Burado na sa Instagram ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang engagement photos nila ng fiancè na si Sam Milby.
Ngayong Huwebes, May 9, 2024, napansin ng netizens na wala na sa IG feed ni Catriona ang ilang litrato nila ni Sam na magkasama, kabilang na rito ang engagement photos nila.

Habang sa IG feed ni Sam ay nananatili pa rin ang mga litrato nila ng beauty queen.

Read: Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
Dahil dito, umugong muli ang haka-hakang tuluyan nang naghiwalay sina Catriona at Sam at hindi na matutuloy ang nakaplano nilang pagpapakasal.
Read: Catriona Gray “guarded and apprehensive” when she first met Sam Milby
CATRIONA GRAY-SAM MILBY BREAKUP RUMORS
Hindi ito ang unang pagkakataong pinagsuspetsahan ang tunay na estado ng relasyon nina Catriona at Sam.
Noong Febuary 8, napabalitang break na sina Catriona at Sam nang mapansin ng mapanuring netizens na hindi na suot ng dating Miss Universe ang kanyang engagement ring.
February 4, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.
Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.
Read: John Prats uploads photo with engaged couple Sam Milby and Catriona Gray amid rumors
Febuary 24, muli silang naintriga nang naiulat sa isang vlog na totoong break na ang dalawa.
Ayon sa vlog, may nakapagsabing source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.
Sa katunayan daw, nang nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6, 2024, ay wala na sila ni Sam.
Read: Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby spotted together at an event amid breakup rumor
Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos mag-propose ng aktor noong February 16, 2023.
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby are now engaged
SAM AND CATRIONA'S "RELATIONSHIP CHALLENGES"
Hanggang noong February 28, 2024, tuluyan nang inamin ng Cornerstone Entertainment, ang talent management ng dalawa, na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.
Pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ito.
Bahagi ng pahayag ng talent management company: "We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
"While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together."
Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang gusot.
"We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
"We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple."
READ: Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby “facing some challenges in their relationship”
Catriona-Sam spotted together amid breakup rumors
Muling nabuhayan ng pag-asa ang kanilang fans nang maispatang magkasama muli sina Catriona at Sam noong March 10, 2024.
In-upload ng malapit nilang kaibigan na si John Prats ang tila pakikipag-double date nila ng maybahay niyang si Isabel kay Catriona at Sam.
Base sa Instagram post ni John, makikita na magkakasama ang apat na naglaro ng pickleball, isang uri ng paddle sport na designed para sa dalawa o apat na manlalaro.
Read: Catriona Gray, Sam Milby seen together after rumored breakup
Nasundan pa ang kanilang pagkikita noong April 20, nang parehas silang dumalo sa birthday celebration ni Erickson Raymundo, ang big boss ng Cornerstone Entertainment.
Sa isang Instagram post ng negosyanteng si Pinky Tobiano, noong April 20, makikita ang video kung saan sweet na nag-uusap sina Catriona at Sam.
Sabi niya sa caption (published as is): "The heat wont stop these sweet couple Cat & Sam and we are all here to celebrate Erickson’s bday….
"Erik and my food trip in Pampanga this week… #Birthday #Vision #Cornerstone"
Read: Catriona Gray, Sam Milby spotted together amid breakup rumors
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Catriona at Sam tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Read: Sam Milby "enjoying" preparations for wedding with Catriona Gray though "it's stressful"
