PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diwata: Current darling of top influencers in the country

Who is Diwata?
by Mark Angelo Ching
Published May 26, 2024
diwata influencers
Diwata, Deo Balbuena in real life, has been featured in the vlogs of top influencers in the country like Alex Gonzaga (inset, top left) and Rosmar (inset, top right) and showbiz personalities Marvin Agustin (inset, bottom left) and Korina Sanchez (inset, bottom right).
PHOTO/S: YouTube

Kabi-kabila ang mga influencer na dumadagsa ngayon sa Pasay City para makilala si Diwata, ang social media personality na may-ari ng isang trending na paresan restaurant.

From top influencers na may milyun-milyong followers to small creators, marami ang lumulusob sa Diwata Pares Overload para kumain ng pares, at kuhanan ng footage ang may-ari nito.

Read: Meet Diwata, nag-trending sa presinto noon, asensado na ngayon

Ngunit kaakibat ng ganitong kasikatan ay ang sali-salibat na mga isyung ikinakabit sa 42-year-old entrepreneur.

Nariyan ang sabi-sabing mayabang na si Diwata at hindi na namamansin sa kanyang mga tagahanga. Meron ding isyung pinapaunlakan lamang niya umano ang mga bisitang may dalang regalo.

Samantala, may sinasabi ring sumosobra na ang mga vlogger at content creator na bumibisita sa restaurant at parang ginagamit na lamang ang may-ari nito for the views.

Pero sino muna si Diwata?

DIWATA ORIGINS

Unang nakilala ng madla si Diwata, o Deo Balbuena, bilang isang subject ng news report noong September 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa report ng Balitanghali, na inere sa GMA News TV, ipinakita si Diwata bilang biktima ng krimen sa Pasay.

Ayon sa report, sinaksak sa mukha si Diwata matapos nitong i-report sa pulis ang mga kaibigang gumagamit ng droga. Kasama niya ang mga suspek na nakatira sa ilalim ng tulay sa Diokno Boulevard.

Tumatak ang news report na ito sa mga manonood dahil pinakita ang magiliw na personalidad ni Diwata.

“Nagpakitang-gilas pa sa pagrampa ang complainant na ito sa tanggapan ng Pasay City police station upang ipakitang nakaligtas siya sa kabila ng mga tinamong saksak sa mukha at kamay,” saad ng reporter na si Von Aquino.

Kasabay nito ang pagpapakita kay Diwata na rumarampa na sa presinto na tila nasa isang pageant.

Pagpapakilala pa niya, “Nagmula sa kalangitan, lumagapak sa kalupaan. Narito na sa inyong harapan ang diwata na mukhang kawatan.”

Diwata
Photo/s: GMA Integrated News
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Three years later, nakilala muli si Diwata bilang contestant sa "Miss Q and A" ng It’s Showtime. Sa nasabing patimpalak ay construction worker ang pakilalang trabaho niya.

Sa February 2019 episode ng Kapamilya noontime show, ipinakitang ikinukuwento ni Diwata kina Vhong Navarro, Anne Curtis, at Ryan Bang kung paano siya nagko-construction worker para sa mga condominium sa Quezon City.

diwata it's showtime
Diwata joined Miss Q and A pageant of It's Showtime in 2019
Photo/s: ABS-CBN YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RISING FROM THE ASHES

Sa YouTube vlog ng Tikim TV ay ikinuwento ni Diwata kung paano nagsimula ang kanyang 24-hours na paresan.

Matagal na raw siyang nagtitinda sa parehong lugar.

“Ang tinda ko lang dati, mga sigarilyo, softdrinks, mga meryenda,” kuwento niya sa naturang vlog posted on January 28, 2024.

Pagpapatuloy niya, may kaibigan daw siyang marunong magluto na nag-encourage sa kanya.

“Ang ginawa ko lang dati nung kumikita ang tindahan ko, nag-ipon ako at bumili ng gamit. Tapos yung friend ko, tinulungan ako, nag-canteen kami tapos nag-pares.”

Pumanaw na raw ang kaibigan niya last year pero itinuloy niya pa rin ang paresan.

“Namana ko to sa kanya lahat yung natutunan ko doon sa kanya, pinapagpatuloy ko na hanggang marunong na ako.”

diwata tikim tv
Photo/s: Tikim TV YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil daw sa negosyo niyang ito ay nakaranas na siya ng pag-asenso.

“Dumating sa point talaga na sa ilalim ako ng tulay nakatira. Sigurado naman napanood niyo ako noon sa viral na balita. Yung yung panahon na down na down ako.”

Naluha si Diwata habang inaalala ang bahagi ng buhay niyang ito.

“Alam mo yung nangangalakal ako tapos wala naman akong ginagawang masama, lahat na ng diskriminasyon nasa akin na. Alam mo yung nilalaban ko yung sarili ko tapos kalakal ang hinahanap natin para mabuhay ako.”

Ang pangangalakal ay ang paghahanap ng mga bote, diyaryo, bakal, at iba pang mga bagay sa basura para mabenta sa junkshop.

