Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa mga papuring natatanggap niya mula sa netizens na nakapanood sa pilot episode ng Pulang Araw.
Nitong Biyernes, July 26, 2024, nagsimulang umere sa Netflix ang historical action-drama ng GMA-7 na Pulang Araw.
Read: Pulang Araw Unveils Lead Cast
Sa pilot episode ay unti-unti nang ipinakilala ang mga karakter ng mga bidang sina Barbie Forteza bilang Adelina, Alden Richards bilang Eduardo, Sanya Lopez bilang Teresita, at David Licauco bilang Horoshi.
Read: Pulang Araw advance episodes, mapapanood na sa Netflix
Kabilang din sa ipinalabas sa pilot episode ang pinagdaanan sa kabataan ng magkapatid na sina Eduardo (Alden) at Adelina (Barbie) kasama ang kanilang ina na si Fina (Rhian).
SPOILER ALERT!
Sa episode kahapon, July 26, nabunyag ang pagkakakilanlan nina Eduardo at Adelina nang malaman nilang magkaiba ang kanilang ama.
Ito'y matapos silang tuksuin ng kanilang mga kalaro na si Eduardo ay bastardo at si Adelina ay anak ng kerida o babaeng nakikiapid sa lalaking may asawa na.
Bagay na ipinagtapat naman sa kanila ni Fina nang umuwi ng bahay sina Eduardo at Adelina na puno ng sugat at galos dahil sa pakikipag-away nila sa mga kalaro nilang nanukso sa kanila.
Read: Pulang Araw, kayang pantayan tagumpay ng Maria Clara at Ibarra?
Ganunpaman, nanatili pa rin ang pagmamahalan sa magkapatid nang pilit na ipinaunawa sa kanila ni Fina na anuman ang mangyari at sabihin ng iba ay magkapatid sila.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasakit si Fina ng tuberculosis, dahilan para iwan niya ang kanyang dalawang anak para magpagamot sa takot na mahawa ang mga ito sa kanya.
Iniwan niya sina Eduardo at Adelina sa pinsan niyang si Amalia (Rochelle Pangilinan) sa paniniwalang gagabayan nito ang kanyang mga anak habang siya ay nagpapagamot, ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil naging malupit si Amalia kina Eduardo at Adelina.
Hindi nagtagal, sumakabilang-buhay si Fina nang lumala at hindi niya makayanan ang kanyang sakit.
NETIZENS REACTION TO RHIAN'S PERFORMANCE
Sa social media, partikular na sa X, usap-usapan ang makabagbag damdaming pagganap ni Rhian bilang si Fina.
Dahilan para mag-trending ang kanyang pangalan.

Marami sa netizens ang naantig at bumilib sa husay ng Kapuso actress, maging sa gawi kung paano niya ideliver ang kanyang mga linya na anila'y maganda raw na simula sa tatakbuhin ng kuwento ng Pulang Araw.
Tweet ng isang netizen (published as is), "The pain of a mother's love! Gosh! The pilot episode is full of emotions! Rhian Ramos is so good! Cinematography, storytelling, the characters, congratulations @gmanetwork for this! Pilipinas, nakakaproud maging Pinoy! #PulangArawOnNetflix."
Saad ng isa, "Rhian Ramos deserves more recognition. I’ve loved her past work because she is a natural and effectively portrays every character, while also adding a bit of her own personality. oh rhian, the MOTHER that you are."
Sabi pa ng isa,"BEST ACTRESS RHIAN RAMOS TALAGA! SHET! LITERAL NA MOTHERING SI MAMA DUN SA SCENE NA YON!"
Dagdag pa ng isa, "TANG*NA! WALANG BAKAS NA CONYOGIRL SI RHIAN RAMOS!!!! BAWAT BIGKAS! Special Participation, PERO ITO KA TINAPOS mo ang LABAN!! NAPAKAHUSAY MO."
Bagay na inirepost ni Rhian, kalakip ang pasasalamat niya sa mga natatanggap niyang papuri.
Aniya (published as is), "omg, like thank you much."
Maging ang tweet ng writer ng Pulang Araw na si Suzette Doctolero ay inirepost ni Rhian nang pasalamatan siya nito sa pagtanggap sa karakter na Fina.
Tweet ni Suzzette, "Salamat @whianwamos at pumayag ka sa role na Filipina/Fina sa #PulangArawEp1 napakalaking bagay!"
Sagit dito ni Rhian, "Thank you ma'am @SuziDoctolero it was such a treat for me, honestly."
