Pumirma muli ng exclusive contract si Jessy Mendiola sa Star Magic noong nakaraang Martes, July 2, 2024.
Ginawa ito ng aktres matapos ang limang taong pamamahinga dala ng pandemya at pagpapakasal sa asawang si Luis Manzano.

Jessy with Star Magic head Laurenti Dyogi, ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, and Alan Real from Star Magic
Read: Jessy Mendiola returns to Star Magic after five years
JESSY MENDIOLA ON WORKING WITH JM DE GUZMAN
Ngayong may asawa't anak na siya, magsi-set na ba ng restrictions si Jessy pagdating sa maseselang eksena sa pelikula o TV project?
Saad ng aktres, "Restrictions? As of now, siguro kailangan pa ng matinding convincing yung mga sensual scenes at yung mga kissing scenes
"But I am not closing my doors, I am open to it.
"Actually, ang seryosong version niyan, sabi sa akin ni Luis, 'Go for it basta kailangan ng story at kailangan ng role mo. But if it's, you know, yung kumbaga, hindi ka kumportableng gawin, huwag mong gawin.'
"So, I think, may point naman siya na kung vital siya sa storytelling ng isang teleserye, bakit hindi po puwedeng gawin?
"So, supportive talaga si Luis pagdating sa mga ganyang bagay."
Ngayong magiging aktibo na muli siya, posible bang tumanggap siya ng trabaho kasama ang ex-boyfriend na si JM de Guzman, na isa ring Kapamilya?
Ayon kay Jessy, "Actually, ang funny, never pa kami nagkatrabaho, ever. Oo, never.
"Siguro akala lang ng mga tao na nagkatrabaho kami kasi naging kami. But, yun na yung pinakaunang tinanong sa akin nina Direk Lauren [Dyogi]], 'Are you willing to work with him?'
"Yeah naman, of course, why not? I mean, we've moved on and nandun na ako sa point ng buhay ko na I have no bad blood with anyone.
"I'm really, sana nakikita niyo, I'm really, really happy right now. And I'm just really grateful and thankful na binigyan ako ng opportunity na ganito ulit.
"Kasi ako, akalain mo makabalik pa si Jessy, di ba?
"So, yeah, why not? I mean, I'm open to it."
Read: Is Jessy Mendiola ready to work with ex-boyfriend JM de Guzman?
Dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Jessy at JM bago silang naghiwalay noong 2013.
Nagkabalikan sila noong April 2015 ngunit naghiwalay rin pagkatapos ng ilang buwan.
Read: FIRST READ ON PEP. Jessy Mendiola and JM de Guzman break up anew