Salamat daw sa Diwata Pares Overload at nakaalis na siya sa ilalim ng tulay. Mayroon na siyang maliit na bahay at nakabili na ng sasakyan.

Sa TIKIM TV episode din ay sinabi ni Diwata na natutuwa siya sa mga dumadayo sa restaurant niya para siya ay makilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami nang nagpa-picture sa akin, feeling ko tuloy ay artista na rin ako,” kuwento niya.

Ilan sa mga artista at celebrity na bumisita na sa Diwata Pares Overload para makilala si Diwata at gumawa ng content kasama siya ay sina Alex Gonzaga, Lassy, Marvin Agustin, at ang influencer na si Rosmar Pamulaklakin.

ALEX GONZAGA

Noong April 21 nai-post sa YouTube channel ni Alex Gonzaga ang kanyang encounter with Diwata.

Sa vlog ng female celebrity ay kinapanayam niya ang sikat na paresan owner. Nag-try rin magluto si Alex bago siya kumain ng sikat na pares.

Mahaba-haba ang interview ni Alex with Diwata dahil kita naman na inabot na siya ng gabi.

“Diwata Pares by Alex Gonzaga” ang pangalan ng vlog na ito at may mahigit sa 6 million views na ito at press time.

diwata alex gonzaga vlog
Diwata with actress-vlogger Alex Gonzaga
Photo/s: Alex Gonzaga Official YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LASSY AND THE BEKS FRIENDS

Noong April 21 din nai-post ang vlog ng komedyanteng si Lassy kasama ang kanyang grupong Beks Friends.

Kasama sa Beks Friends ang mga komedyante ring sina Kitty Montecarlo, Ohw Domingo at Ton Soriano.

Sa vlog pinakita ang pagkain ng Beks Friends ng sikat na pares at fried chicken habang nakikipagbiruan kay Diwata.

“TINUKLAS NAMIN NI LASSY ANG HIWAGA NG PARES NI DIWATA” ang pangalan ng vlog na ito nina Lassy at may mahigit sa 1,5 million views na ito at press time.

diwata beks & friends
Diwata with Beks Friends
Photo/s: Beks Friends YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARVIN AGUSTIN

Noong May 25 nai-post ni Marvin sa kanyang channel sa YouTube ang kanyang vlog with Diwata.

Dito ay ipinakitang kumain ng sikat na pares ang aktor. Nag-serve din siya ng mga pagkain sa mga nakapila.

Kasama rin sa vlog ang pakikipaglaro ng celebrity-turned-restaurateur ng Chinese Garter with the social media personality.

Matapos nito ay nagkaroon sila ng interview portion. Dito ni-reveal ni Diwata na magkakaroon na siya ng branch sa Quezon City.

“Diwata Pares Overload | Open for FRANCHISING!” ang pangalan ng vlog ni Marvin at may mahigit sa 23,000 views na ito as of press time.

diwata marvin agustin
Diwata with Marvin Agustin
Photo/s: Marvin Agustin YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROSMAR’S GIFTS

Samantala, “Rosmar ginawang Milyonarya si Diwata” naman ang title ng vlog ni Rosmar tungkol kay Diwata.

Sa video na nai-post noong May 7 ay ipinakita kung paano binigyan ng businesswoman at social media influencer ang paresan owner ng naglalakihang regalo.

Read: Rosmar Tan gifts Diwata PHP5M-worth of cash, house and lot

Una na rito ang one million pesos in cash. Kasama rin dito ang one million worth of beauty products para ibenta ni Diwata.

Pangalawa ay ang bagong house and lot.

Binigyan din ni Rosmar si Diwata ng e-bike, at free food products na maaaring ipamigay sa mga customer ng Pares Overload.

May mahigit 54,000 views na ang vlog at press time.

diwata rosmar tan
Diwata and Rosmar
Photo/s: Rosmar YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE GIFTS FROM ROSMAR

Hindi lang ito ang mga iniregalo ni Rosmar kay Diwata.

Sa isa pang vlog na pinost nung May 8, ipinakita na binigyan ni Rosmar ang trending personality ng mga gamit sa bahay tulad ng unan, kutson, mesa upuan at iba pa.

Noong May 14 naman ay nag-post si Rosmar sa kanyang Facebook page na inabutan niya si Diwata ng tsekeng may one million pesos from a skincare brand, at 100,000 cash from a makeup brand.

Additionally, binigyan din ng 28-year-old businesswoman si Diwata ng isang aso na worth 250 thousand pesos.

OTHER GIFTS

Hindi lang si Rosmar ang nagbigay ng mga regalo kay Diwata. Narito pa ang ilan:

Noong May 1, binigyan siya ng mga tent, lamesa, upuan at iba pang gamit ni Glenda dela Cruz, na isa ring CEO ng skincare brand.

