Naglabas ng public apology ang baguhang singer na si Sheena Palad kaugnay sa "pananakit" niya sa nakalaban niyang contestant sa "Beat My Birit" segment ng TiktoClock.
Noong June 19, 2024, sumalang si Sheena sa singing competition ng morning show ng GMA-7. Dito ay nakalaban niya ang isa pang contestant na nagngangalang Rica Maer.
Sa kainitan ng kanilang tapatan sa kantahan, tila nadala ng emosyon si Sheena nang matulak, matampal ang ulo, at nahila niya ang buhok ni Rica.



Bagamat humingi na ng paumanhin si Sheena, hindi pa rin siya tinantanan ng netizens na nakapanood at na-offend sa kanyang ginawa.
Read: Sheena Palad, inuulan ng batikos dahil sa pamimisikal
Marami sa mga ito ang tinawag siyang "bastos" at "maldita" dahil sa pananakit niya kay Rica.
SHEENA ISSUES PUBLIC APOLOGY
Dahil sa patuloy na pagtuligsa sa kanya, minarapat ni Sheena na maglabas ng public apology para pormal na humingi ng tawad at ipaliwanag kung bakit niya ito nagawa kay Rica.
Idinaan ni Sheena sa pag-post sa Facebook noong June 22 ang paghingi ng tawad kay Rica, sa TiktoClock, at sa lahat ng netizens na na-offend sa kanyang inasal.
Aminado si Sheena na matapos ang kanilang tapatan sa kantahan, doon lang niya napagtantong sumobra siya sa emosyon na naging dahilan para masaktan niya si Rica.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Hi Tiktropa! This is Sheena Palad at gusto ko pong magbigay ng public apology kay Rica Maer for offending her sa Beat My Birit segment sa Tiktoclock aired June 19.
"Beat My Birit is a segment on Tiktoclock described as “Bardagulan at Biritan”. I realized afterward na I went overboard at nasaktan ko po si Rica.
"Nag sorry po ako kaagad kay Rica after our segment at hanggang sa kinagabihan po nang araw na yon hiningi ko po ng tawad sa kanya.
"Maayos po kami ni Rica ngayon at napatawad nya na po ako sa mga pangyayari. Naguusap din po kami and she is assuring me that she is okay."
Humingi rin ng paumanhin si Sheena sa mga kaanak, kaibigan, tagasuporta ni Rica, maging sa mga netizen na kinol-out siya sa kanyang ginawang pakakamali.
Saad ng kapatid ni Felson Palad, asawa ng aktres na si Donita Rose: "Gusto ko din po magapologize sa mga netizens natin na nag call-out po sa akin and got offended because of what happened. Sana po ay mapatawad nyo din po ako sa aking ginawa.
"Nasaktan ko din po kayo kasama na din ang pamilya ni Rica, sa fiance po niya, sa mga kaibigan at mga sumusuporta po sa kanya.
"Nakipagusap na din po ako sa mga bumubuo ng Tiktoclock at gusto ko din po gamitin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa aming mga bosses, sa director, sa mga hosts at staff sa aking actions."
Read: Felson Palad cries foul over bashing against sister Sheena
Dagdag pa niya, "NOTE** Nagkaroon na po ako ng masinsinang usapan kasama ng namumuno sa Tiktoclock at natulungan po nila akong mas maintindihan ang sitwasyon.
"Nagpapasalamat po ako sa kanila at humihingi rin ng pang-unawa ng GMA at ng publiko. Maraming salamat po sa pag-intindi, Tiktropa."

Read: Felson Palad not ashamed of being a virgin before marrying Donita Rose
THE FAMAS CONTROVERSY
Hindi ito ang unang pagkakataong makatanggap ng batikos online si Sheena.
Unang umingay ang kanyang pangalan nang siya ang ipalit sa veteran actress na si Eva Darren bilang award presenter sa 72nd FAMAS na naganap noong May 26, 2024, sa Manila Hotel, Manila.
Read: Sheena Palad breaks silence on Eva Darren-FAMAS issue
Kahit walang kasalanan si Sheena sa nangyari, nakatikim din siya ng masasakit na salita mula sa netizens.
Read: FAMAS 2024 fiasco, sino ang tunay na may pagkukulang?
RELATED STORIES:
- FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren
- Rita Avila shows support for Eva Darren after FAMAS issue
- Alfred Vargas, hindi binayaran ang FAMAS best actor award
- Eva Darren, napansin ng industriya matapos ang FAMAS issue
- Divina Valencia speaks up about Eva Darren’s FAMAS issue
- Eva Darren, kinabog ang winners at big stars sa 72nd FAMAS
- 72nd FAMAS: Kathryn, Piolo, Alfred win top acting awards
- Charo Santos, "nahanap" si Eva Darren sa 72nd FAMAS
- Min Bernardo very proud of daughter Kathryn's FAMAS win
- Piolo Pascual admits being drunk in FAMAS best actor speech
