang pumatol sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanila ni Jerald, pero ibang usapan na raw kung below the belt na ang mga tirada.

Saad niya, "May nag comment na pag nasa social media raw, wag balat sibuyas. Basically hayaan na lang.

"Well totoo naman din sinabi niya. Pero ulitin ko lang at copy paste ko nalang reply ko doon: Hindi po ako balat sibuyas.

"Kung iisa isahin ko lahat ng natatanggap naming dummy bash araw araw, baka crispy onion rings na handa namin errrrday. lol.

"With this post I’m pointing out the unfair entitlement of people belittling hands-on laborers.

"Someone needed to speak out, and so I did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jerald Napoles rebuffs bashers commenting Kim Molina not “pretty, like a goddess” to play Zsazsa Zaturnnah

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina (right) responds to basher saying her boyfriend Jerald Napoles (left) is "mukhang karador": "Ano ba problema niyo sa pagiging “kargador” eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw araw. Hindi ito dapat ikahiya."
PHOTO/S: Kim Molina Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results