PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Jinggoy Estrada addresses "victim blaming" accusations

Karen Davila: "Stop victim blaming. Treat victims with compassion and sensitivity."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 22, 2024
Sen. Jinggoy Estrada reacts to critics calling him "insensitive" over Sandro Muhlach, Gerald Santos's case
Senator Jinggoy Estrada: "It was never, never my intention to victim blame or humiliate those who have come out to disclose the tragic realities happening in the movie industry or the entertainment industry, but rather to address a systemic issue that has been hurting our artists workers."
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook

Naglabas ng pahayag si Senator Jinggoy Estrada hinggil sa mga kritisismong natatanggap niya dahil sa paraan ng kanyang pagtatanong at pag-asta kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa ginanap na pagdinig sa senado kamakailan.

Humarap sina Sandro at Gerald sa senado kaugnay ng imbestigasyon sa pang-aabusong naranasan umano nila mula sa mga kasamahan din nila sa entertainment industry na may katungkulan at kapangyarihan.

May common denominator sina Sandro at Gerald dahil pareho silang naging biktima umano ng seksuwal na pang-aabuso.

Si Sandro, inirereklamo ang suspended GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz dahil sa pangmomolesya umano sa kanya ng mga ito sa isang hotel noong Hulyo 21, 2024.

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

Habang si Gerald naman ay lumantad para isiwalat na 15-anyos lang siya nang halayin umano ng isang musical director na nakatrabaho niya sa GMA-7 noong 2005.

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Lunes, August 19, 2024, magkasunod na humarap sina Sandro at Gerald sa Senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media para magsalita at ilahad ang bangungot na kanilang sinapit.

Pinangunahan nina Senator Robin Padilla at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagdinig.

Estrada criticizeD for being "harsh" and "insensitive"

Maraming netizens na nakapanood sa pagdinig ang nadismaya sa inasal ni Estrada sa dalawang complainants.

Partikular na sa mga pinakawalan niyang tanong at pahayag tungkol sa malagim na sinapit nina Sandro at Gerald.

Sa aspeto ng pag-uusisa kay Sandro, nagtaas ng boses ang mambabatas nang limitahan ng aktor ang paglalahad nito sa naranasang pangmomolestiya.

Naging maingat si Sandro sa pagsagot sa mga tanong ni Estrada dahil noong araw ring iyon ay pormal na siyang naghain ng mga reklamong rape through sexual abuse at acts of lasciviousness laban kina Nones at Cruz sa Department of Justice.

Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay na hiningi naman ng paumanhin ng kanyang legal counsel na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz. Paliwanag nito, may trauma pa hanggang ngayon si Sandro kaya hindi pa nito buong maidetalye ang mapait na sinapit.

Dahil sa limitadong impormasyon, lumalabas na napikon si Estrada kaya hindi nito napigilang makapagtaas ng boses at pagalitan ang kampo ni Sandro.

Read: Sandro Muhlach, nakararanas umano ng trauma at PTSD

Aniya, "Alam niyo, kapag hindi natin tatapusin ito, hahaba nang hahaba ito kaya magsalita na kayo.

"You're wasting our time here, e. Magsasalita ba kayo o hindi? Kasi kung hindi, aalis na ako rito."

sandro muhlach senate hearing
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jojo Nones cited in contempt by Senator Jinggoy Estrada

Sa kaso naman ni Gerald, natanong ni Estrada ang dating Kapuso singer kung bakit inabot ng ilang taon bago siya tuluyang lumantad at nagsalita sa kaso ng "rape" na nangyari sa kanya.

Nangyari umano ang "rape" kay Gerald noong 2005, pero noong 2010 lang siya nag-file ng formal complaint sa pamunuan ng GMA-7.

Sermon ni Estrada, "Why did it take you five years? You should have filed a complaint immediately after that you were sexually harassed."

Gerald Santos at Senate hearing for alleged rape against musical director in GMA-7
Photo/s: Senate of The Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony

Sinagot naman ito ni Gerald, na dahil sa kahihiyan at takot kaya napatagal ang kanyang paglantad.

Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue

Dahil sa gawi ng pagtatanong ni Estrada kina Sandro at Gerald, marami sa netizens ang nanggalaiti dahil umano sa pagiging "harsh" at "insensitive" ng senador sa mga pinagdadaanan ng mga naabuso.

KAREN DAVILA TELLS ESTRADA TO "STOP VICTIM BLAMING"

Kabilang sa mga dismayado kay Estrada ay ang TV Patrol anchor na si Karen Davila.

Noong August 20, naglabas ng saloobin si Karen sa X (dating Twitter) sa aniya'y hindi makatarungang paraan ng pagtrato at pagtatanong ng senador sa dalawang personalidad.

Hindi man direktang pinangalanan ni Karen kung sino ang nais niyang patamaan sa kanyang tweet, mahihinuha na para ito kay Estrada, dahil sa ni-repost niyang artikulo patungkol sa senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa tweet ni Karen (published as is): "To our lawmakers, Stop victim blaming. Treat victims with compassion and sensitivity.

"Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing. Stop barraging, asking “why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately”.

"Victims are scared. They feel ashamed. And this kind of public shaming will not help victims to come out.

"Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ESTRADA RELEASES STATEMENT

Dahil sa natatanggap na kaliwa't kanang batikos online, nagsalita si Estrada tungkol dito.

