PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards warns vs fake tweets about KathNiel

Alden: "Ingat lang po tayo sa fake news..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 16, 2024
Alden Richards warns vs fake tweets talking about KathNiel
Alden Richards (left) warns against fake tweets of him talking about Kathryn Bernardo (center) and Daniel Padilla (right): "Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat."
PHOTO/S: Alden Richards/Daniel Padilla/Star Magic Instagram

Nagbabala sa publiko ang Kapuso TV host-actor na si Alden Richards hinggil sa kumakalat na umano'y tweets niya patungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo at dating boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Sa panayam ni Alden sa 24 Oras nitong Miyerkules, May 15, 2024, iginiit niyang hindi siya ang nasa likod ng mga kumakalat na tweets na direktang pinapasaringan ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel.

Saad ng aktor, "Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat."

Hindi binanggit ni Alden kung ano mismong tweet ang pinapatungkulan niya.

Ngunit kamakailan ay pinag-usapan online ang post ng isang Facebook page tungkol sa isang fake tweet ni Alden para kay Daniel.

Sa pekeng post, pinalabas ang animo'y X (dating Twitter) ni Alden patungkol sa diumano'y panloloko ni Daniel kay Kathryn, kaya sila nagkahiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alden Richards asked about KathNiel breakup, KathDen teamup

Mababasa rito (published as is): "Kathryn, gave her love and trust to you pati na ang future nya for how many years pero niloloko mo lang pala.

"On cam ka lang pala loyal at sweet pero sa likod ng camera, dugong Padilla ka talaga.

"Please bro, wag mo nang guluhin pa si Kath, huwag kang selfish. Masaya na sya ngayon sa mundong ginagalawan niya."

Kung titingnan, mapagkakamalan talagang galing ito sa X account ni Alden, dahil in-edit ang kanyang litrato maging ang username para mapagkamalan itong totoo.

Alden Richards warns vs fake tweets talking about KathNiel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan nila ni Kathryn dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Bukod pa diyan ang pagdikit sa pangalan niya sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.

Read: Really? Kathryn Bernardo unfollows Liza Soberano, Julia Barretto, Gillian Vicencio on Instagram

Read: Vietnamese girl linked to Daniel Padilla issues statement

ALDEN RICHARDS REMINDS PUBLIC

Giit ni Alden, kailanman ay hindi siya nag-post ng ganito.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga nakikita sa social media, bagkus ay ugaliin daw na magsiyasat at mag-fact check kung ito ba ay may katotohanan.

Mensahe ni Alden, "Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po, e, pugad ng fake news.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So not until yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, e, huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment."

ALDEN-KATHRYN SIGHTINGS

Ang pahayag na ito ni Alden ay malaking bagay sa mga tagahanga ng dating tambalan nina Kathryn at Daniel o KathNiel.

Lalo't nauugnay ngayon si Alden sa Kapamilya actress na si Kathryn.

Sa katunayan, mayroon na ring nabuong tambalan sina Alden at Kathryn, ang "KathDen" matapos nilang bumida sa Hello, Love, Goodbye.

Read: Is Hello, Love, Goodbye now the highest grossing Filipino movie of all time?

Simula nito, sini-ship na sila ng kanilang mga tagahanga lalo na ngayon na parehas silang single matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend niyang si Daniel noong November 30, 2023.

Read: Rommel Padilla hopes Daniel and Kathryn will reconcile

Nagpadagdag pa sa kilig ng fans ang madalas nilang pagsasama sa private events, tulad noong 28th birthday at house warning party ni Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Palaisipan din ang naging sagot ni Alden kay Nelson Canlas sa 24 Oras noong April 10 nang siyasatin siya sa tunay na relasyon nila ni Kathryn.

"What you see is what you get," tipid na pahayag ng aktor.

Hindi na rin daw niya kailangan ipaliwanag pa ang relasyon nila ng aktres lalo na't kung ano ang nakikita sa kanila ng iba sa social media ay ganoon din sila sa personal.

Ang tanging masasabi raw ni Alden ay masaya siyang makitang masaya si Kathryn.

Read: Alden Richards on real score with Kathryn Bernardo: "What you see is what you get."

Noong May 12, 2024, muling nasilayan ng publiko na magkasama sina Alden at Kathryn nang parehas silang dumalo sa 52nd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinarangalan sila bilang Box Office King and Queen.

Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo: Box Office King and Queen

Napapabalita ring nililigawan ni Alden, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa niya kinukumpirma sa publiko.

Ngunit base sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lagpas friendship level na umano ang pagkakamabutihan nina Alden at Kathryn.

Sabi ng isang source ng PEP.ph, walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa't isa.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?

Alden talks about closeness to Kathryn

Sa panayam ni Alden sa Preview nitong May 2024, naging bukas siyang pag-usapan ang nabuong relasyon nila ni Kathryn.

Ayon sa aktor, matapos nilang gawin ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 ay nagtuluy-tuloy lamang ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.

Dagdag pa niya, ano man daw ang mayroon sa kanila ay nais niya itong gawing pribado at personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya sa Preview, "The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat [when we were filming].

"And right now, I'm just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal.”

Read: Alden Richards talks about closeness to Kathryn Bernardo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left) warns against fake tweets of him talking about Kathryn Bernardo (center) and Daniel Padilla (right): "Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat."
PHOTO/S: Alden Richards/Daniel Padilla/Star Magic Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results