Inaresto ng mga awtoridad ang manager ng aktres na si Liza Soberano na si Jeffrey Oh noong Biyernes, July 28, 2023, matapos umanong mapag-alamang hindi rehistrado ang kanyang kumpanya sa Pilipinas na Careless Management.
Ang impormasyong ito ay ayon sa radio host and showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Ang Korean-American na si Jeffrey ang tumatayong Chief Executive Officer (CEO) ng Careless Management, kasosyo ang singer-actor na si James Reid.
Noong June 2022, pumirma ng kontrata sa Careless si Liza matapos nitong hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager niyang si Ogie Diaz.
Read:
- Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management
- Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”
- Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”
“Yun pong bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh ay pinuntahan ng mga alagad ng batas sa kanyang opisina sa Poblacion Makati,” panimula ni Cristy sa programa nitong Cristy Ferminute sa One PH noong July 31, 2023.
Pagpapatuloy pa niya, “Inakyat siya doon ng mga awtoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya.”
Read:
- Careless CEO claims Liza Soberano offered to audition for Zendaya's role in Spider-Man
- Ogie Diaz on claim that Liza Soberano was offered to audition for Spider-Man: “You might want to release the receipt…”
Pagbubunyag pa ni Cristy, nanganganib ma-deport si Jeffrey dahil wala umano itong maipakitang papeles na nagsasabing maaari siyang mag-operate ng business sa bansa nang arestuhin siya ng kapulisan.
Aniya, “Baka ipa-deport itong Jeffrey Oh na ito.
“Haharap siya sa deportation. Papaano, hiningi ang mga dokumento sa kanya, wala pala siyang mga papeles na nagsasabi at nagbibigay ng kalayaan sa kanya to operate business in the Philippines.
“Wala rin siyang SEC [Securities and Exchange Commission] registration.
“Sinet up yung paghuli sa kanya nung Friday. In-inquest na rin siya nung hapon.”
Read: The times Liza Soberano's quotes made headlines
Maliban dito, ayon kay Cristy, isa rin daw ang ama ni James na si Malcolm Reid sa naghain ng reklamo kay Jeffrey.
“Sa dami ng nagrereklamo, isa pala ang tatay ni James Reid sa nagrereklamo laban dito kay Jeffrey Oh.
“Dahil yung pera ng anak niya—dahil parang sosyo sila [ni James] di ba—hindi nakakarating kay James Reid yung kaukulang pangako na perang ibibigay bilang partner,” saad ni Cristy.
Sa kasalukuyan, ayon sa reports, ay naka-detain sa Bureau of Immigration.
Read: Liza Soberano reveals Hello, Love, Goodbye was first offered to LizQuen; Kathryn Bernardo fans react
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang Careles at si Liza patungkol sa isyung ito.
