Labis-labis ang pasasalamat ni Herlene Budol kay Barbie Forteza dahil sa pagtulong nito sa kanya nang aksidente siyang madapa sa entablado habang rumarampa sa GMA Gala 2024.
Naganap ang taunang GMA Gala sa Manila Marriot Hotel Grand Ballroom sa Newport, Pasay City, noong Sabado, July 20, 2024.
Read: Herlene Budol responds to bashers after GMA Gala 2024 incident
Sa viral video na kuha sa nasabing event, makikita ang pagkadapa ni Herlene sa stage habang naglalakad at rumarampa para ibandera ang kanyang gown na gawa ni Leo Almodal.
Tinawag na “Birth of Venus” ang gown na suot ni Herlene at inspirasyon nito ang painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli.
Aminado si Herlene na naapakan niya ang dulong bahagi ng kanyang gown dahilan para mawalan siya ng balanse sa paglalakad.
Walang kaabug-abog naman siyang tinulungan ng ilang tao sa kanyang paligid, kabilang si Barbie Forteza na agad tumakbo para lapitan ang natumbang fellow Kapuso star.
Sa hiwalay na viral video na kuha nang maganap ang pangyayari ay makikita si Barbie na nakangiting naglalakad dahil magkasunuran sila ni Herlene sa pagrampa sa stage.
Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Barbie nang makita ang nangyari kay Herlene.

Bakas dito ang pag-aalala sa fellow Kapuso star nang makita itong madapa.
Agad na tumakbo si Barbie patungo kung nasaan si Herlene para tulungan itong tumayo.
Read: Barbie Forteza helping Herlene Budol trends online
HERLENE VISITS BARBIE
Dalawang araw matapos ang insidente, personal na pinuntahan ni Herlene si Barbie para makapagpasalamat sa ginawang pagtulong nito sa kanya.
Nitong Martes, July 23, ini-upload ng comedienne-beauty queen ang video ng pagdalaw niya kay Barbie sa taping nito para sa Family Feud.
Nakayapak pa si Herlene sa pagmamadali para maabutan ang kapwa aktres.
"Thank you, Ate," bungad ni Herlene kay Barbie pagkakita niya rito kasunod ng pagyayakapan nilang dalawa.
Read: GMA Gala 2024's Most Talked-About Moments
Dagdag pa niya, "Noong nadapa ako, hindi ko napansin kung sino na yung mga tumulong.
"Nakita ko na lang yung sa video, ang daming nagta-tag sa akin na nandoon ka, to the rescue. Ang laki-laki ng gown mo, tinakbo mo ako.
"Kaya maraming-maraming salamat."
Sagot sa kanya ni Barbie, "Oo naman, okay na yon, mabuti na yung okay ka.
"Basta okay ka, ayun naman yung importante."
Read: GMA Gala 2024: Scene stealers sa red carpet
BARBIE EXPLAINS WHY SHE HELPED HERLENE
Sa video na in-upload ni Herlene, makikita rin ang pag-interview sa dalawa ng GMA Integrated News, kunsaan natanong si Barbie kung bakit siya napatakbo upang tulungan si Herlene.
Saad ng aktres, "Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko rin nagawa yung [tumakbo sa suot kong gown] na hindi rin nadadapa.
"Yung nakita ko kasi siyang bumagsak, talagang gusto ko lang matulungan siya, na ma-awra niya nang maayos yung damit niya.
"Pa-thank you na ako nun, e [tapos biglang ganun nangyari]."
Sabi pa ni Barbie kay Herlene, "Pero ang galing, naka-take two ka dun, ang galing nung kanyang final walk."
Read: Barbie Forteza, ikinukumpara kay Kathryn Bernardo
Paliwanag naman ni Herlene, bago pa man siya rumampa sa entablado ay makailang beses na siyang nadapa suot-suot ang kanyang gown.
Gustung-gusto lang daw talaga niyang bigyan ng hustisya ang sakripisyo at pagod ng mga gumawa nito kaya naman pinilit niyang irampa ito.
Sabi niya, "Actually, nasaktan ako, may mga sugat ako [sa tuhod].
"Nilamon na ako nun ng kahihiyan ko, pero sabi ko sa sarili ko, 'Hindi, Herlene, kesa sa magpabebe ka, tumayo ka.'"
Bagay na nagawa naman ni Herlene, kaya muli siyang rumampa na nakayapak matapos niyang madapa.
Read: Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
