Kumpirmadong wala na sa pangangalaga ng talent management na Careless Music ang aktres na si Liza Soberano.
Mismong ang pamunuan na ng Careless Music ang nagsapubliko nito through a post sa Instagram Story ngayong Sabado, September 14, 2024, matapos ang ilang linggong bulung-bulungang umalis na sa kanilang poder si Liza.
Read: The times Liza Soberano's quotes made headlines
Mababasa sa pahayag ng Careless Music:
"Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024.
"It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors."
Read: Meet Careless Music's diverse roster of talents

LIZA UNFOLLOWS CARELESS MUSIC ON INSTAGRAM
Bago ang anunsiyong ito, unang napansin ng netizens ang hindi pagpu-promote ng Careless Music kay Liza sa social-media pages nito simula pa noong August 2024.
Mas lalo pang nagliyab ang usap-usapang umalis na si Liza nang i-unfollow niya sa Instagram ang Careless Music.

Pero ang Careless Music ay nananatili pa ring pina-follow si Liza.

Ang Careless Music ay isang record label at talent management company na pinamumunuan ng actor-singer na si James Reid, kasosyo ang American-Korean businessman na si Jeffrey Oh.
Read: Careless CEO Jeffrey Oh allegedly arrested, facing deportation
Pumirma ng kontrata si Liza sa Careless noong June 2022 matapos niyang magdesisyong hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager na si Ogie Diaz.
Read:
- Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
- Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Liza na kasalukuyang nasa United States.
Samantala, makailang beses nang napabalita ang pag-alis ni Liza sa Careless.
Noong October 2023, napabalitang ang tiyahin ni Liza, si Tita Jonie, ang nagma-manage ng showbiz career niya
Si Tita Jonie ang tumayong road manager at personal assistant ni Liza sa loob ng mahabang panahon.
Read: Liza Soberano tells how she landed role in Hollywood movie "Lisa Frankenstein"
Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management
Mabilis namang pinabulaanan ito ng Careless.
Nagpadala ito ng maikling pahayag sa ABS-CBN News noong October 25, 2023: “Liza Soberano is still with Careless Music. No statement on the rumor. Thank you for clarifying."
Read: Liza Soberano still managed by James Reid's Careless Music