Sa ginanap na Kapihan Sa Senado public briefing nitong Huwebes, August 22, natanong si Estrada tungkol sa naging tweet ni Karen sa kanya.

Tanong sa senador, "On the hearing about sexual abuse sa showbiz industry, may mga criticism the way you handled the hearing last Monday. May open letter po si Karen Davila, appealing lawmakers to stop victim blaming and treat victims with compassion and sensitivity. Would you like to comment on that?"

Sa halip na direkta itong sagutin, binasa ni Estrada ang inihanda niyang statement tungkol sa usaping ito.

Sen. Jinggoy Estrada reacts to critics calling him
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa niya, hindi niya intensiyong mamahiya at sisihin sina Sandro at Gerald sa kanilang pinagdaanan.

Bilang pinuno ng senate hearing, ginawa lang daw ni Estrada ang kanyang trabaho na magtanong at iklaro ang mga pangyayari na makatutulong sa kanilang imbestigasyon.

Pahayag niya: "I understand that my recent questionings in the senate hearing gave the public impression of me being harsh, insensitive, and apathetic.

"It was never, never my intention to victim blame or humiliate those who have come out to disclose the tragic realities happening in the movie industry or the entertainment industry, but rather to address a systemic issue that has been hurting our artists workers.

"My passionate approach which did not sit well with the public monitoring the proceedings, stems from a deep frustration that this problem have persisted for years."

Read: Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko

Ayon pa kay Estrada, mataas ang paggalang at pang-unawa niya sa mga kagaya nina Sandro at Gerald na inabuso ng mas nakakataas sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naintindihan din daw niya ang mga ito dahil bilang dating showbiz personality ay alam daw niyang talamak talaga sa industriya ng entertainment ang mga mapag-abuso.

Saad niya: "Parte po ako ng industriyang ito kaya alam ko na matagal na po itong nangyayari at patuloy na nangyayari.

"Pero takot lumantad ang mga biktima, mahihiyang magsalita. Ang mga isyung ito ay pabulong lamang na pinag-uusapan.

"Wala po akong intensiyon na balewalain ang nararamdaman ng mga biktima ng pang-aabuso, sexual abuse or sexual harassment.

"Ngunit bilang parte ng industriyang ito, hindi ko kukunsintihin ang ginawa ng sinasabing may awtoridad o kapangyarihan sa industriya.

"In fact, I condemn all forms of violence regardless of gender particularly in this industry where abuses, katulad ng sinasabi ko na, have been ongoing for so long."

Dagdag pa niya, "Alam niyo, kung ang kapalit ng bashings na ipinupukol sa akin o ang galit ng publiko ay para mas patuloy na pag-usapan ang usapin ng pang-aabuso sa mga maliliit na artista o kasamahan sa industriya, o para mas magkaroon ng mas malawak na kamalayan at pagkilos laban sa pang-aabuso, hindi lamang sa entertainment industry kundi pati na rin sa iba’t ibang sektor, ay malugod ko pong tatanggapin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ESTRADA: "sa lahat ng biktima ng ganitong klaseng pang-aabuso, kaisa niyo ako."

Pagkatapos basahin ang kanyang statement, nilinaw ni Estrada na walang masamang tinapay sa kanila nina Sandro at Gerald, kaya't hindi raw niya mawari kung saan nanggagaling ang galit ng netizens.

Kuwento ng senador, "Mukhang naputol kasi yung video footage noong nagkaroon kami ng executive session, wherein tinawag ko pa nga si Gerald Santos and we spoke, talked to him candidly. Then I asked him what was his plan.

"Sabi niya, he wanted to file a case after nineteen years. So he even went up to my office, he even thanked me, sinabi ko naman na tutulungan ko siya.

"Kasi sabi niya, hindi raw niya afford yung attorney's fees. Sabi ko naman, 'Sige, I'll be willing to help you.'"

Ipinaliwanag din ni Estrada kung bakit nakapagtaas siya ng boses sa pagdinig sa kaso ni Sandro.

Paglilinaw niya, hindi si Sandro ang kinainisan niya kundi ang abogada nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Estrada, "Doon naman sa kaso ni Sandro, when I asked Sandro to narrate what happened, pinigilan siya ng abogada niya.

"Doon ako medyo na-off dahil all the while, I thought Sandro was already willing to narrate everything that transpired during that tragic evening.

"So, medyo napagalitan ko yung abogada ni Sandro for giving... for me, it’s a wrong move na hindi niya hinayaang ilantad yung mga pangyayari.

"Pero sa akin naman, kung hindi na mahalaga for public consumption yung kanyang sasabihin, I will let him stop."

Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach

Sundot na tanong kay Estrada, "Do you think na yung pangyayari na hindi napanood yung buong hearing ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng impression na naging harsh kayo sa mga victim?"

Sagot niya, "Well, that’s what I feel. Pero rest assured I am with you all the way, kay Sandro, kay Gerald, at sa lahat ng biktima ng ganitong klaseng pang-aabuso, kaisa niyo ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Jinggoy Estrada: "It was never, never my intention to victim blame or humiliate those who have come out to disclose the tragic realities happening in the movie industry or the entertainment industry, but rather to address a systemic issue that has been hurting our artists workers."
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results