Hindi naging mahirap kina Julia Barretto at Joshua Garcia na tanggapin ang oportunidad na muling magsama sa pelikula matapos ang mapait nilang nakaraan.
Hindi rin daw ito naging problema sa kani-kanilang karelasyon ngayon.
Sina Julia at Joshua ay dating magkasintahan at on-screen partner, na nakilala sa kanilang uninam na JoshLia. Kaya naman ganoon na lamang ang saya ng kanilang fans nang malamang muling magsasama ang dalawa para sa reunion film nilang pinamagatang Un/Happy For You.
Read: Joshua Garcia, Julia Barretto reunite in Un/happy For You
Sa grand presscon ng pelikula nitong Miyerkules, July 10, 2024, natanong ang dalawa kung nakaapekto ba ang muli nilang pagtatrabaho sa relasyon nila sa kani-kanilang kasintahan ngayon.

Boyfriend ni Julia ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson, habang si Joshua naman ay girlfriend ngayon ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.
Read: Gerald Anderson fully supports JoshLia's comeback film
Ayon kay Julia, una pa lang ay malinaw na sa kanyang trabaho lang ang muli nilang pagtatambal ni Joshua. Wala siyang pakay na iba.
Read: Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision
Saad niya, "I believe, Josh and I are both in our secure place in our lives.
"Kahit na gumawa pa kami ng sampung pelikula, ang intensiyon naman nun, e, hindi para makasira ng isang magandang bagay.
"Siguro, we are both in secure positions in our lives... We are fine, we're okay. Tingnan niyo, ang saya naming natapos yung Un/Happy For You.
"Lahat ng nasa paligid namin, masaya para sa amin, minamahal pa rin kami."
Read: Julia Barretto quashes third-party issue in breakup with Joshua Garcia
Bagay na sinang-ayunan naman ni Joshua.
Ayon sa aktor, "Actually, kami po ni Juls, parang ano, e, parang iba na yung approach namin sa work.
"This time, mas professional, we know our boundaries na rin."
Read: Julia Barretto takes breakup rumors with boyfriend Gerald Anderson as a "compliment"
Sundot na tanong sa kanya, "Did you ask permission with your current partner to do this?"
Mabilis na sagot ni Joshua, "No."
Paliwanag niya, "Hindi ako nag-ask sa partner ko kasi bago pa kami magkakilala, alam niya na pagiging aktor na yung trabaho ko.
"She's just very supportive about dun sa movie."
Read: Joshua Garcia, Emilienne Vigier spend time together in Japan
Julia and Joshua's personal experiences
Ang Un/happy For You ay isang romance-drama tungkol sa mag-ex na sina Juancho (Joshua) at Zy (Julia) na muling pagtatagpuin ng tadhana.
Ayon kina Joshua at Julia, hindi na sila nahirapang gampanan ang kani-kanilang karakter dahil hinugot nila ito sa kanilang personal na karanasan noong sila ay nagkahiwalay.
Gayumpanan, hindi naman daw sila nagpapadala rito. Isinasaalang-alang pa rin daw nila ang totoong hugot ng kani-kanilang karakter.
Saad ng Kapamilya actor, "Hindi maiwasan na humugot sa past, but I think bilang actor, nasa sa iyo na rin yun kung paano mo siya babawasan yung nararamdaman mo.
"Just to protect yourself lang din dun sa pain na naramdaman mo."

Dagdag naman ni Julia, "Ayoko naman i-spoil masyado yung naging process namin ni Josh. Kasi isa siyang intimate one na kami lang talaga magkakaintindihan habang ginagawa namin to.
"But siguro, ginawa namin inspiration mas lalo yung happy memories namin noong kami pa."

Read: Julia Barretto, Joshua Garcia reveal how they felt after seeing each other again
DID They miss working together?
Unang nakilala ang tambalan nina Joshua at Julia—na kalaunan ay kinilalang JoshLia—sa pelikulang Vince, Kath, and James noong 2016.
Mabilis itong nasundan ng dalawang pelikula noong 2017, ang Love You To The Stars and Back at Unexpectedly Yours.
I Love You, Hater noong 2018, ang zombie movie na Black Z noong 2020, at ang kauna-unahan nilang ABS-CBN series na Ngayon at Kailanman noong 2018.
Huli silang nagkasama at nagkatrabaho sa music video ng kanta ni Moira dela Torre na "Paubaya" noong 2021.
Ngayong muli silang nagkasama, ano ang mga na-miss nila sa isa't isa?
Sagot ni Joshua, "Na-miss ko na may kaeksena na naiintindihan yung nararamdaman ko, alam mo yun?
"Lumalabas siya sa screen talaga. Na-miss ko yung mga tawanan namin."
Sabi naman ni Julia, "Parang over the years, nag-evolve na kami as people and actors as well.
"So, it’s nice that we’ve grown in those past years as we come together and we get to learn new things about each other and from each other while we’re working.
"Ang dali ng trabaho kapag may pagkakaintindihan na kayo lang makakaintindi sa proseso na yun. It’s special. It’s different."
Read: Gerald Anderson on marrying Julia Barretto: “Lapit na.”
