PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rommel Padilla hopes Daniel and Kathryn will reconcile

Rommel: "I still pray na sana dumating yung panahon na magkita sila ulit..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 13, 2024
Rommel Padilla hopes Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will reconcile
Rommel Padilla (left) hoping for reconciliation between ex-couple Daniel Padilla (right) and Kathryn Bernardo (center): "Habang sila ay mga single, sana magmuni-muni muna talaga sila o timbangin nila yung kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang the same, dapat ba tayong magkabalikan? I guess ito yung time na yun, e."
PHOTO/S: PEP File/Kathryn Bernardo/Daniel Padilla Instagram

Umaasa pa rin ang aktor na si Rommel Padilla na magkakabalikan pa ang anak niyang si Daniel Padilla at dati nitong nobya na si Kathryn Bernardo.

Si Daniel ay anak ni Rommel sa dati nitong karelasyon na si Karla Estrada.

Nahingan si Rommel ng reaksiyon sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kathryn at Daniel o KathNiel nang makapanayam siya ng StarsPhotog sa TikTok nitong May 9, 2024.

Ayon kay Rommel, isang pagsubok kung ituring niya ang nangyari sa dating masaya at payapang relasyon nina Daniel at Kathryn.

Rommel Padilla hopes Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will reconcile

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Gayumpanan, hindi raw nawawala sa kanyang panalangin na dumating ang araw na magkita muli ang dalawa at manumbalik ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

Saad ni Rommel, "Talagang nangyayari yan, e, dumarating yung puntong nagkakasubukan.

"Pero para sa akin, I still pray na sana dumating yung panahon na magkita sila ulit, magkaunawaan, dahil napakalaking panahon yung inilaan nila sa pagmamahalan nila.

"Kaya ipinagdarasal ko na sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan."

Read: Daniel Padilla to focus on career after breakup with Kathryn Bernardo: “I need to love myself first.”

Sundot na tanong ng StarsPhotog, "Kayo po ba ay nanghihinayang [sa kinahantungan ng relasyon ng KathNiel]?"

Sagot ni Rommel, "Of course, lahat kami, lahat kami."

PEP Yearender 2023: Showbiz breakups

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, isa raw siya sa unang nalungkot at nanghinayang sa breakup nina Kathryn at Daniel nang isapubliko nila ito noong November 30, 2023.

Nakita rin daw niya ang matinding dagok na pinagdaanan ng kanyang anak kaya bilang ama, lagi raw niyang sinasabi na anuman ang maging desisyon nito ay buong puso niyang susuportahan.

Sabi ni Rommel: "Ako, sabi ko nga, habang sila ay mga single, sana magmuni-muni muna talaga sila o timbangin nila yung kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan.

"Dapat bang the same, dapat ba tayong magkabalikan?

"I guess, ito yung time na yun, e. Makikita nila sa mga darating na araw."

Read: Rommel Padilla proud to say that son Daniel is a one-woman man

DANIEL-KATHRYN CONTROVERSIAL BREAKUP

Halos anim na buwan na ang lumipas mula nang kumpirmahin nina Daniel at Kathryn na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Nag-post ng magkahiwalay na statement ang dalawa sa Instagram noong November 30, 2023, para iparating sa kanilang fans ang desisyon nilang maghiwalay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Bukod pa diyan ang pagdikit sa pangalan niya sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.

Read:

Sa kabila ng kaliwa't kanang batikos ay pinili ni Daniel na manahimik at panandaliang magpahinga sa showbiz, samantalang namamayagpag naman ang karera ngayon at tila maging ang personal na buhay ni Kathryn base sa nakikita ng publiko sa social media.

Read: Celebrity guests at Kathryn Bernardo's birthday party in Palawan

Ilang aktor din ang nali-link ngayon kay Kathryn. Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards at ang Kapamilya stars na sina Jericho Rosales at Donny Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?

KARLA ESTRADA HOPES SON DANIEL will be okay

Samantala, ilang araw matapos nakapanayam si Rommel ay nakumusta rin kay Karla Estrada ang anak nilang si Daniel.

Nangyari ito nang makapanayam siya sa YouTube ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano nitong May 11.

Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo: Box Office King and Queen

Ayon kay Karla, hindi niya masasagot ang tanong kung kumusta ngayon si Daniel. Bilang ina, alam daw niya na kahit papaano ay naaapektuhan pa rin ang anak sa hindi matapus-tapos na pambabatikos dito nang mag-break sila ni Kathryn.

Panimula ni Karla: "Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig iyan, ano. And I always pray that he will be okay.

"But at the end of the day, yung question na kamusta yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But ako, as a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel. And I always pray na maging better sila."

Read: Karla Estrada hopes son Daniel Padilla will be okay

Walang direktang paglilinaw si Karla kung totoong nagtaksil si Daniel kay Kathryn.

Pero nais daw niyang matuto ang kanyang mga anak sa kanilang mga pagkakamali at sa mga pagsubok na pinagdadaanan at daranasin pa nila.

Ang mga anak na pinapatungkulan ni Karla ay ang mga kapatid ni Daniel na sina Jose Carlito, Margaret, at Carmella.

Sabi niya, "Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para mas maging maayos ka at mabuti kang tao after that.

"Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ [palayaw ni Daniel] if ever tawagan niya ako at gusto niya akong makausap.

"It's an exercise for my children na hindi dapat sila agad nakatanghod sa akin tuwing meron silang problema. Kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, 'Puwede tayo madapa, puwede tayo masaktan, and just learn from it. Matuto lang tayo diyan kasi hindi puwedeng tumigil ang buhay.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Karla na walang perpektong tao at "lahat nagkakamali" maging ano man ang edad, estado, at katayuan nito sa buhay.

Read: Daniel Padilla opens J Castles theme park in Batangas

Importante rin daw na marunong magpatawad ang isang tao para mabawasan ang bigat na dinadala nito sa puso.

Saad ni Karla: "Magsisingkuwenta na ako ngayon, hindi pa rin perfect ang buhay ko. Araw-araw may pagkakamali pa rin tayo.

"Bago ka matulog, magpatawad ka. Humingi ka ng tawad, magpatawad ka. Ipagdasal mo yung mga taong nagagalit sa iyo.

"Sa akin pag sinabing, 'Hindi naman totoo iyan, ba't mo ipagdarasal?' Minumura ka araw-araw sa social media, tinatawag ka ng anu-ano, pati mga anak mo nasasali, di ba? Hindi ko na problema yun."

Read: Kathryn Bernardo, ano ang pananaw tungkol sa pagpapatawad?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rommel Padilla (left) hoping for reconciliation between ex-couple Daniel Padilla (right) and Kathryn Bernardo (center): "Habang sila ay mga single, sana magmuni-muni muna talaga sila o timbangin nila yung kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang the same, dapat ba tayong magkabalikan? I guess ito yung time na yun, e."
PHOTO/S: PEP File/Kathryn Bernardo/Daniel Padilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results