Si Kim Chiu ang dapat isasalang bilang searcher sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime noong April 6, 2024.
Ito ang kinumpirma ng dalawang sources sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pero hindi ito natuloy dahil ang umupo bilang searcher ay si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Sa huli, ang napili ni Michelle na maka-date sa tatlong searchees ay ang Cebuano lawyer na si Oliver Moeller, 32.
Read: Oliver Moeller: ‘It’s Showtime’ dating game contestant trends online
Nitong Martes, April 17, o dalawang linggo matapos mangyari ang dating segment, muling bumisita si Oliver sa It’s Showtime studio.
Tinukso pa nga ng host na si Vice Ganda si Oliver na si Kim daw ang binibisita ng binata.
Inamin naman ni Oliver sa isang panayam na matagal na niyang crush si Kim.
Read: Kim Chiu hopes "someone will give me his unconditional love"
why KIM CHIU backed out of ‘EXPECIALLY FOR YOU’
Espesyal ang episode ng It’s Showtime noong April 6 dahil iyon ang unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7.
Read: Vice Ganda, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko sa It's Showtime sa GMA-7
Celebrity edition din ang “EXpecially For You” noong araw na iyon dahil si Michelle ang sumalang sa segment.
Pero umugong ang usap-usapang dapat ay si Kim ang sasalang na searcher at hindi si Michelle. Ito ang alam ng ilang fans, gayundin ng ilang showbiz insiders.
Kaya napakunot-noo sila nang si Michelle ang lumabas bilang searcher.
Sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, a week before the episode ay na-inform na ang production team na si Kim ang isasalang sa “EXpecially For You.”
Black Saturday, March 29, inabisuhan ang staff na maghanap ng searchees na babagay kay Kim, tulad ng prominent personality, young politician o anak ng politician.
Bukod kay Oliver, ang dalawa pang searchees noong April 6 ay ang content creator na si Kevin Ty at ang GMA-7 sportscaster na si Martin Javier.
Pero nagtaka na lamang daw ang production staff na hindi na si Kim ang sasalang sa segment.
Sinabi naman ng isang source ng PEP.ph na nag-back out si Kim dahil hindi pa umano siya ready.
Sa mga pamilyar sa “EXpecially For You,” parte ng segment ay pag-uusapan ang huling failed relationship ng searcher.
Inuudyok ng hosts ang searcher na magkuwento ukol sa failed relationship, at kung bakit nauwi sa hiwalayan ang huli nitong relasyon.
Ibig sabihin, kung umupo si Kim bilang searcher ay kinailangan niyang magkuwento tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Xian Lim.
Nang kumpirmahin ni Kim ang paghihiwalay nila ni Xian via Instagram post noong December 23, 2023, sinabi ng actress-TV host na "mutual decision" ang nangyari.
Nagtagal ng 12 taon ang kanilang relasyon.
Read: Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.”

KIM CHIU TEASED DURING “EXPECIALLY FOR YOU”
Sa April 6 episode ng “EXpecially For You,” ilang beses tinukso ni Vice Ganda si Kim kay Oliver kahit na ang searcher ay si Michelle.
Dinig ang tilian sa audience nang magpakilala ang Searchee No. 3 na si Oliver— guwapo, matipuno, at matangkad.
Ipinakilala ni Oliver ang sarili bilang “Sporty Lawyer” ng Lapu-Lapu City, Cebu.
Sundot agad ni Vice, “Wait lang, ha. Paano ang reaksiyon, Kim Chiu? Natawa si Kim Chiu.”
“Bakit?!” sagot ng natatawang si Kim, na nakaupo sa gilid ng stage kasama ang iba pang hosts.
Patuloy na panunukso ni Vice kay Kim, “Nung lumabas [si Oliver] parang sinabi mo, ‘Puwedeng back to back kami ni Michelle Dee?’”
Sagot naman ng nangingiting si Kim, “Sabi ko lang, ‘Ay, taga-Cebu.”
Tulad ni Oliver, si Kim ay mula sa Cebu.

Sumunod naman si Anne Curtis na tinanong si Kim kung paano bumati sa Cebuano.
“Hello, maayong hapon. Mag-enjoy lang ka, ha,” mahinhing bati ni Kim kay Oliver.
Bumanat muli si Vice, “Birthday mo?! Birthday mo?! Grabe yung ngiti niya. Akala mo… hanggang tenga...”
Tinanong ni Vice si Oliver kung taga-saan ito.
“Sa Lapu-Lapu City po,” sagot ni Oliver.
Hinarap ni Vice si Kim at tinanong kung tagasaan ito sa Cebu.
Makahulugang tugon ni Kim, “Sa kuan ko, Guadalupe. Pero usara sakay lang ug dyip [isang sakay lang ng dyip].”
Tukso uli ni Vice kay Kim, “Binibisaya niya talaga para kumonek siya. Searcher ka? Si Michelle, di ba?”
Tinanong ni Vice si Oliver kung anong Cebuano words ang ituturo niya kay Michelle.
Sagot ni Oliver, “Gihigugma tika.”
Tinanong ni Vice si Kim kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Oliver.
“I love you,” sagot ni Kim sa malambing na tono.
Tila kinilig naman si Oliver.

Tinukso si Kim ng kapwa niya hosts.
Ani Vice, “Parang sinagot mo yung lalaki.”
Tukso naman ni Jhong Hilario kay Kim: “Bakit ang lambot ng pagkakasabi mo?”
Umiwas ang tumatawang si Kim. Sabi niya, “Alam niyo, si Michelle yung searcher. Hindi ako.”
Tila nakahalata naman si Michelle at nagbiro pang magpalit sila ng puwesto para si Kim na lang ang umupo bilang searcher.
Tanong niya kay Kim, “Palit na ba tayo?”
Paglilinaw naman ni Kim, “Sinabi ko lang ang ibig sabihin nun,” pagtukoy sa Cebuano phrase na binanggit ni Oliver.
OLIVER ASKED IF HE IS COURTING KIM
Sa interview ng TV Patrol, makahulugan ang mga sagot ni Oliver nang matanong ukol kay Kim.
Nausisa si Oliver kung crush nito si Kim bago pa man siya sumali sa “EXpecially For You.”
"I've always thought Kim was such a pretty person. You know, she's from Cebu. So, I mean, I guess you could say that,” sabi ng Cebuano hunk.
Tinanong din siya kung nililigawan niya si Kim.
"I don't think it's fair that I speak about that without Kim's permission,” paiwas na sagot ni Oliver.
Read: Oliver Moeller visits It's Showtime again; is he courting Kim Chiu?