Noong May 2, may nagbigay sa kanya ng bagong automatic na pickup truck. Hindi na sinabi ni Diwata kung sino ang nagbigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong May 4, binigyan siya ni Vice Ganda ng mga monobloc na upuan at mesa para sa kanyang restaurant.

Noong May 12, binigyan siya ng vlogger na si Whamos Crus ng 24 karat gold bar, iPhone at laptop.

Noong May 14, nag-post ang vlogger na si AwitGamer na binigyan niya ng 20,000 pesos in cash si Diwata.

Noong May 21 naman, pinost ng vlogger at pawnshop celebrity na si Boss Toyo sa kanyang YouTube channel na binigyan niya ng mga gold na alahas si Diwata.

And of course, hindi pa kasama rito ang mga regalong binibigay ng kanyang mga supporter na hindi na pino-post online.

ANSWERING THE ISSUES

Samantala, sinagot na ni Diwata ang mga isyung kinakabit sa kanya. Una ay ang akusasyong masungit siya at hindi namamansin.

Sa isang video na naka-post sa Pinoy Kaalaman page sa Facebook noong May 19, pinagsasabihan niya ang bulto-bultong mga taong nasa harap ng kanyang paresan na kinukuhanan siya ng video. Aniya, nakakaabala na raw ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi kasi kayo ang priority ko e, ang tindahan ko ang priority ko!” sigaw ni Diwata sa marami-raming tao dahil halos lahat ay kinukuhanan siya ng video.

“Kung puwede ba magtrabaho muna ako bago ang social media na ‘yan!”

May halos 25,000 likes at 10,000 comments na ang video na ito.

Diretsahan din siyang tinanong ng newscaster na si Korina Sanchez tungkol sa isyung ito.

Noong May 19 bumisita sa Diwata Pares Overload ang newscaster. Naka-post ang kuha ng buong panayam niya sa Facebook page na Master feitan. Mayroon na itong mahigit sa 829,000 views.

diwata korina sanchez
Diwata and Korina Sanchez
Photo/s: Rated Korina YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Diwata, hindi naman totoo na ang mga sikat o may mga regalong bisita lang ang pinapansin niya.

Marami-rami na rin kasing mga vlogger at content creator ang nag-post sa social media na hindi sila pinansin ni Diwata nang kumain sila sa paresan.

“Sinasabi kasi nila dati, talagang madalas na pag di daw kilalalang tao, di ko daw pinapansin. Hindi totoo yan. Sina Madam kasi, itong mga to, naka-schedule to,” sabi ni Diwata.

Aniya, di naman niya puwedeng pansinin ang lahat ng pumupuntang vlogger dahil may inaasikaso siyang negosyo.

“Kung gusto niyong ma-entertain kayo, tulad ng kay Madam, magpa-schedule kayo ng araw. Kasi, di ba, pagdating niyo rito, biglaan na lang tayo, tapos may ginagawa ako. Pag sinabi kong mamaya na, galit kayo, masama na ugali nagbago na,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Diwata, napapanood niya ang mga ganitong negatgive post sa social media pero hindi na niya sinasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, “Ang importante kasi sa akin, ang negosyo ko, hindi naman sila, e. Kasi alam mo ba, pag alam kong hindi makakatulong sa akin, hindi ko pinapatulan kasi mas focused ako sa negosyo ko.”

THE FUTURE OF OVERLOAD

Sa huli, tila patuloy lang ang pag-asenso ni Diwata. Dahil sa kanyang sipag, at sa tulong na rin ng kanyang mga supporter ay lumalago ang kanyang negosyo.

Sa katunayan ay malapit nang magbukas ang second branch niya sa Quezon City.

May mga plano na ring mag-open siya ng franchising opportunity.

Lumalawak na rin ang kanyang oportunidad. Halimbawa, napasok na niya ang mundo ng showbiz nang nakasama siya sa cast ng FPJ's Batang Quiapo.

Read: Joel Lamangan, hindi apektado sa pagpasok nina Tessie Tomas at Diwata sa Batang Quiapo

diwata batang quiapo
Diwata in FPJ's Batang Quiapo
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, malaki pa rin ang pasalamat ni Diwata sa suwerteng kanyang tinatamasa sa ngayon, dahil tuluyan na siyang umangat sa kahirapan.

“Ang saya ng pakiramdam na dati hindi ako kumikita ng pera. Ang hirap. Pero ngayon nabibili ko lahat ng gusto ko,” saad ni Diwata sa TIKIM TV interview.

Pero higit pa riyan ang tuwa niya dahil naiangat din niya ang kanyang pamilya.

“Alam mo yung, matagal na panahon kang di nakatulong sa family mo, ngayon nakatulong ka na, lalo sa mother ko. Breadwinner ako. Ang sarap ng feeling,” sabi ni Diwata.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diwata, Deo Balbuena in real life, has been featured in the vlogs of top influencers in the country like Alex Gonzaga (inset, top left) and Rosmar (inset, top right) and showbiz personalities Marvin Agustin (inset, bottom left) and Korina Sanchez (inset, bottom right).
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results